Chapter 10

1569 Words
EXF 10 - GRAVITY ~ Kae's POV Yamot kong pinagmamasdan si Kinnick habang nakatitig siya sakin na animo'y anumang oras ay sisipain ko siya palabas. Naku, kapag talaga ako nasura niya baka may baon pang sapak ang gawin ko. "So, kapatid mo pala ang demonyitang Andromeda na 'yon?" sawakas ay tanong ko. "Correction, half sister po," "Whatever! Edi half demonyito ka pala?" nakakaloka. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kanina. "Hindi, half God lang." nasapo ko ang noo ko. "Kinnick naman oh!" pasalamat talaga siya at dinadala siya ng grey eyes niya kundi, kanina ko pa siya pinalayas ng tuluyan. Muli kong pinindot ang cellphone ko, tinatawagan ko kasi si Doctor Mershelle na siyang opisyal na managgagamot namin ni Kit simula noong nakita kami ni Lolo ewan ko lang baka mas naging hukluban na siya ngayon. Kabilin-bilinan kasi samin ni Lolo na huwag kaming pupunta sa hospital o kaya sa ibang Doctors kung magkakasakit kami. Weird, pero si Dr. Mershelle lang ang binilinan niya para amin. Nakakapagtaka talaga ang pagkatao namin ni Kit. "Bakit hindi natin dalhin sa Hospital si Kit?" tanong sa'kin ng makulit na Kinnick. "Edi, buhayin mo Lolo ko, tapos tanungin mo kung bakit bawal kami sa hospital." Tumahimik siya. Nakaka-stress naman talaga oh, ayun sa wakas ay sumagot na si Dr. Mershelle "What's wrong my Dear? Are you in sick or your twin?" palibhasa'y ama na ang turing namin sa kanya, maging siya ang mga anak na ang turing sa'min. "Doc, ang taas po ng lagnat ni Kit eh," "Sige, I'll be there in a minute." Sagot nito saka pinatay ang linya. Nakahinga ako ng maluwag, kanina pa kasi ako nagaalala kay Kit na nakahiga sa kama niya. Nilapitan ko siya saka hinawakan ang kamay maging 'yon ay napakainit din. Palaisipan parin sa'kin ang mga mata niya kanina. Maya-maya ay dumating na si Dr.Mershelle sinigurado ko muna na nakapatay ang lahat ng security system para makapasok siya. Kaagad niyang sinuri si Kit. "Ano'ng nararamdaman niya kanina bago siya lagnatin?" tanong niya. "Sabi niya po, mina-migraine siya kaya nag-out siya agad sa work tapos, may isang demonyitang dumating at inaway siya pero siyempre napunching bag din sa'kin 'yon, tapos hinimatay na si Kit." Pagsasadetalye ko. Itinuloy niya ang pagsusuri kay Kit. "She's fine rightnow, kailangan niya lang magpahinga." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganoon. Nabawasan ang pagaalala ko. "Doc, I saw something weird color to her eyes, why it is turned into purple?" pagkabigla ang nakita kong reaksiyon niya. "May nahawakan ba siyang isang electrical current or na ground spark ba siya?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Maski nga ako ay hindi ko pinapapasok sa laboratory ko si Kit dahil alam kong hindi malakas ang tolerance niya sa electric kaya hangga't maaari ay iniiwas ko siya. Napailing ako. "Malakas ang boltaheng nahawakan niya base sa pagsusuri ko sa heartbeat niya, this is not normal Hija, baka sa isang araw pa siya magising." Napapikit ako. Malalagot talaga sakin 'tong si Kit pagkagising. Lagi ko kasi siyang binibilinan patungkol doon ang ipinagtataka ko lang ngayon ay ang purple eyes niya. "Pero, yung purple eyes niya ano pong ibig sabihin no'n?" hindi niya ako sinagot bagkus ay muli niyang