MAKARAAN ang sampung minuto ay lumabas si Azita. Dali-dali naman na nakapasok si Tamilla sa opisina ng matanda dahil wala ang bantay sa pinto. "Anung sinabi nya?" Tanung agad nito. Naabutan niyang may tinatawagan sa telepono ang chairman at si Samira ay umiiyak habang nakangiti. "Tamilla, buhay ang apo namin. Ang anak ni Cassiv. Siya ang batang kasama ni Azita." Natutuwang balita nito sa manugang. Bahagyang napaatras si Tamilla. Hindi makapaniwala sa narinig. "Paano niyo nasisigurado na anak siya ni Cassiv, ma? Bakit ang bilis niyong maniwala?" "Alam ko Tamilla, dahil may balat ang anak ni Cataleya. Nakita ng dalawang mata ko, at meron si Kharim sa kagayang balat na 'yun." "Kailangan malaman ito ni Cassiv. Ngunit hindi ko siya makontak. Utos ng chairman. "Hindi maari!" Sa isip ni

