EXF 37- EXPLODED -- Third person POV AHHHHHHHHH! Malakas na hangin ang kasunod sa pagsigaw na iyon ni Kae. Pulbos na halos ang nasa paligid nila kasabay ng pabigay ng dalawang chandelier. Nanatili lamang sila sa kanilang pwesto. "Kae..." ang tanging nasambit ni Kinnick habang hawak ang napinsalaang braso. Muling itinutok dito kanya ni Paolo ang baril. "Sinungaling ka...manloloko ka..." patuloy ang pagpatak ng kanyang luha habang ngumingisi. "Wala kang kasing sinungaling." Nauko na lamang si Kinnick saka dinaluhan si Kaehel na wala paring malay. "Pinuno!" sabay-sabay silang napatingin kay Seldo. Gayon din ang gulat nito ng makita si Kinnick at Kaehel. Itinutok nito ang baril na may lakrima. "Huwag mo silang tuluyan Seldo, kunin mo ang dalawang project K na 'yan. Kailangan nilang mak

