“Mommy I really saw Uncle Thor let’s look for him” ang kulit ng anak ko, naghihilahan kami ngayon talagang pinipilit niya na nakita niya yung sinasabi niya na Uncle Thor. Naiinis na ako sa Uncle Thor na yan lagi kasi yan kinkwento ng anak ko ng nasa Paris kami, bakit pati dito sa Pilipinas ay andito siya. “Baby we need to hurry Lola and Lolo are waiting for us.” Agad naman siyang sumimangot at nagmamaktol na naglakad, sa wakas ay hindi na pahirapan ang paglalakad niya muntik ko na siyang buhatin pag hindi pa siya nanahimik sa pangungulit. “I just want you to know Uncle Thor Mommy that’s all but you don’t want to I guess.” Aba, nagtatampo pa ang baby ko. Tumigil ako sa paglalakad at umupo para mapantayan ko ang anak ko. Mukha na kasi siyang paiyak. “Baby listen okay? I wanna meet him of

