ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 17 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. NEXT week na ang kasal namin ni Alaric at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ikakasal kaming dalawa pero walang makakaalam na iba—iyan ang sabi niya sa akin ngayon. “Gusto mo akong pakasalan pero dapat walang ibang makaalam? Kahit ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng aking kilay. Iniwan na muna kami ni Dad at ni Kyle rito sa may living room ni Alaric upang makapag-usap kami na kami lang dalawa. Ngumiti siya sa akin at tumango. Kanina pa siya nang-aasar sa akin. Alam kong nang-aasar siya sa kanyang mga ngiti at tingin sa akin dahil halatang-halata naman ito. Bwisit. Naiinis talaga ako sa kanya! “Bakit, disappointed ka ba dahil hindi mo maipagmalaki sa iba na naikasal ka sa isang Coleman?” ma

