SAMANTALA, saglit na lumabas si Dastan sa kotse ng makitang nagsisilabasan na para sa pananghalian ang mga bata. Meron sana syang gustong surpresahin dahil matagal na bago sila huling nagkita. Nakaabang lamang sya sa gate nito at nagbabakasaling makita ang hinahanap. Ngunit halos mangawit na nag leeg nya dahil bigo syang makita ito, kaya pumasok sya at binalak na puntahan ito sa room nito. Dumaan sya sa likod na dating tambayan nya nung bata sya para mas mabilis makarating. Hanggang sa may narinig syang boses mula sa di kalayuan. "Ang yabang mo nung nakaraan, kung hindi lang dumating si mam baka pilay kana samen." Rinig ni Dastan na wika ng isa. "Oo nga! Pasalamat ka may tumulong sayo, hay! Akala mo kung sinong matapang, duwag naman!" dagdag pa ng isa sabay tawa. "Hindi ako natatakot sa

