KINAGABIHAN............]]]]
"Nasan na ba si Cassiv??!" Sigaw ni Samira. Nagkakagulo na ang lahat dahil manganganak na si Tamilla. Hindi na din magkandaugaga ang dalawang katulong sa paghahakot ng mga gamit na dadalhin sa hospital.
"Ma! Wala pa din ba?" Giit ni Tamilla na halos lupaypay na sa sakit.
Habang tinitiis ni Tamilla ang sakit sa pamamagitan ng paglalakad ay hindi din mapakali si Samira dahil sa kakatawag kay Cassiv.
"Senyora, handa na po ang lahat ng mga dadalhin." Mabilis na sambit ni Hassan.
"Kaya mo pa ba? Anu dadalhin ka na namin sa hospital?"
"Hindi. Kailangan ko si Cassiv sa tabi ko! Kaya ko pa."
"Nasaan na kasi ang lalaking 'yun!! Hindi nyo ba alam kung nasaan ang senyorito nyo?"
"Umalis po sya kaninang 5:00pm, hindi po namin alam kung saan pumunta. Pasensya na po."
"Anung klaseng mga katulong kayo wala kayong kaalam alam!" Sigaw ni Samira.
Naghintay pa sila ng halos isang oras, ngunit walang dumating na Cassiv. Kahit selpon nito ay patay at hindi makontak. Hanggang sa nagpasya na si Samira na dalhin na sa hospital si Tamilla dahil pumuntok na ang panubigan nito. At namimilipit na din sa sakit. Ipinagbilin ng ina sa dalawang katulong na kung sakaling dumating ang anak niya ay kaagad itong papuntahin sa hospital.
SAMANTALA........]]]
Maayos naman na pinagbuksan ng gwardya ng gate si Cassiv at nagpasalamat naman si Cassiv rito.
"Magandang gabi po, Mr. Mondragon."
"Magandang gabi din sayo. Ah nandyan ba sila sa loob?"
"Nandyan po sina mam at sir, pero si senyorita Cat po ay umalis kaninang madaling araw. Naku, pasensya na po. Hindi dapat ako nagsasabi nito. Tuloy nalang po kayo sa loob."
Nagmamadaling tumakbo at naguguluhan ang isip ni Cassiv dahil sa sinabi nito kaya gusto nyang makita ang mga magulang ni Cat.
Paakyat palang sya ng makita ang mag-asawa na parang nakaabang na sa pagdating nya.
"Iho, napadalaw ka ulit?"
"Magandang gabi po, ma, pa."
Nagkatinginan lang ang mag-asawa.
"Gusto ko po sana makausap ulit kayo ng maayos at ganun din po sana si Cataleya. Gusto ko humingi ng tawad sa inyo dahil sa gulo na pinasok ko at sa pamilya nyo, alam kong hindi ganun kadali ang magpatawad ngunit tatanggapin ko kahit anu pang gawin nyo saken bilang parusa. "
"Cassiv, ang nangyari ay nangyari na at hindi pwedeng ulitin. Nagkamali ka at nasaktan mo ang anak namin. Bilang magulang niya, may karapatan kaming magalit sayo. Pero hanggang doon lang, oo tama ka. Hindi madali ang magpatawad pero maniwala ka man o hindi, kinalimutan ko na ang lahat. At humihingi din ako ng paumanhin sa nagawa ko sayo, pero may dapat kang malaman. Nahuli ka ng dating dahil si Cataleya ay umalis na. Pumunta sya sa lugar na hindi mo mahahanap o makikita. Ipinapasabi niyang huwag mo daw syang hanapin pa, dahil sa tuwing nakikita ka niya nagiging sariwa ang sakit at poot sa dibdib niya. Sana, respetuhin mo din ang naging desisyon ng anak ko. Kahit yun nalang ang maibibigay mo sa kanya."
Muling napaluhod si Cassiv. Pakiramdam niya ay hinang-hina ang buo nyang katawan at para may malaking ugong sa magkabilang tenga nya. Gusto nyang magwala ngunit hindi nya alam kung paano.
Sa huli, nakayukong bumalik sa sasakyan si Cassiv at wala ng kahit anung salitang narinig ang mag-asawa mula rito.
Nanatiling tulala si Cassiv sa loob ng sasakyan nya, kahit rinig ng dalawa nyang tenga ang kaliwat kanan na pagring ng selpon niya at mga texts ay tila parang bingi at walang pakialam.
Ilang beses nyang sinubukan na kontakin si Cataleya ngunit bigo sya, sinubukan din nya magtanung sa ilang mga kilala nyang kaibigan nito ngunit wala din itong alam. Sinubukan din ni Cassiv na buksan ang lahat ng social media accounts ng asawa ngunit bigo pa din sya. At kahit umiyak sya ay huli na ang lahat. Doon ay nagpasya na syang umuwi ng napagtanto nyang Tuluyan na syang kinalimutan ni Cataleya.
Pagbaba ng sasakyan ay sinalubong sya agad hina Darya at Esther.
"Senyorito, mabuti po umuwi na kayo."
"Bakit may nangyari ba?"
