Chapter 22 "Sunduin mo na kaya si Ryx sa suite ni Valerie?" ani Filo ng halos mag-iisang oras ng hindi bumabalik si Ryx simula noong ihatid niya si Valerie sa hotel suite nito kanina. "I mean it's not like we don't trust Ryx. Si Valerie ang hindi ko pinagkakatiwalaan." Filo rolled her eyes. "Patay na patay iyon kay Ryx. I'm sure she'll grab any chances she have just to have him." dagdag pa niya. Hindi dapat ako mag-isip ng kahit na anong masama, inihatid lang ni Ryx si Valerie sa suite nito dahil lasing na lasing na ang babae at baka mapano pa sa labas. But I know Valerie too. And I agree with Filo. "Well, room 506 ang hotel suite ni Valerie. It's in the 4th floor." tumatangong sabi ni Raka saakin. "Go ahead. Sunduin mo na si Ryx. If I were you hindi ako magiging mabait kay Valerie. S

