Sandaling napatahimik si Dastan pero mabuti na din iyon para makapahinga na ang ama niya. "Tama lang ang desisyon nyo. Para san pa ang gandang lalaki ko kung hindi ko magagamit sa trabaho? Ako na ho ang bahala sa lahat. Kaya pala ang dami nito kasi nag resign ka." Biro pa niya. "Ikaw ang papalit saken. Bukas sasamahan kita sa mansyon." Namilog ang dalawang mata ng binata ng marinig iyon. "Tay! Bakit naman ako, lagi nyo nalang akong sinasangkalan ha. Eh paano, maghahanap pa naman kami ni Zefro bukas ng trabaho." "Yun na nga e, kaya nga ikaw ang pinalit ko. Aba sa tingin mo ba may kukuha sayo? Paniguradong kargador na naman ang babagsakan nyong dalawa aba mas mahirap 'yun. Mabuti na rin iyon at hindi gaanung mahirap." "Paano naman si Zefro?" "Ako na ang kakausap sa kanya." Wika ng

