Chapter 4
Lalapitan ko sana sya ng biglang may lumapit ditong babae at mariing hinalikan sa labi,ng magbitaw nag-usap ang dalawa wari'y may nakakaaliw na pinag-uusapan dahil parehong nakangiti ang mga ito. Parang tinutusok ang puso ko sa nakita, hitad talaga ang lalaking yon, sabi niya mahal niya pero anong eksena to, tsskk!!!
"Tara na Jack!"Hila sa'kin ni Brendz"Wag mo na kasing tingnan baka mapatay mo na sila sa mga titig mo pa lang.." Ganun na ba talaga ang reaksyon ko habang tinitingnan ko sila. Malabo lang takaga ang mata ni Brenda kaya kung anu-ano ang nakikita niya,or maybe wala talaga syang nakikita.
"Grabe ka naman,hindi naman wala naman akong balak maging kriminal kahit sa mga titig lang, tara sa library,"
"Sorry Jack di pwede ang lola mo ngayon,may lakad ako eh!"
"Eh san naman?!"
"Sekreto!"
"Aysus!sama na lang ako,"
"Mas lalong hindi pwede!"
"Ganun?!san ba talaga lakad mo!"nandito kami sa may bench ng school,nakaupo naghihintay na matapos ang klase,wala naman kasi kaming prof,ewan mga tamad ata mga prof dito eh,naturingang private ang mahal ng tuition wala namang tinuturo.
."Ang hina mo talaga Jack,may date ako noh,at kailangan kong maging maganda tonight!"
"Wala ata kong alam dyan sa dinidate mo,daya mo wala ka man lang kinukwento!"
"Busy ka kaya!"
"Hindi ako busy noh!"
"Busy ka eh!"
"Hindi nga,busy ka sa pag-iisip!"Natameme naman ako don,sapol talaga ouchh!! Naguilty naman ako, para kasing totoo naman, nawalan n ko ng oras sa kanya na magkwento at alamin kung ano bang nangyayari sa bestfriend ko. Niyakap ko na lang sya, she is my best of friend for godsake!
"Sorry Brendz,bawi na lang ako sayo next time,!"
"Sige bah,gusto ko yan,!"sabay kindat sa'kin,kaya pala parang blooming ang lola,may napulot na lovelife,,kinuha ko ang phone ko sa bag kasama ang headset,makapag sound trip na nga lang kesa matingga ko dito,malapit na din naman ang uwian,pumili ako ng song nahagip ng mata ko ang "Thinking Out Loud"ni Ed Sheran,super ganda ng song na to,love,love,love,love..Nakakainspired mainlove,,hahaha!kaso ang lovelife ko nalimot na ata ng iba,,
"Pwedeng maupo!"Dahil sa hulog na hulog ako sa pakikinig ng music hindi ko napapansin na may katabi na pala ko," its not mine afterall, everyone can sit hear,, wag lang nila kong guluhin.
♪ ♪So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way
I know you will still love me the same ♪ ♪ hmmm!
"Napapapikit talaga ko sa ganda ng song na to,feel na feel ika nga..
"Your really amaze me,babe!I miss you so damn much,!"
Wala kong kaalam-alam na may katabi na pala ako
♪that maybe we found love right where we ar ♪""I found you babe,hope you find me too."..naramdaman ko na lang wala na pala kong pinapakinggan natanggal este may bastos na nagtanggal..
"Ano ba na--!"Paglingon ko sa bastos na nagtanggal ng headset ko,sya pala ang mahal ko,yes I admitted mahal ko na sya,,pero mukhang huli na ang lahat,may nahanap na syang iba,nalungkot ako sa naisip ko,panira naman kasi to ng moment,
"Fire naman nakita mong nag sasound trip yong tao eh,!"Pagmamaktol ko dito,
"Hindi ko lang nakita narinig ko rin ang pagkanta mo kaya nga napatigil ako eh akala ko umiiyak ka,!"
"Salbahe ka talaga,ganun na ba kapangit ang boses ko para mapagkamalan mo kong umiiyak!"
"Kung maririnig mo lang,sobrang sakit sa tenga!"Hampasin ko nga ng hawak kong portfolio,sya lang nagsabi na panget ang boses ko,
"Letsii ka!dyan ka na nga,uuwi na ko!"Tumayo na ko at nilikom ang mga gamit ko,
"Wait!pwede bang sumabay?!"
"Sige ba basta libre mo ko ng pamasahe?!"
"Yon lang ba,!gusto mo libre pa kita ng meryenda eh!"
"No!diet ako Fire wag ka dyan,!"
"You don't have to starv yourself,ayoko ng nagugutom ka,tara magmeryenda muna tayo bago umuwi!"Huh?!is he still care for me,hope so,
"Wag mo kong titigan ng ganyan Jackie,I'm telling you,alam kong napakagwapo ko I'm flaterred really!"
"Huh?Fire may lagnat ka ba?!"Napakunot noo naman ito,
"Why?!"
"Mukhang nagdedeliryo ka kasi,parang gusto ko ng fish balls!"Sabi ko
"Tara,I like that too,!"kaya naman pala libre ako ng pamasahe kasi may dala syang sasakyan,sumakay na kami ng kotse makalipas ang ilang minuto tumigil kami sa isang stool na may mga tindang mga street foods,
"Ate,pabili nga po ng fishball,ikaw?!"
"Don't worry makita lang kitang busog,busog na din ako!"
"Aysus!wag ka ng mahiya ikaw naman magbabayad eh,ako na lang oorder for you!"
"Ate pakisamahan mo na rin ng kikyam ha,!"
"Ano pohng sauce niyo?!"Tanong sakin ng tindera,
"Uhmmm!gusto ko yong maanghang ate,"matapos maibigay sa'min yong dalawang paper plate na may lamang fishballs at kikyam,bumalik na kami sa loob ng sasakyan,
"Ayy!grabe ngayon lang ulit ako nakakain nito,the best talaga!"Napansin kong titig na titig sya sa'kin..
"Ang ganda ko di ba?"Sabay kinindatan ko sya,kitang-kita ang amusement sa mga mata nito
"Yeah,very,are you seducing me!"Seryoso nitong sabi..
"Anong siniseduce,!"Inilapit ko dito ang fishball ,binuka naman nito ang bibig nito,sinubuan ko naman ng dalaw kagad na fishballs,
"Ano ba yan Jackie,bakit dalawa kagad,ganun na ba kalaki yong bibig ko para subuan mo ko ng dalawa?"
"Ang cute mo kasi,para kang fishball,wait lang bili lang ako ng tubig!!"
"Ako na lang!"Aktong bababa na sana ito ng pigilan ko,
"Let me ok!"
"Ate pabili nga poh ng dalawang mineral water,heto pohng bayad!"Pagkaabot ko ng tubig parang may pakpak yong mga paa ko na bumalik sa kotse,
"Here,tig-isa tayo!"Binuksan ko yong mineral ko at uminom,hindi ko pa totally natatakpan yong mineral ko ng abutin niya to mula sa kamay ko at don uminom,waahhh!
"Eeewww!bakit ka dyan uminom?sakin yon eh!" nandidiri kong sabi.
"Hindi naman lumapat yong labi ko,wag ka ngang ano Jackie!"Kumain na lang ako ng fishball,kala ko pa naman indirecct kiss na hindi pala!tsk!sayang..
"Let's go uwi na tayo!"
"Sige thank you sa meryanda ha!"
"Wala yon,next time ulit kung ok lang sayo?"
"Sure!"
"Sabi mo yan ha!"Masaya ko na kasama ko sya ngayon,kala ko bokya na naman ang mag-hapon ko eh,
"SalAmat ulit ha,I love you!"Halos pabulong kong sabi..
"Whaat?!"
"Salamat ulit,nag-enjoy ako sa meryenda natin,!"
"Hindi yon,yong sunod mong sinabi!"
"Wala na kong sinabi!"Pagmamaang-maangan ko,bahala sya napaka bingi nya eh,ayoko na kayang ulitin nakakahiya ako pa yong nag-open non,yiiieeeh!ano bang nasabi ko,buti na lang hindi niya narinig,haha!
"Meron,did you say you love me!"
"Wow!Fire,ang galing mong mag-imbento ikaw na lang kaya magsulat nitong love story natin,pwede ba otor?!"haha!
"Hindi eh narinig ko talaga sinabi mong I love you!"
"Bingi ka kasi kaya kong ano-anong iniimbeno mo!"
"Wala ba talaga?"
"Ewan ko sayo Fire,dito na tayo absent minded ka kasi siguro iniisip mo yung girlfriend mo!"Lumabas na ko ng kotse niya hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ko ng pinto,isipin ko pa lang na may girlfriend na sya naiiyak talaga ko,walang lingong likod na pumasok na ko sa gate bago ko pa mabatukan ang binging lalaki na yon,hayy!dati rati naman hindi ako naaapektuhan ng ganito,mahal ko na tlaga sya..
Bingi lang ba talaga ko,I know I heard it so clearly,shet man!hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko!
"Wooohhhhhh!"daig ko pa ang nanalo sa lotto nito.Akla ko talaga hindi ko na maririg sa kanya yon..
"Fire,are you ok anak,narinig kitang sumigaw?,!"
"Nothing ma,I'm just happy,soon you'll be mine babe,ayaw mong aminin ha,then we will see!"Evil smile,.
Kanina pa ko palakad-lakad dito sa kwarto hindi ko alam kung natatae ba ko o naiihi lang,naupo ako sa kama ko at kinuha ko yong laptop ko makapag-bukas na lang ng f*******:,wala namang notifiation tiningnan ko yong mg online friends ko,online sya..sino kayang kachat niya,,ayoko nga syang ichat..nagstatus sya..
I love you,yon lang nakalagay niya sa status niya,sino kaya yon,?hmp!ang bilis naman niya kong makalimutan siguro di naman niya talaga ko mahal,naglog-out na lang ako kesa naman makita ko pa yong iba niyang magiging status,maiinis lang ako,at masasaktan,nahiga ako sa kama nakatitig sa kisame na akala mo'y may binabasa,hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako,,
"Jackie!gising!"Naalimpungatan ako sa gising ni mommy,napasarap yong tulog ko dahil ngayon antok na antok pa rin ako,
"Bakit ma,may sunog poh ba?"
"Nagpunta kanina dito si Fire at pinapasabi na kapag nagising ka pumunta ka raw sa kanila,!''
"Bakit raw poh?"
"Hindi sinabi eh,pero mukhang may kasiyahan don,maraming mga kabataan ang dumating kanina eh.."
"Ano kayang meron,di naman niya birthday!"Dali-dali akong bumangon at nagpalit ng damit,dyan lang naman sa kapitbahay,nagshort na lang ako yong sira you laylayan at saka green na blouse..nagpaalam ako kay mommy bago lumabas ng bahay at pumunta sa kabila..
"Bzzzzt!"Nagbuzzer ako wala pa ring nagbubukas,pindot na ulid sana ako ng biglang bumukas ito.
"Pasok ka Jackie kanina ka pa hinihintay ni Fire!"
"Ano bang meron ate Sol?!"
"Ewan ko rin basta ora-orad na lang na nagpabili ng mga pagkain eh."Pumasok na ko sa loob,ang dami ngang tao puro mga kabataan,may nglulunoy na sa pool,"nasan na kaya yon,?"Parang feeling ko ma oop lang ako dito..biglang sumulpot si Fire..
"Jackie,ang tagal-tagal mo,kanina pa kita hinihintay!"
"Wag kang magreklamo dyan kasi magkasama tayo kanina pero wala kang nabanggit sa'kin,napipilitan ka lang sugurong iinvite ako"..
"Eh,wala naman talaga kong balak magganito kaso may unexpected na nanggyari,ang I'm very happy becoz of that!"
"Hon,,common excited nitong sabi,!"Tiningnan miya ko mula ulo hanggang paa,at nakataas ang kilay na kumapit sa braso ni Fire..sarap hilahin nong kilay,kala mo kagandahan e,nakakabwisit talaga tong Molline na to..
"Mauna ka na,samahan ko lang si Jackie,let's go!"Hayy!eto na nga ba sinasabi ko eh,maoop lang ako dito..
"Don na lang ako sa bakanteng table na yon!"
"Sure ka?"Tumango naman ako,
"Samahan na lang kita dito,!"Akma syang uupo pero pinigilan ko ito.
"Puntahan mo na muna yong mga bisita mo,ok lang ako dito."
"Ok,"umalis na ito at pinuntahan ang mga kaibigan nito,sabi na nga ba ma oop lang ako eh,makakuha na nga lang ng pagkain kesa magmukmok ako rito,ang dami-daming pagkain eh,kumuha ako ng plate saka pumili ng pagkain,kumuha ako ng barbeque,green salad,at dalawang slice na pizza,wow!excited akong bumalik sa table ko,
"Hi Jackie!"Bati sa'kin ng dalawang babe,"nagulat ako,bakit kilala nila ko..naalala ko na mga friends sila na asungot
"Sino ba namang hindi makakakilala sayo eh madalas kang b--!"Bigla tong siniko nong kasama niya babae,ano kaya yon,ewan ikakain ko na lang to,pagkatapos kung kumain uuwi na talaga ko wala din naman akong gagawin dito,
"Pwede bang makishare ng table,"dahil mabait naman ako at di naman ako bitter..
"Sure,sige masaya nga yon eh,para may makausap naman ako kahit papano!"
"I'm Rina nga pala,friend kami ni Fire!"
"Mariz here!"
"Nice to meet you guys!"Nakangiti kong sabi..
"Di ka ba magsuswimming?"
"Naku!hindi na uuwi na rin ako pagkatapos kong kumain,at saka wala kong swimsuit!"
"Don't worry meron akong dalang swimsuit,girlscout kasi,!"At nag-apir pa ang dalawa,
"Hindi ba nakakahiya,wag na lang guys ok lang talaga!"
"Were insist,nasan ba si Fire bakit iniwan ka nya dito!"
"Bc siguro sa girlfriend niya,!"
"Girlfriend,sino?!"
"Si Mollie!"Nagtinginan ang dalawa at nagtawanan,
"Hay!naku girl kung ako sayo,hindi na ko magmumukmok dito why don't you show to that girl that you are better than her,hindi namin sya gusto for Fire!"
"Tama!!!!"
"Gusto mo si Fire?"
"A-ah !" muntik ko ng matirik ang mata ko, mukhang interrogations yata ito. Napakamot ako sa batok, naiilang kasi ako
"Wag ka ng mahiya girl atin-atin lang naman!"Pangungumbinsi pa sa'kin nong dalawa.
"E-ewan,s-siguro!" nakangiwi kong sagot.
"Tingnan mo sila o,!"Sinundan ko ng tingin yong tinuturo nila,si Fire at si Mollie masayang kausap ng ilan sa mga kaibigan nito,nakatwo piece ito ng berde,bagay na bagay dito ang kulay,siguro super proud si Fire na kasama niya ang babaeng yon,kaya lang ba niya ko pinapunta dito para lang ipakita sa'kin na ok lang sya at meron na syang iba.dahil sa naisip biglang sumikip ang didbdib ko,
"Girls tara na di baa magpapalit pa tayo ng pampaligo!"Tumango naman ang mga ito,sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at magpalit sa banyo,isang blue na two piece ang pinasuot ng dalawa,medyo nacoconcious ako sa hitsura ko,baka naman ang laki ng tummy ko,aist!hindi ako makapagdecide kung lalabas ba ko o hindi,
"Jackie,lalabas ka pa ba dyan,?!"
"Eto na,lalabas na Guys,parang di ko kayang lumabas na ganito yong suot,naiilang ako eh,!"O_O
"Grabe Jackie,alam kong maganda na ang katawan mo pero we never expected na ganyan ka pala ka sexy,girl sobrang liit ng waist mo,kumakain ka pa ba?"
"Hindi ba ko mataba?"
"Ano bang mataba ang sinasabi mo eh kakabugin mo pa si Mj Lastimosa sa ksaexyhan mo eh,kaya naman pala ma--!"
"Marhiz tara na yang ganyang kasexing katawan hindi tinatago,nirarampa yan!"Anito,
"Kakahiya namang tumabi sayo Jakie,magmumukha kong aparador sayo!"
"Grabe naman kayo,sexy niyo din kaya!"At nagsimula na kaming maglakad palabas ng bahay.
"I love you!"Know what,Fire is very lucky to have you Mollie,ang ganda! and man!look at you,so hot!!"Ngingiti-ngiti naman si Fire,nakita kong palingap-lingap ito na parang may hinahanap,si Mollie naman ayon hanggang tenga ang ngiti dahil sa mga papuring naririnig sa mga nakapalibot dito,feeling dyosa lang ang peg.
"Jackie tatayo na lang ba tayo dito,girl show him what you have!"
"Relax wala ka namang dapat ikahiya eh,wag mong intindihin yong mga narinig mo,mas maganda at mas hot ka sa Mollie na yon,!"Bakit nga ba hindi,keri ko raw naman,sya lang naman may sabing mataba ako eh,kaloka..hingang malalim,kabado.
"Pare!!ito ang hot!!di mo naman sinabi na may super hot ka pa lang bisita,woohhh!winner bro!!"Nakita kong lumingon sa'min sina Fire pati ang babaeng puro hangin sa katawan,nakita kong may palapit saking lalaki para alalayan akong maglakad,gosh!parang beauty queen lang mas lalo tuloy lumalakas ang loob ko,pero bago pa nakalapit sa'kin yong lalaki,agad na nakalapit sa'kin si Fire at hinapit niya ko sa bewang palapit sa katawan niya.Mukha tuloy kaming magkayakap dahil tinatago niya ko sa katawan niya,gosh!ang sarap hawakan ng katawan niya,titig na titig ako sa mukha niyang napakagwapo,sa ilong na napakatangos at sa labing natural ang pagkapula,bumaba ang tingin ko sa matigas at makinis niyang dibdib na halos nakadikit na rin sa dibdib ko.
"Excuse us,!"Nagising ako sa pagpapantasya sa angking kagwapuhan nito dahil sa boses niya,binitiwan na niya ang bewang ko at pinauna niya kong maglakad.
"In my room!"Mas malamang ang pag-uutos kesa sa pakiusap,wala akong nagawa kundi ang lumakad papuntang kwarto niya,anong gagawin namin sa kwarto niya a.magsscrable b.magtotong-its c.magtititigan d---
"What are you doing?!"Yan kagad ang tanong niya sa'kin pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto niya..
"Wala naman akong ginagawa ah,magsswiming lang,di ba pool party to,?!"
"Look at you!"Tiningnan ko naman ang sarili ko,ano bang masama sa suot ko!naguguluhan akong tumingin sa kanya.,
"Ano bang hitsura ko masagwa ba,sabi kasi nina Rina bagay raw sa'kin eh!"Tumaas ang kamay niya papuntang pisngi ko at nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko.
"Yeah!bagay na bagay sayo ,that's the problem,I don't want any other men see you in that damn twopiece ,ayoko para sa'kin lang yan at wala akong balak ishare ito sa mata ng iba!"Halos pabulong na sabi nito,speehless ako,ramdam ko ang paninindig ng balahibo ko sa buong katawan,Dahil sa pagkakadikit nya sa'kin,tinulak ko sya ng mahina
."Magbibihis lang ako,.masyado kang nasisiyahan eh!"
"Later ka na lang magbihis,!"Tumalikod ito sa'kin at may kinuha sa cabinet nya,pagbalik nito may dala-dala na itong tshirt nito at inabot sa'kin,
"Wear my shirt,?"Kinuha ko naman ito at sinuot,pakiramdam ko yakap-yakap niya ko habang suot-suot ko ang shirt niya,umabot lang sa may gitnang hita ko ang tshirt niya,
"Lovely!my shirt fits you perfectly babe!"kinuha nito ang kamay ko at inakay ako palabas ng pinto,pababa ng hagdan ,pabalik ng party..hanggang makabalik kami sa party. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko
."Fire yong kamay ko!"Tiningnan niya lang ako at sumali na kami sa umpok ng mga kaibigan niya.
"Pare pakilala mo naman kami!"
"Ako nga pala si Chad,mukhang walang balak si Fire ipakilala ka sa'min eh!"Sabay abot ng palad niya,
"Hello Chad,I'm Jackie!"Sabi ko pagkakuwan.
"Don't touch der dude,she's off limit,!"
"Wow!pare totohanan na ba yan,Jackie sa'kin ka na lang mas gwapo naman ako kay Fire eh?!"Nanunuksong sabi ni Chad,binatukan naman ito ni Fire,nagtawanan naman ang lahat ng mga nakumpok don,pati ako nangingiti na din.
"Don't smile to them ok,!""Grabe,baka mamaya pati paghinga ni Jack pare bawal na din!"Tawanan ulit,pagtingin ko kay Mollie,sobrang sama ng tingin niya sa'kin,tumayo ito at lumapit kay Fire.
"Hon,magswim na tayo,medyo umiinit na kasi dito eh!"Malambing na sabi nito saka yumakap sa leeg ni Fire,,iba na talaga kapag desperado mas lalong nagiging showy.Ito namang si Fire,ang galing magpauto.Hay!sige lang piliin mo sya kesa sa'kin.tumingin sya sa'kin,iniiwas ko naman yong tingin sa kanya.
"Ok,!"Sabi ni Fire at iniwan niya ko sa mga kaibigan niya,kala ko ba possessive sya,kala ko ba ipinagdadamot niya,pero ano to!Nasaktan talaga ko sa ginawa niya,hay!!siguro nga hindi na ako yong gusto niya,wala na nga siguro akong magagawa pa,tiningnan ko sila habang naglulunoy sa pool,ang saya nila..biglang may humawak sa balikat ko sina Rina at Mhariz pala..
"Ok ka lang,"
"Oo naman!"Ngumiti ako sa kanila para iassured na ok lang ako.maya-maya lumapit na din si Chad..
"Akala ko hindi ka nia kayang iwanan,pero tingnan mo isang lambing lang napagbigyan na kagad sa kapritso nya,,puro dada lang!wala naman sa gawa!"
"Ok lang yon,wala naman akong karapatan para magdemand sa kanya,di ko naman sya boyfriend eh!"
"Ibig sabihin single ka!"
"Mukha ba kong may asawa!"Haha,chad talaga
"Nga naman,can I have your no.?!"
"Akin na yong fone mo!"Agad naman niyan bingay yong fone niya,tinype ko yong no ko then save!""
Hay!naku!ang bilis-bilis talaga nong iba dyan,boyscout na boyscout yong dating!"Sabi naman ni Mhariz
"Selos ka naman!"
"Hoy!Richard wag ka ngang masyadong assuming,ang kapal ha?!"Mamaya magkatuluyan tong dalawa na to haha,..
"Kayo talaga,mamaya nian malamn namin kayo na pala ha,bagay pa naman kayo?!"
"Maghunos dili ka Jackie,ayoko pang malosyang noh!"Sabi ni Mhariz..
"The more you hate the more you love ika nga,di ba Jack?!"Haha,see namumula ang ale!"
"Jackie?!"Ihi ka ba?!"Abnormal ba to sa Chad nananahimik yong ihi pinapakilaman.
"Bakit?!""Kasi darating ka pa lang kinikilig na ko eh!"Ahaha!letsii talaga.talagang nag action pa ng kiniklig.
"Hay!naku!napaka corny mo talaga Chad,ang mabuti pa magswimming na lang tayo,haler guys,anong saysay ng pool party kung nandito lang tayo at nakaupo di ba?!
"Why not nga naman di ba,maliligo rin ako para lumamig ng konti ang nararamdaman ko,,
"Girls join ako ha?!""Mananantsing ka lang eh,!"
"Sobra ka Mhariz,jojoin lang mananantsing kagad!"
"Oo na sige na,pero behave ka ha!"
"Promise,!!"At nagtaas pa ito ng kanang kamay,haha!ang cute lang.
"O tara na guys,ano pang hinihintay niyo,bagyo?!"Napatingin ako sa pool nandon pa rin sila patuloy na naghaharutan
."Wag na kasing tingnan yong mga trying hard na maging love team.
."Bakit nga ba ko magpapaapekto sa kanila,I know sa una lang mahirap ang magmove-on,sa una rin lang masakit,pero darating din yong time makakget over din ako..tumayo na rin ako hinubad ko yong damit nya na pinasuot niya sa'kin kanina at sinampay ko sa may upuan at taas noong naglakad papunta sa pool,nilamapasan namin ang dalawang taong naghaharutan,pagtingin ko kay Fire ang sama ng tingin niya sa'kin,bakit ba wala naman syang karapatan para pagbawalan ako di ba,bakit pa nya ko ininvite kung hindi rin lang pala ko pwedeng magswimming,hindi naman to basketball di ba na pwedeng mabangko,haha!halos lahat ng mata nakatutok sa'kin feeling ko tuloy isa kong contestant sa beauty contest,.
"Grabe ang sarap ng tubig!"Sinabuyan ko yong dalawa sina Rina at Mhariz..
"Ah!ganun ha,ganyan pala yong gusto nyo,grabe para tayong mga bata!
"Nagtatawanan kami ng may biglang tumalon sa tubig dahilan para magtalsikan ang tubig"Ano Chad,epal ka talaga"sinabuyan ni Mhariz si Chad ng tubig,kaya maya-maya nagsasabuyan na kami ng tubig,natigil lang kami ng biglang lumapit si Fire,ng makalapit sya sakin,bigla niya kong hinapit sa bewang at hinalikan ng mariin sa labi,pilit akong kumakawala pero sadyang malakas ito,naiiyak na ko sa sobrang kahihiyan,nasasaktan sya, hindi ko na talaga napigil ang maiyak.naramdamn niya siguro ang pag-iyak ko kaya unti-unti niyang pinakawalan ang labi ko,hinawakan niya ko sa braso at hinila paahon sa pool.lalakad na sana ko ng pigilan niya ko ulit hinawakan sa braso at sinuotan ng tshirt niya,matapos niya isuot tinalikuran ko sya,pumasok ako sa banyo para magbihis,pero bigla syang pumasok at hinila na naman ako sa braso,paakyat sa hagdanan.hanggang sa nakarating kami sa may tapat ng pinto ng kwarto niya,ng makapasok kami sa kwarto niya bigla niyang nilock yong pinto..ano bang gagawin namin dito,magbibilang ng butiki,lumakad ako papunta sa pinto para buksan ito ng bigla niya kong yakapin mula sa likuran..
"Fire ano ba?!please bitiwan mo ko,uuwi na ko,kaya ba pinapunta mo ko dito para lang ipakita na may nahanap ka ng iba,akala mo mo ba hindi ko alam Fire,manhid lang ako pero hindi ako tanga!"
"Umiiyak kong sabi..
"Babe,I'm sorry!"
"No Fire,you don't have to apologize,what for?!"
"Babe listen!"
"No you listen,uuwi na ko at wala ka ng magagawa!"Tinalikuran ko sya,pero hinaklit niya ko sa bewang at kinarga papunta sa kama niya.wtf!!!
,"Hindi ka makakauwi hangga't di mo ko pinapakinggan,Jackie please you know I love you."
"Huh!mahal,parang hindi yon ang nakikita ko Fire,pwede ba wag mo nga kong pagtripan kahit mahal kita handa kong kalimutan ka."
"Now you say it, !"
"Alin?!"
"That you love me!"
"Wala kong sinabi"
"I heard it loud and clear so kahit itanggi mo pa hindi non mababago na mahal mo ko, maliwanag na nadinig ko Jackie, wag mo ng itanggi sa sarili mo na mahal mo ko!" malamlam ang mga matang sabi nito, nanlalamig ang pakiramdam ko dahil sa tensyon.
"H-Hindi kita mahal,manloloko"
"Of course not,I'm just using her to make you jealous!"
"Ah!ganun,akala mo maniniwala ko sayo,hindi ako uto-uto no,let go of me uuwi na ko!"
"No ngayon pa na confirmed ko ng mahal mo ko,!"
"Bwisit ka talaga Fyro!" nanggigil na talaga ko sa kanya, parang wala na talaga akong katakas-takas,
"Kung yong pagmamahal ko sayo ang tinatawag mong bwisit then so be it!"