The missing pages (EXF Mache’s story)“Rev, may duty pa ba tayo?” tanong ni Mache sa ka-duty na si Revienne. Pareho silang OJT sa isang exlusive na Hospital bilang mga nurses.“Sa tingin ko oo, hanggang grave yard shift yata tayo.” Napailing na lamang siya.“Sige, ite-text ko nalang Kuya ko na sunduin ako mamayang midnight.”“Sure, ay, wait. Bibili ako ng kape, papabili kaba?” tanong ni Revienne sa kanya.“Yes, here. Thank you ha?” “No problem.” Lumabas na ng nurse station si Revienne. Sinimulan niyang i-check ang mga chart.“Miss nurse…” isinara ni Mache ang chart. Pagkatingala niya ay napatda siya. Isang napakagwapong mukha kasi ang nasilayan niya.“Ye—yes?” mga ilang sigundo silang nagtitigan.“Sir?” nailing ito.“Oh, where is the room of Miss Andromeda de Veniard?” kaagad namang nag-type sa tab

