[MONDRAGON 1:40PM] NASA LABAS si Tamilla at mag-isang iniinom ang hawak na orange juice. Nakatulala lang sya sa malawak nilang halamanan at malalim ang iniisip. Samantala, kaninang umaga pa sya gustong lapitan ng anak na kanina pa nagmamasid sa kanya sa likod ng pader. "Young master, bakit po kayo nandito sa likod?" Wika ng Dahlia mula sa likuran ng bata. Sa gulat nito ay mabilis na tumago sa pader. "Pasensya na po kung nagulat ko kayo." Paghingi ng paanhin ng katulong. "Ah, wa-wala. May hinahanap lang ako." "Ganun ba? Hayun po ang senorita, tatawagin ko ba?" "'Wag!" Pigil nito. "Hayaan mo na." Umalis itong nakayukod at bumalik sa loob. Maya-maya pa ay muling lumabas ang bata ngunit may bitbit na itong tray na may lamang sandwich at ginayat na apple. Nakatalikod si Tamilla kay

