You’re still the one PINAHINTULUTAN ni Jayce ang plano ng kaniyang mga empleyado na mag-TGIF party sa may lobby at bilang farewell na rin sa Head ng Finance na ngayon ay aalis na. Because Jayce owed Mason a lot ever since he started here, he wanted him to enjoy with his friends here. Kaninang hapon pa sinimulan ang pag-aayos sa lobby, ngayon ay may naririnig na siyang music bilang hudyat ng pagsisimula nito. Tumayo si Jayce at nagunat. Ilang segundo pa ay naisipan niyang tuntonin ang office ni Collen pero wala ito roon bagama’t naiwan naman ang gamit nito sa lamesa niya kaya naisip niyang nasa lobby si Collen at hindi pinalagpas ang party. Palabas na sana siya nang makarinig siya ng pag-vibrate. Pagtingin niya sa mesa ay nakita niya ang cellphone ni Collen na umiilaw at mukhang may

