Chapter 26 Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa paglalakad ng makita ko sa gilid si Ryx at ang isang babae. I came to look for him. Pinuntahan ko siya sa classroom nila pero wala siya doon. I think I found him in an awkward situation. Wrong timing ata ang pagdating ko dahil narinig ko ang babae na nagtatapat ng nararamdaman niya para kay Ryx samantalang walang kaemo-emosyon ang mukha ng lalaki na nakatitig sa babae na mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang panginginig marahil sa kaba ang balilat ng babae. Hindi ko narinig ang sinabi n Ryx sa babae pero basta na lang itong tumakbo palayo at parang umiiyak pa. Samantalang lumingon naman si Ryx sa gawi ko at gulat akong napaatras muntik pa akong matumba dahil doon mabuti na lang at napakapit ako sa may lamp post. Dahil nakita

