Napatingin ako sa maalon na dagat habang papunta ako sa isla. Sa Isang de motor na bangka ako nakasakay. Mag iisang Oras na din ako bago makarating sa kinaroroonan ko.
Isang Lugar na simple lang Ang pamumuhay. Wala akong Nakita na de semento na mga bahay kundi lahat ay mga Kubo. Yari lamang sa kahoy at Ang bubong ay dahon Ng buko. Kahon Ganon mabubuhay Naman Ang mga tao Dito sa pansin ko ay sa bawat bahay puno Ng mga halaman at sa gilid nila ay may mululusog na isdang lumalangoy sa malinis na kanal. Madami din akong nakikitang mga ligaw na hayop tulad Ng baboy at mga manok.
Kahit Ganon masasabi ko pa din na mahirap Sila, dahil karamihan sa kanila umaasa lang sa kalikasan at walang sapat na Pera sa pang Araw Araw.
Hindi na ako mayor sa among Lugar kundi Isang may ari na Ng Isang clinic. Dentist ako dun. Simple lang,walang masyadong iniisip at focus lang sa gusto Kong Gawin. Di katulad sa Isang responsableng mayor Ng lalawigan.
" Manong,may kakilala Po ba kayo Ng Camil Ang pangalan" Tanong ko sa lalaki. May kinuha ako sa bulsa Ng larawang ni Camil at pinakita Doon.
" Ahh oo kakilala ko Siya Doon pa Ang bahay niya, bilang ka Ng limang bahay mula rito. Yun na ang tirahan niya" sagot nito.
Napangiti ako Ng kaunti sa lalaki at nagpasalamat. Excited na akong Makita Siya.
Natunton ko na Ang bahay na sinabi Ng lalaki. Tulad Ng Nakita Kong mga bahay ay mas simple lang sa kanila.
Nakatayo ako sa maliit na di kahoy na gate,sa harapan Ng kanilang tirahan.
Napabugtong hininga ako bago ako sumigaw.
" Tao Po may tao Po ba rito" sigaw ko.
Nakailang beses ako Ng sigaw ngunit walang sumasagot. Dama ko na Ang sakit Ng tiyan ko at pag aalburoto.
Wala akong dalang pagkain dahil nagbabakasakali ako na Meron Naman Ditong Lugar pakainanan o karinderya man lang. Ngunit kahit saan ako pumunta ay Wala kundi mga bahay lang.
Hinawakan ko Ang aking tiyan sa sakit Ng biglang bumukas Ang pinto. Naexcite ako Ng Makita ko Ang Isang batang lalaki na lumabas. Hawak hawak Ang Isang maliit na balde na may lamang tubig.
Pinagmasdan ko Ang kanyang galaw at kinakaway ko Ang dalawa Kong braso upang Makita niya. Pansin Kong pumunta Siya sa mga maliliit pa lang na mga halaman at diniligan ito Ng may pag iingat.
Familiar Ang kanyang mukha Ng bata,kung Hindi ako nagkakamali si calix ito.
"CALIXXX" sigaw ko Ng malakas upang marinig niya.
Lumingon ito sa akin na para bang nagsulat sa Nakita niya. Pansin Kong binaba nito Ang kanyang hawak na tabo sa maliit na balde at dahan dahan pumunta sa akin.
Binuksan niya Ang pinto. Umupo Naman ako upang yakapin Siya Ng mahigpit.
" Daddy? Ikaw ba si daddy Charles" sambit niya. Pansin ko Ang pagtulo Ng kanyang luha at Ang mga Mata na puno Ng angungulila sa akin.
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Binuka ko Ng malapad Ang aking mga kamay upang hagkan Siya. Hakgan Ng mahigpit.
Malakas Ang pagiyak ni Calix sa aking bisig.
" Tahan na calix, nandito na ako"
Nung kumalawana kami sa aming pagkatapos ay Nakita ko si Camil na gulat na expression Nung Nakita niya ako.
Tumayo ako upang yakapin din sana si Camil ngunit hinila niya si calix upang lumayo sa akin.
" Umuwi ka na sa inyo" tugon niya sa akin.
Tinulak niya ako palabas Ng gate at sinirado ito.
" Camil, kausapin mo Naman ako" palungkot Kong sambit sa kanya.
Pinapasok niya sa loob Ng bahay si calix at nag usap kami.
" Anong ginagawa mo rito?' Tanong niya
" Nandito ako upang iuwi ko kayo" sagot ko
"Charles, Wala na tayo,matagal Ng Wala" mariin niyang sabi
"Hindi ka nagsabing Wala na tayo" sarkastikong sagot ko
"At Wala akong sinagot sayo,Bigla ka na lang umalis" dugtong ko.
" Lumayo na ako sayo, wag mo Ng ipilit pa na bumalik ako sa Mundo mo. Please lang Charles, may Sarili na tayong Mundo" paliwanag niya
Umalis na ito papasok sa bahay nila habang nakatayo lang ako sa maliit na gate sa harap Ng simpleng tirahan nila Camil.
" Sana may puwang pa din ako sa puso mo, wag mo Naman akong itaboy Ng ganto" sabi ko sa aking Sarili
Sobrang lungkot ko sa nangyari pero kahit Ganon Hindi pa din ako susuko.
Sobrang sakit na Ng aking tiyan,magdadalawang Araw na ako walang kain simula Ng pumunta ako papunta Dito.
Ang sakit na Ng aking ulo at bagdilim na din Ang paningin ko. Umupo ako sa gilid Ng gate nila Camil dahil Wala Naman akong napupuntahan pa.
POV NI CAMIL
Lumayo na ako sa mas malayo at alam Kong Hindi niya na ako makikita. Bakit Naman Nakita at nalaman niyang nandito ako. Hanggang Dito ba may Mata pa din Siya. Nakaupo ako sa kusina sa may lamesa habang naghihimay Ng malunggay.
" Ma Hindi niyo Po ba papasukin si daddy Charles Kasi nakaupo lang Po Siya sa may gate" sambit ni Calix.
Hindi ko pinansin si calix at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
" Ma?!" Dugtong niya.
" Hayaan mo Siya,aalis din Yan" maikli Kong sagot.
NASA liblib na kami Ng Lugar Ng batanes at sa isla na rin Ng alam Kong walang may kayang makapunta Dito dahil malayo sa kabihasnan pero bakit Naman nakarating pa din Siya.
Napiling iling ako sa aking Sarili na parang baliw dahil sa madami Kong iniisip noong bago ako umalis.
Tumingin ako sa gate Ng aming bahay at feeling ko Wala na Siya sa kinauupuan niya. Pumaroon ako sa gate para makasigurado at laking gulat ko Ng Makita ko SiyaNg nakahiga na sa gilid Ng mga halaman.
Nagmadali akong buksan Ang gate at pinuntahan Siya. Hinipoan ko Ang kanyang noo at sobrang init nito. Dali Dali ko SiyaNg binuhat at nilagay Ang kaliwang braso niya sa aking likod at inilalayan SiyaNg ipasok sa bahay.
Sobrang init ngunit pansin ko din Ang pagtulo Ng kanyang tiyan kahit nakahiga na kaya gumawa ako Ng Lugaw para ipakain sa kanya
" Ma, anong nangyari? Tanong ni Calix.
"Nakita ko SiyaNg nakahilata sa gilid Ng gate natin at sobrang init niya"sagot ni mama.
" Sabi ko Kasi sayo ma eh ipapasok mo na Siya Dito" pangaasar niya sa akin.
" Wala Kang sinabi" sarkastiko Kong pangaasar din Kay calix.
Bata pa Siya pero mas matured pa mag isip.
Pansin Kong may binubulong si Charles kaya inilapit ko Ng paunti unti Ang aking tenga at Ganon din si Charles para marinig namin Ng maigi.
Hindi ko napigilang kiligin sa narinig ko. Tumingin din Ng mariin Ang anak ko sa akin at kunyawari na aasiman.
" Ang Asim ma" sambit niya.
"Makahiga na nga sa kwarto para matulog" dugtong niya habang palabas sa pinto
" Totoo ba Ang narinig ko kahit 3 years na Ang nakalipas ako pa din Ang mahal mo. Paano si Samantha na nagmamahal sayo" malungkot Kong sambit sa kanya habang natutulog Siya Ng mahimbing.