Nagpaalam na si Nanay Mitring sa akin at dinala na ang mga pinagkainan namin sa dirty kitchen naiwan akong nakaupo dito ang daming tumatakbo sa isip ko sa mga sinabi sa akin ni Nanay. Bakit ba kailangan ko pang maramdaman ulit ito? Ang pakiramdam na sobrang sakit! Bukod sa andito ako sa lugar kung saan once naging impyerno ang buhay ko. Andito din ang taong sobrang minahal ko noon at the same time ang taong nagpahirap sa akin ng sobra-sobra. Takot akong lumabas ng dining area dahil paglabas ko alam kong maaring magbalik-tanaw sa akin ang mga panahon na andito ako at hirap na hirap dahil sa kasalanan ng ibang tao na wala naman akong kinalaman. Lahat na ng pagmamalupit na hindi ko inasahan kahit minsan dito ko lahat naramdaman yun, bakit ba kailangan ako magpabalik-balik dito? Dito sa luga

