“Mrs Benavidez excuse me, can I talk to you.” Ang wedding coordinator, kasalukuyang kausap ng ginang ang pamilya ni Cham. “Yes any news where are Cham and Ellsworth” umpisa nito, lumayo sila mula sa mesa ng pamilya ni Cham. “Madam wag po kayo mabibigla may tumawag po kasi sa akin ang sabi ay –“ hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil naghysterical na kaagad si Mrs. Benavidez. Buti na lang at wala masyadong tao sa lobby ng Hotel, umalis na kasi sila sa Ranch kung saan sana gaganapin ang kasal dahil alas otso na ay wala pa din ang dalawang ikakasal. “Anong nangyari sa kanila? Naaksidente ba sila? Saang hospital halika na puntahan natin.” Sunod-sunod na tanong nito. “Madam tumawag po ang San Juan Batangas Police Department nandon daw po si Sir Ellsworth.” Dahan-dahan ang pagkakasab

