chapter 16

949 Words
POV NI CAMIL Nag uusap Sila sa sala Ng Ina niya at ni Samantha habang ako Naman at si calix ay NASA loob Ng kwarto. Naguguluhan ako sa nangyayari. Habang nakasilip ako sa kaunting butas Ng pintuan Nakita Kong gigil na gigil si Charles Hanggang sa umalis Ang kanyang Ina at ni Samantha ngunit Ang expression niya ay di nagbabago. Kung nakakapagsalita lang Ang sofa siguro nasasaktan na ito sa pagdadabog niya. Lumabas na ako Ng silid at Ganon din si calix. AyokoNg maging marites sa usapan nila Ng kanyang Ina kaya pumunta Muna ako sa kusina. Siguro sa work related lang ito kaya ipapahupa ko Muna Ang inis niya. ********** Ilang Araw Ng pabalik balik si Samantha rito sa mansion. Pansin ko din Ang Makati niyang mga galaw Kay Charles habang si Charles Naman ay lumalayo sa kanya. Hindi ako mapakali, Wala pa ding sinasabi si Charles sa akin tungkol sa paguusap nila. Isang linggo na Ang nakalipas. Wala pa din Naman nagbago sa pakikitungo niya sa akin pero kapag pumupunta si Samantha ay nagmamadali lagi Silang umalis. Hindi ko lang ito pinapansin na baka may urgent lang Silang gagawin. Umalis si Charles Ng bahay Ang sabi niya ay may meeting daw sila at kailangan naroon daw Siya. Umaga pa lang ito umalis ngunit hapon na ay Wala pa din sa bahay. Napansin kung bumukas Ang gate, inakala ko na si Charles na ngunit si Samantha Pala may dal itong basket na laman ay puro bulaklak. Nilagyan niya Ang vase Ng bulaklak kung saan bagong palit ko lang at Ganon din sa kwarto ni Charles. Habang hinihintay ko si Charles ay Lumapit sa akin si Samantha, umupo din Siya sa tabi ko. " Ako na Ang mag aantay Kay Charles" utos niya. Tinignan ko lang Siya at winalang bahala. " Yaya ka lang Dito, Gawin mo Ang inutos ko" sigaw nito habang nakataas Ang kilay. " Hindi Ikaw Ang may Ari Ng bahay, at sino ka ba?" Sarkastiko Kong tugon sa kanya habang nakapako Ang tingin ko sa pintuan Tumayo ito habang itoy nakapamewang. " Ako lang Naman Ang fiance niya" sagot nito. Napatingin ako sa kanya Ng may pagtataka. " Wag ka ngang maging fake Ngayon, kaibigan ka lang Naman ni Charles" sambit ko sa kanya. Ngunit dama ko pa din na baka totoo Ang sinabi niya. Sa nakaraang Isang linggo pagkatapos mag usap nila Ng mama ni Charles ay nagbago Ang lahat. Palagi na SiyaNg pumupunta Dito at palagi din Silang umaalis. " Bakit di mo tanungin si Charles?"pagpapakumpirma niyang Tanong. Ilang saglit lang ay bumukas na Ang pintuan, pumasok na si Charles na nakangiti ngunit Nung Nakita si Samantha ay nagbago Ang expression niya. " Anong ginagawa mo Dito?" Tanong ni Kay Samantha " Hinihintay lang Naman Ang fiance ko"nakahalukipkip pa ito pa side eye niya akong tinignan. Gulong gulo Ang aking isip,Hindi ko alam Ang irereact ko. Pumunta si Samantha Kay Charles at hinalikan ito sa pisngi. " Anong ginagawa mo" pagtataboy niya Kay Samantha. Tumingin ulit ito sa akin. Umiling iling ako. Nakaraan lang ay Masaya kami bakit ganto. Ano bang nagawa Kong mali. Bago pa Siya Lumapit sa akin ay tumagbo na ako pa guestroom. Gusto kung iampake Ang aking mga damit Ganon din Kay calix ngunit naisipan kung kapag naibigay niya na Ang sahod ko bago ako umalis. Kanina pa nakatingin sa akin si Charles ngunit Hindi ko Siya pinapansin, Hindi ko na din Siya ginigising upang Kumain. Sa halip ay hinahanda ko na lang at tinatakpan Ang kanyang kakainin. Isa lang Naman talaga akong Yaya Dito at laging pasasalamat ko sa kanya dahil inaalagaan niya si calix na parang tunay SiyaNg ama ngunit Ngayon napag isip isip ko na baka di talaga kami sa isat- Isa. Napansin kung di pa ginagalaw ni Charles Ang kanyang pagkain sa lamesa, gusto ko sanang hayaan na lang ngunit di ko mapigilang mag alala. Pumasok ako sa kanyang kwarto at Nakita Kong nakahiga pa din Siya. Tinignan ko Ang kanyang mukha at napansin kungatamlay ito. Hinawakan ko Ang kanyang noo, sobrang init. Naghanap ako Ng gamit sa cabinet niya at pinainom sa kanya. " Gagawin kita Ng Lugaw mo, magpahinga ka na lang Muna" pag aalala ko. Ayoko sana SiyaNg kausapin Hanggang sa sumahod ako ngunit nakakaawa Naman Siya mas Lalo nat may sakit. Hinawakan niya Ang aking pulsuhan. " Dito ka lang wag Kang umalis" uupo na sana ako Ng Bigla akong hilain papunta sa kanya kaya napahiga ako sa dibdib niya. Naramdaman Kong niyakap niya ako, nagpupuliglas ako ngunit kahit may sakit Siya ay malakas pa din Ang kanyang mga braso. Hindi na ako gumalaw at hinayaan na lang Siyang yakapin ako. " Wag mo Kong Iwan" sambit niya. Hindi ako nagsalita tumahimik Ang buong paligid. Tumaas Ang aking ulo, Wala na ding lakas Ang kanyang braso. Tinignan ko Ang kanyang mga Mata at itoy nakasirado na. Tumayo ako Ng dahan dahan sa kanyang bisig at kinumtan. Sinulyapan ko Muna Ang kanyang maamong mukha kahit may sakit ito ay may taglay pading kagwapohan. Biglang bumukas Ang pinto Dito sa kwarto, Akala ko Naman ay si calix lang ngunit Nung humarap ako ay si Samantha Pala. Nakatayo sa pintuan. " Anong ginagawa mo Dito sa kwarto" pagtatakang Tanong niya Tinignan ko Muna saglit si mayor bago binalik ko Kay Samantha. " May sakit Siya, pinainom ko Ng gamot. Baba Muna ako para paglutuan Siya Ng Lugaw" sabi ko sa kanya. " Ahh okay, wait bago ka bumaba kuha mo Naman ako Ng maligamgam na water, okay" maarti niyang sabi. Hindi ako nagsalita at lumabas na lang ako sa kwarto. Kinawa ko Ang inutos ni Samantha at pinagluto ko na din Siya Ng lugaw
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD