Chapter 52 Mariz's PoV “Ano na sweetie? Pasado ba ang pag-suyo ko? Bati na ba tayo?” Tanong ni Valentino pagkatapos niyang mangharana. Kung harana man ang tawag do’n. Napakaganda ng speaking at singing voice ni Valentino, no doubts but, bakit gano’n? Hindi ko alam kung wala siya sa tono, o out of tune siya, o sintunado siya talaga. Tapos para pang lasing ‘yung lyrics niya, she’s so bandable? Ano ‘yun? Mabuti na lang talaga at memorable ‘yang kanta na ‘yan. Kinikilig ako kapag naririnig ko ‘yan. Mabuti na lang din at gwapo siya kaya nadaa niya ‘yung kanta. Sabagay may mga kanta talaga na nakalakihan na natin na hindi naman natin maunawaan ‘yung lyrics pero kinakanta natin gaya ng “Jingbambels, jimbambels, jinggam all the way, o what fun it is to rise on a one horse ofensley”. Napat