"Wala naman po, pero sina senyora at mam Tamilla nasa hospital kanina pa. Manganganak na po si mam tamilla." Ulat ng dalaga.
"What??!" Madaling tumakbo si Cassiv sa loob ng sasakyan, para syang natauhan ng marinig ang sinabi ng dalawa.
Tinatawagan nya ang ina nya ganun din si Hassan ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi nya makontak. Sa inis ay hinagis nya ang selpon at tumalbog ito sa ilalim ng bangko. Binilisan nya ang takbonng sasakyan kahit over speeding na sya. Walang magawa ang mga enfocer kundi tingnan na lang sa malayo ang sport car nya. Pagdating sa hospital, sinubukan pa din nya kontakin ang ina ngunit wala pa din kaya pumunta na sya sa nurse station at tinanung kung may bagong panganak na pasyente. Itnuro sa kanya ng head nurse ang kwarto nila Tamilla.
Marahan nyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakahigang si Tamilla at ang baby na inaasikaso ng isang nurse at ng mama nya. Rinig din nyang umiyak ito at habang palapit sya ay nakangiti sa kanya ang dalawang babae. Hindi maintindihan ni Cassiv ang nararamdaman nya, magkahalong emosyon. Hindi nya alam kung masaya ba sya dahil nakita nyang ligtas ang baby o magiging malungkot sya dahil alam nyang tuluyan na syang iniwan ng asawa.
"Meet your son, iho." Bulong sa knaya ni Samira. "He looks like you." Dagdag pa nito. Patuloy lang na nagsasalita si Samira at tinuturo din nito si Tamilla ngunit parang wala sa wisyo si Cassiv.
"Iho...are you okey?"
"Ah ye-yeah...I'm sorry."
"Bakit parang namumutla ka tapos parang hindi kaasaya. Look at him, he's adorable...alam mo, magagalit na sana ako sayo kasi kung san-san ka pumupunta, mabuti nalang pagdating namin dito nailabas agad ni Tamilla ang baby ng normal. Nga pala, san ka ba galing?"
"Ah saka nalang natin pag-usapan ma..." Mahinang tugon ng lalaki.
Lumapit si Cassiv sa anak at pinagmasdan ito. Naalala nya nung panahong nanganak din si Cataleya sa parehong hospital, malayong malayo sa una ang nararamdaman nya ngayon. Pinipilit nyang maging masaya ngunit hindi nya kaya.
"Ahm excuse me po, Miss. Tamilla Diaz?" Tanung ng isang nurse.
"Ah yes she's here." Anu Samira.
"Kailangan po mg husband or guardian para po sa ibang information mg baby."
Nagkatinginan ang mag-ina. "Sige Sige susunod kami."
Pagkapunta ng mag-ina sa nurse station ay iniabot sa kanila ang Ilisang form. Ilang segundo pa bago sumulat si Cassiv, pagdating sa tanung na kung anung relasyon niya sa pasyente ay tuluyan ng napatigil si Cassiv.
"Siguro hindi nya asawa." Bulong ng isang nurse sa kasama nito.
Rinig iyon ni Cassiv ngunit Wala lang sa kanya. Agad naman binuweltahan iyon ni Samira.
"Anung binubulong-bulong mo dyan!! Trabaho nyo ang initindhin wag yung personal mg ibang tao! Mga pakilamera!"
Hinayaan at nilagpasan ni Cassiv ang tanung na iyon at saka pumirma. Matapos ibigay sa head nurse at umalis na sila at bumalik sa kwarto ni tamilla. Si Samira ay muling dumiritso sa apo at Kinamusta naman ni Cassiv si Tamilla. Pareho silang nakatingin kay Samira na nilalaro qng anak nila.
"Alam mo iha, ang ganda ng pangalan nya. Ang galing mo din pumili mg ipapangalan." Puna ni Samira.
"Yes ma. Pinag-isipan ko po talaga ang pangalan ni baby."
"Ezra Zaim. Napakagandang pangalan para sa napakagwapong lalaki." Hirit pa ni Samira.
"Ahm. Wait. What did you just say, Tamilla?"
"Huh? Alin?"
"Now. If I'm not mistaken, I've just heard that you call mom as "ma"? Am I right?"
Lumapit naman si Samira.
"Oh anu namang masama iho. Dapat lang na tawagin nya akong mama, kasi may anak kayo. Hindi naman pwede na kung anu anu lang ang itawag namin sa isa't isa."
"But ma, you know that I'm still married...."
"Madali lang gawan ng paraan ang divorce paper, at saka isa pa. Wag nga natin pinoproblema yung hindi naman importante. Saka nalang natin pag-usapan ang tungkol dun, alam mo naman na bagong panganak itong si Milla tapos ganyan pa ang pinapakita mo." Reklamo ng ina.
Hindi na nakipagtalo pa si cassiv sa ina sa halip ay lumayo sya ng konti sa mga ito. Pinagmamasdan naman siya ni Tamilla habang nakayuko. Alam nito na may ibang bumababagabag sa isipan ni Cassiv. Nabaling lamang ang iniisip niya ng biglang inihiga ni Samira ang baby sa kanyang tabi at nilalaro ito kahit Napakahimibing ng tulog.