Chapter 37 Napahinto kami parehas at nagkatinginan. Hindi ko alam na nasa itaas pala siya ang akala ko ay nasa baba siya dahil may party doon para sa kanila. He won't be coming to school next year dahil graduate na sila, si Trek na lang ang naiwan at nasa huling taon na ito sa kolehiyo sa susunod na pasukan samantalang senior high naman na ako sa darating na pasukan. At dahil graduate na sila may mga kaniya-kaniya na silang planong gawin. Ephraim will stay here in Caligtan for a couple of weeks bago bumiyahe sa Manila. Si Jack naman ay mananatili dito sa Caligtan. At si Ryx ay bibiyahe agad bukas sa Manila. Hindi ko alam kung bakit parang excited siyang umalis at iwan kami dito sa Caligtan. Pero ganoon nga siguro kapag matatanda na at matured na. Sa tingin ko sa parte na iyon ay hindi ak

