LICK ME 1: ⚠️⚠️⚠️

1692 Words
GAEA'S P.O.V: "GAEA! Punyeta, nasaan ka bang babae ka!" Mabilis na binitawan ko ang kutislyo na hawak ko at saka tinungo ang sala kung saan naroon si Lexus at napangiwi ako nang maamoy ang alak mula sa kanya. Lasing na naman siya. "B-Bakit?" kinakabahang tanong ko. Mula nang ikasal kaming dalawa ay laging mainit ang ulo niya sa akin na para bang gusto niya akong puksain gamit lamang ang kanyang kamay. Susuray-suray na tumayo si Lexus mula sa couch na kinauupuan niya at saka siya lumapit sa akin at walang pasabing hinaklit ang buhok ko. "Ikaw na babae ka, bakit nagbibingi-bibingihan ka na naman? Hindi ba’t sinabi ko sayo na sa isang tawag ko lang ay dapat nasa harapan na kita?" gigil na sambit niya habang mahigpit ang pagkakasabunot niya sa aking buhok. "L-Lexus, nasasaktan ako," "Talagang masasaktan ka! Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong pumunta sa harapan ko!?" "N-Nagluluto ako ng hapunan- araay!" sigaw ko nang ibalibag niya ako patungo sa sofa at tumama ang aking mukha sa arm rest niyon. Nabali pa yata ang ilong ko. "Tangina, nagluluto? Ni paglinis nga sa sarili mo hindi mo magawa tapos magluluto ka? Itapon mo yang niluluto mo at baka nakakalason yan! Tawagan mo si Mia!" utos niya at saka muling naupo sa couch at sapo ang kanyang ulo. Ayoko sanang tiisin ang mura at pananakit niya sa akin ngunit wala akong magagawa dahil ito ang kapalaran ko. Pwersahan akong ipinakasal sa isang tulad niya dahil malaki ang pagkakautang ng pamilya ko sa kanya at ako ang ginawang kabayaran upang mapunan ang utang na yun at hindi makulong ang mga magulang ko. Dahan-dahan akong tumayo at inabot ang telepono at saka tinawagan ang kanyang sekretarya na si Mia – ang kabit ng aking asawa. Hindi lang si Mia ang iniuwi niya rito sa bahay, bagkus marami silang babae at hindi ko na mabilang kung ilan lahat sila ngunit ang laging ipinapatawag ni Lexus ay si Mia at gagawa sila ng milagro sa kwarto naming mag-asawa o kung minsan ay sa harapan ko pa. Ganun kababoy ang isang Lexus Gray Lagdameo at kung hindi lang dahil sa pagkakautang ng mga magulang ko, wala ako ngayon sa sitwasyon kong ito. "P-Parating na si Mia rito, hihintayin ko na lang siya sa gate." "Hindi, manatili ka dyan at panuorin mo ang gagawin namin ni Mia. Kung hindi lang kita asawa, baka si Mia na ang pinakasalan ko at hindi ikaw. Alam mo bang nandidiri ako sayong babae ka? Bukod sa isa kang bayaran, wala ka pang kwenta." Napayuko na lamang ako sa mga sinasabi ni Lexus dahil totoo naman ang sinabi niya. Bukod sa pirma ko lang sa marriage contract namin ang may pakinabang, yun lang ang ambag ko habang nakatali kami sa kasal na ito. Halos araw-araw ko nang naririnig ang salitang walang kwenta mula sa bibig niya at nasanay na lang ako sa lahat ng pang iinsulto niya sa akin. Ni ang makipagkita sa mga kaibigan ko ay hindi ko magawa dahil pinagbawalan niya akong lumabas ng bahay at baka raw hindi na ako bumalik lalo pa’t hindi pa tapos ang pagiging asawa ko sa kanya. Nalusyang na ko’t lahat, ayaw niya pa rin akong payagang lumabas ng bahay namin o kung makalabas man, dahil yun sa kanyang ate na isinasama ako kahit saan nito gusto. Yun lang ang tanging paraan ko para maramdaman ang salitang