DEO KANE'S P.O.V: NAPATITIG na lamang ako sa kisame habang pinapakinggan ang hampas ng alon sa labas ng bahay na siyang kinaroroonan ko. How did I ended up in this kind of sistuation? Napalingon ako sa kwarto kung saan naroon si Gaea ngunit tahimik lang yun kaya muli kong ibinaling ang tingin ko sa kisame. I let out a sigh. "What now, Deo? Ano na ang gagawin mo habang kasama mo si Gaea at pinoprotektahan mo siya mula kay Lexus? Wala na ba talaga ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa isang babae?" Nahawi ko na lamang ang aking buhok at bahagyang sinuklay at mukhang hindi ako makakatulog lalo pa't alam kong nasa loob lang ng kwarto si Gaea. Bumangon na lamang ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa na gawa sa ratan at saka ko sinuot ang long sleeve ko at tumayo ako mula sa aking kinauupuan a

