Chapter 34 Naiiyak na sinalubong ako nila Emilly at Kaye ng makita ako. Matagal din akong lumiban sa klase kaya naman ng pumasok ako ay parang nanibago ako sa paligid. "Avresia!" emotional na tawag ni Emilly at Kaye sa akin. Marahan naman akong ngumiti at bahagyang nanlaki ang mata ng sinunggaban nila ako ng yakap pareho, muntikan pa kaming matumbang tatlo. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na papasok ka na ngayong araw?" nakangusong tanong ni Kaye sa akin. "S-Sorry, nakalimutan ko." napangiwi ako. Nagkatinginan silang dalawa at nang bumaling sa akin ay tumango. "Ayos lang iyon. Ang mahalaga nandito ka na." Emilly nodded. "You can borrow my notes, Avresia. Malapit na ang exam, puwede tayo mag group study?" nakangiting suhestyon naman ni Kaye. Nang umupo kami sa mga assigned seat nam

