KABANATA 9

1009 Words
“MA, okay naman po ako. Kailan ba ang uwi ninyo ni Tito Louie?” tanong ko habang kausap si mama sa mobile phone. “Baka makauwi na kami bukas. Kumusta naman si Zein? Hindi ba siya naiinip sa bahay? Pwede ko ba siyang makausap?” Ilang hakbang ang ginawa ko upang tunguhin si Zein na abala sa kusina. Galing ako sa sala kung saan nanonood ako ng pang-umagang balita. “Oh, gusto ka raw kausapin ni mama,” ani ko kasabay ng paglahad ng kamay ko sa kanya. Nakangiti niya akong nilingon saka kinuha ang phone sa kamay ko. Inilagay niya iyon sa taenga at inipit gamit ang balikat habang hinahalo niya ang nilulutong sinangag. “Yes, tita?” Muli siyang sinluyapan ng lalaki. “Well, we’re doing fine. Hinahatid-sunod ko po siya sa school to make sure she’s safe.” Kumunot ang noo ko. Hindi talaga marunong mahiya ang lalaking ito. Talagang ipinaalam pa kay mama. Hindi ko alam ang sinasabi ni mama subalit alam kong tungkol iyon sa akin. “Yes, tita. Don’t worry po. I’ll take care of everything here while you’re not still at home with dad.” Binitiwan niya ang hawak na sandok dahil muntik nang mahulog ang phone na nasa pagitan ng taenga at balikat niya. Agad kong dinampot ang sandok saka ipinagpatuloy ang ginagawa ni Zein. Marunong naman ako sa mga gawaing bahay katulad ng pagsasangag ng tirang kanin dahil sanay ako na mag-isa sa bahay sa tuwing abala si mama sa trabaho. Hinalu-halo ko ang sinangag. Napapikit ako nang maamoy ang mabangong aroma ng bawang. Bigla akong natakam. Na-excite akong kumain. Kapag mag-isa lang ako sa bahay ay madalas nagtitimpla lang ako ng choco at tinapay sa umaga. May nakahandang hotdogs at fried egg sa mesa. Sinangag na lang ang kulang. Ilang beses ko pang hinalo iyon pagkatapos ay kumuha ako ng kutsara at tinikman. Sunod kong pinatay ang stove at kumuha ng lalagyan. Hinain ko na iyon sa mesa habang abala pa rin sa pakikipag-usap si Zein kay mama. Kumuha na rin ako ng dalawang plato kasabay ng kutsara at tinidor. Nagtimpla na rin ako ng choco na paborito ko at kape para kay Zein. Umupo na ako pagkatapos niyon. Hinintay ko si Zein upang sabay kaming kumain. “Thank you,” ani ng boses mula sa likuran ko. Inabot niya ang phone ko nang lingunin ko siya. “Kain na tayo?” he asked asking my permission. “Yeah, hindi dapat pinaghihintay ang pagkain,” sagot ko. Basta ko na lang inilapag ang phone sa gilid na bahagi ng mesa. “Anong sabi ni mama?” “Sana raw makauwi na sila bukas. Kung hindi naman, baka the day after tomorrow pa sila makauwi. It seems they have a serious matter to deal with.” Tumangu-tango lang ako. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong kumain. Abala na ako sa pagkain ng hotdogs nang biglang may maalala. Napatigil ako sa ginagawa ko. Matapos kong lunukin ang pagkain na nasa bibig ko ay humigop ako ng chocong tinimpla ko. “Bakit ka tumigil sa pagkain?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Zein. “Ahm, sorry. Na-excite ako sa pagkain. Nakalimutan kong magdasal.” Unti-unting nawala ang pagtataka sa mukha ni Zein at napalitan iyon ng pagngiti. “Oh, I see.” “Na-excite kasi akong kumain. Sorry,” umayos na ako ng upo. “It’s okay, Shen.” Saglit akong nagitla nang hawaka niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. “You can continue eating. Hindi naman magtatampo si Lord kahit na makalimutan mong magdasal. Alam niyang gusto mo ng kumain. Naiintindihan niya iyon.” He winked. Nang alisin niya ang kamay niya sa akin ay sunud-sunod akong tumango. “Ihahatid kita sa school at susunduin kita sa hapon. Siguro naman hindi na natin kailangang magtalo. Nanalo ako kahapon sa takbuhan nating dalawa at ibinilin din sa akin ni tita na bantanyan kita habang hindi pa sila nakakauwi.” “I’m not a kid anymore. Kaya ko naman pumasok at umuwi mag-isa. Kayo lang naman ni mama ang nag-iisip ng kung anu-anong bagay.” “Well, masisisi mo ba kami ni tita na bigyan ka ng pansin kung ganyan ka kaganda?” Bahagya niyang hininaan ang boses niya ng banggitin ang huli niyang sinabi. “Excuse me?” “Natural lang na pag-ingatan ka dahil nag-iisa kang anak ni Tita Shiena at dahil magiging stepbrother moa ko, natural lang din bantayan kita. Hindi ako makakapayag na may ibang lalaking nakapaligid sa ‘yo. Obligasyon ko na maging depensa mo.” Depensa? “Anong ibig mong sabihin?” Mariin niya akong tinitigan sa mata pagkatapos ay bigla na lang nag-iwas. “As long as I’m here, I will be your protector. No ifs and no buts.” Lalo kong hindi naintindihan ang sinabi niya. Bakit tila yata nagmistula akong isang anak ng isang reyna at kung ituring ako ni Zein ay parang isang munting prinsesa. O di kaya sabik lamang siya na magkaroon ng isang kapatid na babae? Marahil nga. “Okay. Payag na ako. Pero pwede bang makiusap sa ‘yo? Huwag mo na ako ihatid sa mismong gate ng school. Ituturo ko sa ‘yo kung saan mo ako ihahatid at susunduin.” Nagtatanong na naman ang mga tingin niya. Tumungo ako. “Ayaw ko lang kasi na halos pagkaguluhan ka ng mga estudyante at ibang guro sa school. Feeling nila may artista akong kasama. Hangga’t hindi pa nakakasal sina mama at Tito Louie ay iiwasan mo munang magpakita sa kahit na sinong tao na nakakakilala sa akin. Maliwanag ba?” Tumikwas ang gilid ng labi niya. “Yes, sweetheart.” “At isa pa – “ Natigil ako nang iharang niya ang daliri sa labi ko. “Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school.” Napatingin ako sa orasan at tama nga si Zein. Kailangan ko ng magmadali. Kumain ako ng mabilis upang maubos ang pagkain na nasa plato ko nang mapansin ko ang kakaibang ngiti sa labi ni Zein.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD