Javi's POV 4 days since we met Ate Alice and Lance. Kinabukasan no'n nakuha na din namin yung result ng MRI ni Lance and hindi nga ako nagkamali, may parehong kondisyon si Lance at Kuya. "Javielle, are you the one who will do the surgery?" tanong ni Kuya habang nandito sila nila Ate sa clinic ko. Kasama naman ng asawa ko yung tatlong bata. "Yes, Kuya. Kaya naman sa hospital na to," saad ko. "Don't worry, Kuya. I'll do everything to make Lance safe," nakangiting usal ko. "Ayokong may mawala na naman sa pamilya ko." "I know, Thank you," tugon naman ni Kuya sa akin. Hinawakan naman ni Ate Alice yung kamay ko. "Javi, please save my son.." naluluhang usal n'ya kaya hinawakan ko yung kamay n'ya. "Gagawin ko ang lahat, Ate." Nakangiting usal ko. Sabay sabay naman kaming napatingin sa pinto

