EXF 50- THE WAR Kit's POV Puro puti parin ang nilalakaran namin ni Lelouch. Sandali na? mga ilang oras na ba kaming ganito ang ginagawa? "Basta Kit ang paalala ko. Huwag kang maniniwala sa lahat ng makikita mo dito. Lahat ng iyon ay bahagi nalang ng iyong ala-ala." Nahinto ako. hindi naman kasi kami makakramdam ng pagod o gutom spagkat nandito kami mismo sa loob ng utak namin. "Alam ko naman 'yon pero wala ba talagang katapusan ang lahat ng ito? Ni wala pa tayong alam sa nangyayari?" nagtinginan kami. "Kasi nga-" may kung anong nararamdaman kaming humihigop sa amin. "Ano 'yon?" nagkahawakan kami ng mahigpit. "Kit, kahit na anong mangyari wag kang bibitaw ha?" tumango-tango ako. Pero maya-maya pa ay nagiging transparent na kami pareho. Hanggang sa naglaho kami. Hindi ko pa lubos na

