Chapter 35 Mariz’s PoV “May isa lang sana akong gusto. . .” Ano kaya ang nag-iisang gusto ni Valentino? Wala talaga akong maisip. Hindi naman kasi siya maluhong tao. Hindi siya mayabang, hindi siya nagpi-flex ng kung anong meron siya. Kahit nga ang President’s lister niyang achievement, hindi niya pinost sa social media o kahit banggitin sa akin ay hindi niya sinasabi. He is very humble, so simple. “Anong gusto mo?” tanong ko ulit. Nahihiya kasi siya. Kung kailan naman close na kami at binigay na namin ang sarili namin sa isa’t isa ngayon pa siya nahiya. “Just forget about it. Hayaan mo na–” “Valen! Sabihin mo na. Kurutin ko ‘yang ano mo. . . tenga mo.” inis na sabi ko dahil napaka arte. Kainis. Pabebe. Umayos siya ng higa at ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang matigas na bicep.

