BBC Chapter 52

1267 Words

Dahil sa pagkasira ng plywood na pader ng aking kubo ay may iilang guest na kalapit namin ang nakiusyoso kung ano ang nangyari. Humingi ako ng pasensiya sa kanila dahil sa ingay at naperwisyo ko ang kanilang tulog. Dahil nakita naman nilang maayos ako at kasama ko si Hardy ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang kubo. Maya maya ay dumating na din ang staff ng resort at nagtanong kung anong nangyari. Kinausap ko sila at nagpaliwanag na aksidenteng na out balance si Hardy kaya nasira ang pader. Nang makita nila si Hardy ay nakumbinsi din naman sila. Sa laki ng katawan at tangkad ni Hardy ay halos kapantay na nito ang kisame ng aking kubo. Dahil nakasira si Hardy ng plywood ay chinarge sa amin ang repair ng pader. Hindi na kami umangal pa para hindi na sila masyadong magtanong. At dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD