JESSY'S POV: "I guess, hindi muna kita mabobonding ngayon" kausap ko sa mga armas ko tsaka ko nilock at tinago sa closet ko. Inayos ko muna yung higaan ko bago ako lumabas ng room ko. Narinig ko kaagad ang halakhakan ng mga kalalakihan sa baba. Napangiti nalang ako tsaka lumapit sa balkonahe at pinanuod sila sa baba na naglalambingan. SIna Kuya Shin at Kuya Lemuel umandar nanaman pagiging malandi at inaasar si Kuya Xian. Namimiss ko tuloy sina Uncle. Siguro pag nandito rin mga yun ,sasabog sa tawanan ang bahay na'to. "Jessy!" Napa ayos ako ng tayo nung tinawag ako ni Ben sa baba. Ngumiti lang ako tsaka bumaba at nakisali sa kanila. "Hey Mom, what game do we play now?" Lapit sa akin ni Chester. "Hmmm..." napahawak ako sa chin ko tsaka nag-isip. "Nanay Tatay." They looked at me puzzle

