NATIGIL ako sa pagsubo. Halos hindi kumukurap ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
“What? Are you deaf now?” sunud-sunod na tanong ni Zein. “I said – “
“Narinig ko,” matabang na tugon ko saka tumayo. Kumuha ako ng isa pang pinggan at sinandukan ng kanin. Pagkatapos ay inilagay ko sa harap ng kinauupuan ko. “Pagpasensiyahan mo na ang ulam. H-hindi ko kasi alam na hindi ka pa kumakain.” Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
“Wala na akong ganang kumain.”
“Ano?!”
“Hindi mo ba ako narinig?! Wala na akong ganang kumain.” Walang babalang tumalikod ito at iniwan ako sa hapag-kainan.
“Anong problema ng lalaking ‘yon?”
Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang yabag niya pabalik sa kinaroroonan ko. “The problem is you are being selfish, Shenelle. Akala mo nag-iisa ka lang. Wala kang pakialam sa kasama mo.” May diin ang bawat salitang binitiwan niya.
“Sorry po ha? Hindi ko naman po kasi alam.”
“You know nothing!”
Natigil ako sa paghakbang patungo sa lababo. Tuluyan na rin akong nawalan ng gana kumain kaya liligpitin na lang sana ang pinagkainan ko subalit ayaw pa rin paawat ng lalaking nasa harap ko. Ilang beses akong nagbuga ng hangin. “Sorry,” ani ko para matapos na.
“Sorry?! Is that all you can say?”
Hindi ko na lang siya pinansin at diretsong dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Hinugasan ko iyon kahit na alam kong naghihintay ng sagot mula sa akin si Zein. Nagpunas na ako ng kamay pagkatapos.
“Shenelle, we’re not done yet!”
Nilingon ko siya. “Bakit ba kailangan mong sumigaw? At saka galit ka ba talaga dahil hindi kita inayang kumain o may iba pang dahilan?”
“Are you insensitive?” Nagtagis ang bagang niya habang nakapamaywang.
“Excuse me?” Naglaban ang mga mata namin. Kapwa titig na titig at ayaw kumurap. Kahit na matangkad siya sa akin ay hindi ako maaaring basta na lang magpatalo sa kanya. Halos maningkit na ang mata ko.
“What is happening here?” boses iyon ni mama. “Nag-aaway ba kayo?”
Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Zein na labis kong ipinagtaka. Wala na ang tila isang lobo na galit nag alit. Isa na siyang maamong tupa ngayon na may ngiti sa labi.
“Tita, hindi po,” magalang niyang sagot. Mabilis siyang nagmano kay mama gayundin kay Tito Louie. Sunod niya akong sinulyapan. “Tinutulungan ko lang po siya na mag-rehearse. May kwento po kasi siyang nabasa at sinabi ko sa kanya na i-practice namin para mas ma-feel niya ang emotion.”
“Ganoon ba, Shenelle?” tanong ni mama sa akin.
“O-opo, ma!” Ako naman ang lumapit at nagmano. “Practice lang po ‘yon.”
“Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay nag-aaway na kayo agad eh.” Nilingon ni mama si Tito Louie. “Anyway, kumain na ba kayo? May dala kaming pagkain. Sandali at ihahanda ko lang.”
“Ma, antok na po ako. Kayo na lang po muna ang kumain. Nagutom na po ako kanina kaya nauna na po akong kumain. Enjoy your food po. Good night ma, Tito Louie… Zein.”
Pnilit kong matulog agad nang makapasok ako sa silid ko. Nagising na lang ako dahil sa sunud-sunod na katok mula sa pinto.
“Shenelle! Shenelle!” si mama.
Saglit kong tiningnan ang orasan sa bedside table ko saka bumangon. Tinungo ko ang pinto at binuksan. “Ma? Alas dose pa lang po ng umaga. Mamaya pa po ang pasok ko.”
“I know, anak. Magpapaalam lang ako sa iyo.”
“Magpapaalam? Bakit saan po kayo pupunta?” Doon na tuluyang nagising ang diwa ko.
“May emergency sa trabaho at kailanagan naming pumunta ngayon sa opisina. “Here,” aniya sabay abot ng kung ano sa kamay ko. “Baka makalimutan ko ang baon mo.”
“Magtatagal po ba kayo ro’n, ma?”
“I’m not sure. Kasama ko si Tito Louie mo kaya si Zein lang ang makakasama mo rito. Binilinan na siya ng daddy niya kaya kung ano man ang kailanganin mo, sabihin mo sa kanya para maiparating sa amin. Hmn?” She kissed me on the forehead. “Uuwi kami agad ng Tito Louie kapag naayos na ang problema sa opisina. Mag-ingat ka sa pagpasok sa eskwela, okay?”
“Opo. Salamat po sa baon, ma.”
“Kapag kulang ‘yan ay magsabi kay lang kay Zein, okay? Sorry, Shenelle. Busy si mama mo.”
“it’s okay, ‘ma. Basta pasalubong mop ag-uwi ha?” Nginitian ko siya at agad naman niya akong niyakap.
“Sure, no problem.”
Muli niya akong hinagkan bago ako umalis. Bumalik ako sa pagtulog ngunit hindi ko nagawa. Tumayo na lang ako at lumabas ng silid ko. Tinungo ko ang kusina at naghalungkat ng ano mang makakain. Baka sakaling makatulog ako ulit once na magkalaman ang tiyan ko.
“Ahh!” malakas kong sigaw nang may maaninag na anino sa bandang itaas ng ref. Nang maisara ko iyon ay saka ko lang nakita si Zein na nakakalokong nakangiti. “Ano ba ang ginagawa mo riyan? Balak mo ba talaga akong patayin sa takot?” hawak-hawak ko ang dibdib ko dahil sa malakas na kabog niyon.
Malakas naman siyang humalakhak. May kung anong sumikdo sa dibdib ko. Kakaiba ang awra at itsura niya sa tuwing tumatawa ng ganoon.
“Hmmp!” Mabilis akong kumuha ng ice cream at tumalikod na.
“Ice cream in the middle of the night?” habol pa niyang sabi ngunit hindi ko na siya pinansin. “Pwede ba akong maki-share sa iyo?”
Pati ang boses niya ay naging mas malambing. Malayung-malayo noong inaway niya ako dahil lang sa hinidi ko inayang kumain.
Pake mo ba! Isang two hundred fifty milliliters ang dala kong ice cream papasok ng silid ko. Wala pang bawas iyon dahil kabibili lang nina mama at Tito Louie.
“Pwede bang maki-share ng ice creame?” Lumitaw ang mukha niya sa bintana na ikinasigaw ko na naman ng malakas.
“Gusto mo ba talaga akong patayin sa gulat?”
Lumungkot ang mukha niya. “Gusto ko lang naman kumain ng ice cream.”
“Oo na! Oo na! Lalabas na ako! Sa dining na natin paghatian ang ice cream. Umalis ka na riyan sa bintana at baka mapagkamalan pa kitang ligaw na multo!” ani ko sabay irap sa kanya.