The Little One PATINGIN-tingin lang si Riko kay Candice na nakatayo at nagmamasid sa paligid habang siya ay abala sa pag-iihaw ng marshmallow at iba pang pagkain. After setting up the bonefire, Candice found a post where she could stand and guard the whole place. Napailing na lamang si Riko dahil kahit tawagin naman niya ito ay tatanggi ito at idadahilan na tungkulin niyang siguruhin ang kaligtasan nito. Aminado rin naman si Riko na kung mayroong mang magtangka sa kanila ngayon ay si Candice lang ay may kakayanang makipaglaban. Riko is tha man here but probably Candice is stronger than him. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses na siyang dinukutan no’ng kabataan niya at si Candice ang gumulpi sa mga mandurukot na iyon. “Wala naman sigurong mandurukot dito, Candice, baka puwede k