kalayaan. Nakarinig ako ng doorbell mula sa labas kaya naman nagpaalam ako kay Lexus at tinignan kung sino ang nasa labas ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting long sleeve, itim na patalon, makintab na sapatos at seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Tanging ang kalahating mukha lang nito ang nasisinagan ng ilaw mula sa street light na nasa kabilang bahay. "Nandyan ba si Lexus?" Tila natuyo ang aking lalamunan at natulala ako nang marinig ang malalim nitong boses. "Gaea…" gumapang ang kakaibang kilabot sa aking katawan kaya nabalik ako sa huwisyo at tinignan siya. "K-Kilala mo ako?" takang tanong ko. "Bakit ko naman hindi makikilala ang asawa ng bestfriend ko?" Naalala ko na. Siya si Deo, ang matalik na kaibigan ni Lexus. "I-Ikaw si Deo?" "Yes," Shet! Ang laki na ng ipinagbago niya at ang huling pagkikita yata namin ay noong namanhikan sa bahay ang pamilya ni Lexus para sa kasal naming dalawa. Tatlong taon na ang lumipas nang ikasal kami ni Lexus at kahit anino niya ay hindi ko man lang nakita noong ikasal kami ni Lexus. "A-Ah, eh, nasa loob si Lexus at lasing siya. Pasok ka." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng gate namin ngunit agad akong napaigtad nang marinig ko na naman ang sigaw ni Lexus. "Gaea! Punyeta! Bakit ang tagal mo!? Inaaway mo na ba naman si Mia!?" Nanginginig na napapalingon ako sa bahay ngunit hindi ko pinakita kay Deo yun. "Pasensya na, pumasok ka na lang sa loob ng bahay dahil hinihintay ko ang sekretarya ni Lexus." "Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin papasok ng bahay mo at doon natin hintayin ang bisitang sinasabi mo? Mahamog na dito sa labas, sisipunin ka." "Hindi, okay lang ako. Mauna ka na, sige na." Pamimilit ko pa. Nagpabalik-balik pa ang tingin ni Deo sa akin at sa bahay ngunit isang buntong-hininga lang ang kanyang binitawan at saka siya naglakad papasok sa bahay namin. Sakto namang dumating ang isang taxi at bumaba doon ang isang babae na nakasuot ng manipis na dress na mukhang nightie at inismiran pa ako matapos niya akong daanan at banggain sa balikat bago siya tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Napapailing na isinara ko na lamang ang gate namin at saka ako pumunta sa likod bahay at dumiretso ako sa kusina upang ituloy ang aking ginagawa at hayaan si Lexus kasama ang mga bisita niya. Adobong okra lang naman ang niluluto ko at akala ko kasi ay hindi uuwi si Lexus ngayong gabi dahil may party siya na pinuntahan kaya nag expect ako na ako lang ang mag-isa rito sa bahay ngunit nagkamali ako. Paborito ko ang adobong okra at iyon lang ang natutunan ko mula sa aking Lola na namayapa na pitong taon na ang nakakalipas. Hinayaan ko na lamang sila Lexus kasama ang babae niya at ang bestfriend niya at saka ko inatupag ang pagkaing niluluto ko. Sa tatlong taon ng pagiging mag-asawa namin ni Lexus, hindi niya ako ikinama, bagkus, ibang babae ang kasama niya matapos ang kasal naming dalawa. Sa totoo lang, ipinagpasalamat ko pa nga yun dahil virgin pa rin ako hanggang ngayon at wala rin naman akong balak na magkaanak lalo na kung si Lexus ang ama. Kung hindi niya ako kayang sikmurain araw-araw, mas lalong hindi ko naman siya kayang sikmurain kapag nagtatagpo ang