Imbes na two weeks lang ay lilipad na sana si Brandon pabalik ng Pilipinas ay natagalan pa siya dahil inatake na naman ang Daddy niya, they almost lost him. Pakiramdam ni Brandon ay napapagod na ang Daddy niya sa kalagayan nito kaya gusto niya na nasa tabi lang siya nito. Sobrang awa ang nararamdaman niya dito halos ngiwi na ang mukha nito at mukha na talagang lantang gulay. “Mommy magpahinga na muna kayo ako naman ang magbabantay kay Daddy” aniya, habang hagod niya ang likod nito. Malaki na din ang ipinayat ng kanyang ina simula ng atakehin ang daddy niya. Andito sila sa hospital dalawang buwan na din nakaconfine ang Daddy niya, puno ito ng mga aparato sa katawan, hindi na kasi kaya na sa bahay lang ito maglalagi ang mga aparato na lang ang tanging bumubuhay sa kanyang ama. “Okay lang

