Chapter 9 Wala sa sariling ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis talaga ang Ryx na iyon kahit kelan, ginugulo nanaman niya ang isip ko. Argh! Ano bang ibig niyang sabihin sa 'Akin ka lang' niya huh! Hindi ako bagay na puwede niyang angkinin. Hindi porket isa siyang Stallix e makukuha na niya ang gusto niya. Wait does he even like me? Natigilan ako. No way! F-For real? “Woah! Bakit gising ka pa, Avs?” Jack asked who looks shock to see me in the kitchen. “Hindi lang makatulog.” sagot ko. Tumango siya at tsaka nagtungo siya sa refrigerator. “Kung ganoon hindi dapat kape ang iniinom mo.” nilabas niya ang karton ng isang gatas at kumuha ng baso pagkatapos ay nagsalin doon. “Oh.” inilapag niya iyon sa harap ko. “Thanks.” tipid akong ngumiti. “Something's bothering you?” tanong niya sabay suly