sinuri si Kit, hindi niya ba ako narinig o sadyang ayaw niya 'kong sagutin? "Next time, be careful of what you've touch even, don't trust people around you." Napatingin it okay Kinnick na lalong kinakunot ng noo ko. "Ah, don't worry po Doc, kilala ko po 'yang ulupong na nasa side niyo, si Andropholos po siya, sorry po if hindi ko napakilala kaagad kanina." Tumango si Doc na tila hindi kumbinsido. "Okay, Hija I need to go, call me again kung may kakaibang nangyari sa kanya just observe her as much as possible." Nginitian ko siya saka siya lumabas ng silid. "Kae, it's already late may I go to sleep?" irita akong napatingin kay Kinnick. "Ihehele pa ba kita?" bahala siyang magtiis sa mood ko ngayon. Dala ng pagkabwisit ko sa demonyita niyang Ate. Lumabas siya ng silid namin ni Kit, ibang lungkot ang nakita ko sa mukha niya. Tao rin naman ako at marunong ma-guilty. Kinabukasan ay hindi ako pumasok. Maghapon kong tinututukan si Kit, habang si Kinnick ay natanaw ko kanina na nagdidilig sa hardin. Putsang lalaki napakatampururut pala ng hinayupak ako pa ba ang dapat mag-approach? Bago ko pinuntahan si Kinnick sa hardin ay dumaan muna ako laboratory kung saan naroon ang dalawang android na sina Paulo at Lelouch mga putang*nang 'to, napakatagal mag-charge halos isang linggo na at pabebe pa yata ang one bar. Actually, alam ni Kinnick ang tungkol sa mga ito, hindi naman siya nagulat na-amaze pa nga siya kasi buti nalang at wala pa daw siyang niloloko na babae kaya hindi siya magaalala na gagawan din siya ng android version pero, astig parin daw kung mayroon man siya. Nakakagago ang pagiging magulo ng isip niya. Hays. Lumabas ako ng laboratory at pinuntahan si Kinnick. "Psst," tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. "Hoy!" hindi parin sumasagot. Sige lang konting kulo pa. "Andropholos de Veniard tang*na ka sa FC world as Kinnick Greyson, kapag hindi ka lumingon tatadyakan kita!" mabilis pa sa alas nueve na lumapit siya sakin with peace sign. "Sorry na po, hindi na 'ko magtatampo." Pinameywangan ko siya. "At anong karapatan mong magtampo? Bilisan mo di'yan at tulungan mo ako kay Kit." Nanlaki ang mga mata niya. Hala? Muntanga lang. "Huwag mo Ate...bata pa po ako." Tinakpan pa kuno ang dibdib. Binatukan ko siya, akala na naman siguro niya ay i-sponge bath namin si Kit. "Gago, mali iniisip mo ang ibig kong sabihin ay tutulungan mo 'kong ayusin ang kama ni Kit!" umarte siya nanakahinga ng maluwag, lakas talaga ng saltik. "Pasensya, kahinaan ko kasi katawan ng mga babae kapag nakakakita ako dumudugo ilong ko," tumawa ako ng malakas, naalala ko kasi ang kanina, kahit hindi kami nagpapansinan pero nang tulungan niya akong i-sponge bath si Kit legs palang ang nakikita niya dumugo na ang ilong. Putsa kawawa ang magiging asawa niya laging patay ang ilaw at laging makaluma ang outfit. -- Kit's POV Pagkamulat ko ng aking mga mata ay si Lelouch ang nasilayan ko. Kaagad akong napabalikwas ng tayo at niyakap siya ng mahigpit. "Salamat at buhay ka," ginantihan din niya ako ng yakap. "Oo naman, siyempre hindi ko iiwan ang babaeng pinakamamahal ko." Hinaplos niya ang pisngi ko. Hiniling ko na sana ay ganito nalang kami. "Saan kaba nagpunta?" nanatili lang siyang nakatitig sakin. Hanggang napansin ko na may kumukuha