Chapter 31 It was my graduation day, sa mansion namin iyon sinelebrate katulad ng gusto ko. I graduated in elementary with high honors. At ganoon din sila Emilly at Kaye. We all graduated with high honors. Ang pangarap ni Kaye ay sa wakas natupad na din. Inimbitahan kami ni Kaye sa bahay nila para sa isang maliit na salo-salo pero kaming dalawa ni Emilly ay may kaniya-kaniya ng plano. Everyone is excited to be a junior high . Sa enrollment ay sabay-sabay kami nila Emilly mag-eenroll. "Avresia, kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan..." nakangiting puna ni tita Rea sa akin. "P-Po?" "May hinihintay ka ba?" she asked. "Si Ryx ba, hija?" Hindi ako sumagot pero parang nabasa na ni tita Rea sa mukha ko ang sagot doon. "He'll be home late. He texted me." aniya. "G-Ganoon po ba." The ce

