Sabi ng konduktor na napagtanungan namin kanina bago sumakay sa bus ay lampas anim na oras ang biyahe bago kami makarating ng Bacolod kaya naman bandang alas otso ay natulog na kami ni Hardy sa bus. Malalaman naman namin kung nasa terminal na kami kasi pabababain naman kaming lahat ng konduktor. Dahil luma na ang bus na sinakyan namin ay kokonti lang ang pasahero lalo na at mahal ang pamasahe dahil nga pandemic. Wala kaming katabi sa upuan sa likod banda. Ang nasa unahan naming pasahero ay tatlong upuan pa ang pagitan at medyo may edad na rin ang babae. Siguro dahil nagtitipid ang bus, nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng liban sa headlights kaya tanging mga street lights lamang na nadadaanan namin ang maliwanag. Kapag walang street lights ay sobrang dilim na. Okay naman sa akin na nak

