TWO YEARS LATER
Sa isang lugar sa probinsya ng Guimaras ay matatagpuan ang isang hacienda na nakatayo sa malawak na lupain,walang kapitbahay at napapalibutan ng mga nagtataasang mga kahoy na sumasabay ang galaw ng mga sanga sa ihip ng hangin.
Tanging tunog lang ng mga hayop ang naririnig sa paligid,makikita mo rin ang iba’t-ibang klase ng mga gulay na nakatanim,.Ito ang hacienda na pag-aari ni Clyde Miller
Sa isang kwarto naman sa hacienda ay nakahiga ang isang babae at may nakakabit na aparato.
“Kailan kaya siya magigising Doc? halos dalawang taon na ganyan pa rin ang sitwasyon niya,tanong ni Cyde.”
“Sa nakikita ko sa kanya Mr.Miller malaki ang kanyang improvement,mabilis naman na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot na binibigay ko sa kanya,.Magdasal lang tayo alam kung ano mang oras ay magigising na rin siya,sagot ng doctor.
Nagpaalam na rin ang doctor na umalis,naiwan naman si Clyde na nakaupo sa tabi ng kama habang nakatitig sa babae.,habang tumatagal merong nabubuong damdamin sa kanyang puso para sa babae.
FLASHBACK TWO YEARS AGO
Nag paalam si Jade na pumunta ng bahay nila,pinayagan ko naman siya dahil kasama niya naman ang kaibigan niya.Tinawagan ko ang mga tauhan kung nagbabantay sa kanya,sinabi kung aalis ito at sundan nila pero wag silang dumikit.alam kung hindi sanay si Jade na merong nakabantay sa bawat kilos niya.
Sa kalagitnaan ako ng meeting ko sa mga investors ng bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang secretary/assistant ko.lumapit ito sa akin.
“Excuse me Sir,may problema po,.tumawag ang mga taong nagbabantay kay Miss Jade hinarang daw ang kotse nila,”inporma ng secretary ko.Nagtagis naman ang bagang ko sa aking narinig ,,nagpaalam ako sa mga ka meeting ko na i reschedule nalang ulit ang meeting dahil may emergency ako.naiintindihan naman nila ako.
Mabilis ang mga hakbang kong lumabas ng conference room dumiretso ako ng elevator kasunod ko rin ang secretary ko,pinindot niya ang G button.,tinawagan niya naman ang driver na ihanda ang kotse dahil aalis ako.
Pagdating ko sa lobby hindi ko na pinansin ang mga empleyado kung bumabati sa akin agad kung tinungo ang kotse ko at sumakay ganun din ang secretary ko sinabi niya sa driver kung saan pupunta,sinabi sa kanya ng tauhan ko ng tumawag ito kung nasaan sila.
“Tawagan mo si Daddy sabihin mo na magpadala ng ambulansya sa lugar,siya na ang gumawa ng paraan para walang may makakaalam i send mo rin sa kanya ang lokasyon ng pupuntahan natin,”utos ko sa secretary ko na agad naman niyang sinunod.
Nakarating kami sa lugar at nakita ko ang mga tauhan ko nakapalibot sa kotseng nakatagilid,nakaramdam naman ako ng takot.tinakbo ko ang kinaroroonan nila nakita ko si Jade na walang malay at puro d*g* ang mukha,ang kaibigan niya naman ay gising pero nanghihina.
Dumating ang ambulansya at pinagtulungan nilang ilabas ang magkaibigan sa kotse,hindi naman namin sila pwedeng galawin baka lalong lumala ang lagay nila kaya hinintay namin ang mga medic,isinakay nila ito sa stretcher at dinala sa ambulansya.inutusan ko ang secretary ko na siya ang sumama sa ambulansya at diretso sa bahay,alam kung may mga doctor na doon na naghihintay,sa sasakyan palang ako kanina ipinaalam ko na kay daddy ang nangyari.
Nakatanaw lang ako sa ambulansya habang papalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.”Ilan ang mga tumambang sa inyo”?tanong ko sa mga tauhan ko.”Tatlo sila sir dalawang lalaki at isang babae”sagot naman nila.
Pinakuha ko ang katawan ng babae,ipinalagay ko ito sa kotse ni Jade at ipinasunog ang sasakyan,pati na rin ang sasakyan ng mga tumambang sa kanila,,sa ganitong paraan iisipin ni Jonathan na wala na si Jade.
END OF FLASHBACK