BIGLA akong bumitiw sa kanya pagkatapos ng ilang sandali. Nakangiti pa ako kanina habang nakapikit ang mga mata nang niyakap ko siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko upang yakapin siya sa gitna ng mga taong dumadaan sa paligid namin. “S-sorry.” Hindi ko magawang tumingin sa kanya. May ilan na nagbulungan na. Lalo akong nailang dulot ng kahihiyan. Kung pwede lang tumakbo palayo, ginawa ko na sana. “Tara na,” ani ni Zein kasunod ng paghawak niya sa kamay ko. Bagama’t malalaki ang paghakbang niya, nagawa niyang tantiyahin ang bawat hakbang ko. Aware siya na doble ng hakbang niya ang sa akin kaya siya na mismo ang nag-adjust. Bitbit ang teddy bear ay nagawa niya akong igiya palabas ng mall. Sa wakas, unti-unti ng kumalma ang puso ko sa pagitan ng kaba at pagkabigla. “Okay