sa kanyang tatlong tao at isinilid siya sa isang aparato na malaking garapon. Kung anu-ano ang ikinabit sa kanya nakatitig lang siya sa'kin pero rinig ko ang pagsusumamo niya na umalis na ako at iligtas ko ang sarili ko. Unti-unti siyang napapapikit hanggang sa maya-maya at napasigaw siya dahil kung may anong binubunot mula sa likuran niya naging kulay pula ang tubig na pinaglalagakan niya. Napasigaw ako sa sobrang sindak, napalingon sakin ang tatlong tao na nakamaskara. Sinubukan kong tumakbo pero nahuli rin nila ako at tulad ng ginawa kay Lelouch ay isinilid din nila ako sa loob ng malaking garapon. HAAA!!! Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw na 'yon, nakita ko naman si Kae na mukhang nagising rin sa sigaw. "Kinnick." sapo niya ang sentido niya sabay napatingin sakin. Lumawak ang ngiti niya sabay tumalon patungo sakin at niyakap ako ng mahipit. "Yes! Gising kana rin!" ginantihan ko rin siya ng yakap, minsan lang siyang maging sobrang lambing kaya sasamantalahin ko na. "Anyare sa alaga mo? Bakit sumisigaw?" "Humanda talaga sakin ang lalaking 'yon." Lumabas siya ng kwarto, sumunod ako. Medyo masapot pa ang memorya ko kaya wala pang gaano na nagfa-fuction sa utak ko. Nagpangabot kami sa hagdan nang matanaw namin si Andropholos na hawak ng-mga android na sina Lelouch at Paulo, oh... full charge na pala sila? "Haaaaaaaa tulong, ayaw nila akong ibaba tuloooong," humalagapak kami ng tawa ni Kae, paano si Andropholos ay parang litson na hawak ng dalawa habang naka-boxer short lang ang huli. "Pigilan niyo sila, ayokong lumabas ng hubo't hubad! Mga manyak sila!" hawak na ni Kae ang tiyan kakatawa. "Punyeta ka Kae, ano bang inactivate mo sa mga android?" kumalma muna siya bago sumagot. "Kapag may lalaki sa paligid hubaran at itapon sa labas, sorry nakalimutan kong palitan." Binatukan ko siya. "Ikaw, pasalamat ka at kagagaling mo lang! For your information tatlong araw kang tulog!" "Eh, ano? Tulungan mo na 'yung alaga mo, baka ma-eskandalo pa tayo dito." Bumaba na siya ng hagdan at sinundan ang tatlo. Sa wakas ay gumagana narin ang mga android na ex namin. Sana talaga ay makatulong sila ng malaki. Gusto ko na rin makalimot at mapatawad siya. Sana naman ay mali ang nasa panaginip ko, sana ay ligtas si Leouch kung nasaan man siya. ~ Dark Galactic Quarter Sa isang iglap ay tila hangin na dumating sa loob ng quarter ang isang lalaki na may dalang aparato patungo sa isang malaking garapon kung saan may nakapaloob na tao na siyang si Lelouch. May tubig ang loob ng malaking garapon kaya halos nakalutang si Lelouch habang walang saplot at kung ano-anong aparato ang nakakonekta sa katawan nito. May lumutang na isang screen at na-imahe doon ang kanyang kanang kamay. "May plano na po ako kung paano makukuha ang kambal pinuno," Ngumisi siya. "Magaling, alam ko ay kaunting panahon nalang ay ganap ng mabubuo ang nakatanim sa mga katawan nila. At makakamit na natin ang tagumpay," Sabay silang tumawa. "At sa oras na mangyari 'yon nabubuhay na rin sila...." Nag-reflect sa glass ng garapon ang kanyang imahe. "Konti nalang Lelouch at makukuha ko ang green infinite capsule na nakatanim sa likuran mo." Gumuhit sa labi niya ang isang makahulugang ngiti. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD