Mabibining haplos sa buhok niya ang nakapagpagising kay Steffi. Hindi niya alam kung ano’ng oras na siya nakatulog sa pagbabantay kay Dean. Natatandaan niya’y hawak niya ang kamay nito. Pag-angat ng kanyang paningin ay ang nakangiting mukha nito ang nabungaran niya. Hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito ang mga stubbles na tumutubo sa paligid ng mukha. Bagama’t bakas pa rin ang hirap nito sa katatapos lang na aksidente. “D-dean?” Tuluyan nang nawala ang antok niya. “How are you feeling? May masakit ba sa iyo? Ano ang gusto mo? Tatawag ako ng nurse o doktor.” Akmang tatayo siya upang gawin ang mga sinabi nang pigilan nito ang kamay niya. “Calm down, Steffi. Malayo ito sa bituka. But I’m glad na may maganda palang nurse na nagbabantay sa akin. The prettiest nurse I’d ever seen! Ale nasa l

