GAEA'S P.O.V: "SORRY, tumawag kasi si Mom," ani ni Lexus nang makapasok siya sa kotse kaya natahimik kami ni Deo at saka niya sinimulang paandarin ang sasakyan. "Nabanggit nga sa akin ni Tita nang dalawin ko siya na hindi mo na siya tinatawagan." Sambit ni Deo at mukhang sobrang close talaga siya sa mga Lagdameo. "Naging abala lang ako sa opisina at gusto kong bumawi kay Gaea. Sinabi ko naman sa kanya eh." "Pero wala silang ideya sa mga katarantaduhan mo." Bumusangot ang mukha ni Lexus at para siyang bata kung sermonan ng nakatatanda gayong magkaedad lang sila. Tila kay Deo lang nakikinig si Lexus na kahit sarili niyang kapatid ay kinakalaban niya. "Magbabago na nga di ba? I said sorry to her because I was gagu." "Kung hindi pa nangialam si ate Lexie, hindi ka pa nauuntog. May asawa

