The Taste of his Jealousy NAPABALIKWAS ng takbo si Collen papunta sa elevator nang makapasok siya ng building dahil late na siya ng thirty minutes. Luckily, walang laman ang elevator kaya naman hindi na niya kinailangang makipagsiksikan. Nang makapasok siya ro’n ay napahinga siya nang malalim. Pasarado na sana ang elevator ngunit mayro’ng kamay ang humarang dito. Pagbukas muli ng elevator ay namataan niya ang isang lalaking bitbit ang kanyang coat habang inaayos ang necktie nito. “Eh?” gulat na napatingala si Collen sa kanya. “Miss Collen! Look how playful fate to us, we met again,” lumawak naman ang ngiti ni Riko sa kanya. “Siraulo,” ito naman ang paraan ng pagbating pabalik ni Collen. Sumiksik siya sa gilid upang dumistansya kay Riko na tumabi sa kanya. Napakapit naman si Coll