landas naming dalawa dito sa bahay. Kinasusuklaman namin ang isa’t-isa. Ako na nga ang umiiwas pero siya itong tawag ng tawag sa aking pangalan. "Sunog na ang niluluto mo," Agad akong nabalik sa huwisyo at natatarantang pinatay ang kalan at saka nilingon ang taong nagsabi niyon ngunit agad kong nahigit ang aking hininga nang makita si Deo rito sa loob ng kusina. "A-Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko at doon ko lang napansin na may hawak siyang paper bag. Dala niya ba yun nang pumasok siya kanina? Hindi ko alam. "Ilalagay ko lang itong prutas na binili ko. Sabi kasi ni Lexus mahilig ka sa prutas kaya bumili ako bago pumunta rito. Mukhang hindi ko makakausap ng maayos si Lexus ngayon, importante pa man din yun." Para sa akin? Bakit? Lumapit si Deo sa mesa at inilapag niya doon ang paper bag na hawak niya at saka niya ako hinarap ulit. "Kakain ka pa lang ba?" dugtong niya pa dahilan para mahigit ko ulit ang aking paghinga at kakaiba ang nararamdaman ko habang kaharap ko siya. "O-Oo. Kita mo namang nagluluto ako di ba?" mapaklang wika ko ngunit agad kong binawi ang tono ng aking boses. "S-Si Lexus at Mia, nasaan na?" "Sa kwarto… niyo. Lagi ba itong ginagawa ni Lexus?" aniya at saka sumandal sa dulo ng mesa at isinilid sa kanyang bulsa ng suot niyang pantalon ang kanyang kamay. Mukha siyang modelo ng long sleeve sa itsura niya. "A-Ang alin?" "Ang magdala ng babae sa loob ng bahay niyo? Mag-asawa kayo hindi ba?" Paktay na! Walang nakakaalam ng set up namin ni Lexus ngunit mukhang mabibisto na kami agad ng best friend niya. "N-Ngayon lang. Tyaka hindi niya naman babae si Mia. Alam mo na, extended ang trabaho ng sekretarya." "Na ganun ang ayos? Halos kumunyapit na si Lexus sa babaeng yun na kinapos na sa tela ang damit at hinahalik-halikan niya pa na parang wala ako sa harapan nila tapos okay lang sayo?" Napalunok ako. Bakit niya ba ako ini-interogate na kung tutuusin ay hindi naman kami close? Si Lexus dapat ang kinakausap niya tungkol sa bagay na ito. "L-Lasing kasi si Lexus, h-hayaan mo na. Malaking tulong naman si Mia pag nalalasing si Lexus eh. Uhm, kumain ka na ba? Ipaghahanda na lang kita. Pasensya na kung nadatnan mong magulo ang bahay namin at lasing pa si Lexus," pag-iiba ko na lamang sa usapan namin dahilan para mapabuga ng hangin si Deo. "Sasabayan na lang kitang kumain at pagkatapos niyon ay uuwi na ako," aniya at saka siya naupo sa silya kaya agad na akong kumuha ng pinggan, kubyertos at baso at saka pinagsilbihan ang bestfriend ng asawa ko. Hindi ko naman inaasahan na darating siya ngayon at nakita niya pa talaga kung gaano kamiserable si Lexus sa akin. "P-Pasensya ka na, ito lang ang kaya kong lutuin. Juice ba, gusto mo?" nahihiyang tanong ko. "Hayaan mo na, maupo ka na at kumain ka na rin. Kaya kong pagsilbihan ang sarili ko." Napangiwi na lang ako at saka marahang tumango at naupo ako sa harap niya at kumuha na rin ng plato at pinagsilbihan ang sarili ko. "Sige, sabi mo eh." Kung sana ibang lalaki ang napangasawa ko at hindi si Lexus, magiging masaya kaya ang buhay ko? O kung si Deo ang napangasawa ko, matiwasay kaya ang puso at isip ko ngayon? Tumigil ka Gaea Caeli Lumineer! Gutom lang yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD