Against All the Odds 1 Year later… “HMM…” naabutan ni Vince na nakatayo si Jayce habang nakatingin sa mga papeles sa kanyang lamesa sabay niluluwangan ang polo nito. “Your meeting for this morning will be in 15 mins, Sir…” bungad naman nito sa kanya. Mukhang hindi narinig ni Jayce ang sinabi niya at hindi ito sumagot. “Sir,” muling tawag ni Vince sa kanyang boss. “Yeah, sorry. Hindi ko lang kasi makuha itong mga numbers na ito. Pinapa-check na sa akin pero ‘di ko alam ang iisipin ko pa’no nila na-compute ang mga ito?” “Mukhang nakalimutan na po n’yo ang accounting niyo, Sir…” hindi naman mapigilan ni Vince ang mapangiti at lapitan si Jayce. Panay kamot ng ulo nito habang iniisa-isa ang mag dokumento. “These are all vouchers, you have to check them and approve so we can proce

