Nang makarating na kami sa bahay ay agad na bumaba ako.
Hindi ko na s'ya nilingon ng maisip na bumaba rin s'ya ng kotse.
Papasok nalang sana ako ng masalubong si mama.
Mabilis na nakaramdam ako ng pagka kaba.
"Oh anak, andito kana pala..." Bati n'ya atsaka napalingon sa likod ko.
"Sino nman ang poging binata na'yon." Turo n'ya kay Andrei na nakalabas na sa kotse.
"Ay. Hello po tita I'm Andrei Kiyen Canillas." Naawang ang bibig ko ng lumapit pa ito at magalang na nag pakilala.
Nakita ko ang kislap sa ngiti ni mama ng marinig ang magalang na pag papakilala nito.
Tsk! Mapagkunwari!
"Ah, kaibigan po ako ni Patreng...hinatid ko lang po s'ya para safe s'yang makauwi." Dugtong pa nya.
Batukan ko kaya 'to.
"Ay gano'n ba? Napaka bait naman pala netong kaibigan mo anak eh." Puri ni Mama. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng makita kung pa'no lumabas ang pag katuwa ni mama kay Andrei.
Hindi 'to pwede.
"Ma! Tara na po, nagugutom na'ko ano po ulam." Pag iiba ko sa usapan. Sinikap kong hilain ni mama para makapasok na kami pero ayaw n'yang mag pahila.
"Teka pa'no ito si pogi? Hinatid ka pa naman n'ya." Turo n'ya kay Andrei
"Ah. Andrei, dito kana samin kumain."
Halos manlumo ako ng marinig ang pag aya ni mama.
Bakit?!
"Ah sige po tita, actually nagugutom na nga po ako eh." Humawak pa ito sa tyan n'ya
Bwiset ka talaga Andrei!!
Wala na akong nagawa ng hawakan s'ya ni mama at sabay silang pumasok sa loob.
Sa lamesa kami dumeretso. Doon ay nakahanda na ang mga pag kain na iniluto ni mama. Mukhang kaka handa lang din sa mga iyon.
Dinagdagan ni mama ang nakahandang pinggan para kay Andrei.
"Ay nga pala hijo, Ako pala si Mrs Patche Fontenilla." Pakilala ni mama
"Kilala ho na kayo, Mrs Fontenilla." Nakangiting sagot ni Andrei
Nangunot ang noo ko, pa'no?
Nabalin ako sa lamesa at sa bilang ng pinggan ay alam kong andito na pati si papa.
Nakumpirma ko na nga iyon kasabay ng pag lakas ng kaba sa dibdib ko ng makitang bumaba na si papa kasunod si Andrew.
"Ang bango talaga ng luto mo hon--"
Nahinto ito sa pag sasalita ng tuluyan ng makita si Andrei pag baba n'ya.
"Sino ang binatang 'to?" Turo n'ya na nga rito.
"Ay honey. Kaibigan s'ya ng anak natin. Inihatid n'ya lang si Patty...inalok ko ring kumain."
Saglit na tinignan ni papa si Andrei.
"Hello po tito. Nakilala ko narin po kayo sa wakas ni Mr. Liandrew Fontenilla." Nakangiting bati nito bago ibinaba ang tingin kay Andrew.
"...at s'ya na siguro iyong nakakabata mong kapatid. Hi Andrew! Ang gwapong bata ng kapatid mo Patreng." Balin n'ya sa'kin.
Gaya nila papa ay nagulat rin ako.
Paanong nakilala n'ya ang pamilya ko kung ito ang unang beses na nag punta s'ya dito sa bahay.
"Kung nag tataka po kayo. Naikwento napo kayo lahat sa'kin nitong si Patreng. Alam n'yo po bang nakapabait netong anak n'yo." Turo n'ya sa'kin.
Ano? Wala akong kinukwento sa kanya.
Nakita ko kung paano s'ya tinignan ni papa ng matagal bago nangiti.
Patay na.
Nang makaupo at mag simula na kaming kumain ay naging okay naman. Kahit pa sobra na ang kaba ko dahil sa kupal na Andrei na'to.
Gusto ko na ngang mag pakain sa kinauupuan ko dahil sa mga tanong ni papa tungkol kay Andrei.
"Ikaw kamo si Andrei Canillas? Ibig sabihin ay ikaw ang anak ni Mr Anvier Canillas, iyong may-ari ng Vogue Entertainment." Napainom ako ng tubig sa tanong ni papa.
Bumalin ako kay Andrei ng gulat
Sa kanila 'yon? Iyong Vogue Entertainment na sikat dahil sa mga kilala ring artist ang under doon?
Ba't hindi ko alam? Gano'n ba ako ka walang pake sa kanya.
Nahawak si Andreii sa batok n'ya.
"Opo. He's my dad." Tipid na ngiti nito.
"Kaya pala parang nakita na kita. Madalas iyong dad mo sa Real Estate na pinag tatrabahuan ko. Ang alam ko'y malapit na kaibigan n'ya ang amo ko." Kweto pa ni papa.
Isa kasing security guard si papa.
Tipid na nangiti lang si Andrei at hindi na sumagot. Bakas sa kanya na ayaw n'yang pag usapan ang daddy n'ya na alam ko na kung bakit at mukhang napansin din 'yon nila papa.
Saglit na nabalot kami ng katahimikan bago muling nag salita si papa.
"So, Ga'no na ba kayo katagal magkakilala nito ni Patricia? Pa'no kayo nag kakilala? ...Mag kaibigan lang ba talaga kayo, Ilang beses mo na hinahatid s'ya dito, May gusto kaba sa anak ko?"
Halos mabulunan kami pareho ni Andrei sa sunod-sunod na tanong na'yon ni Papa
"Pa.." tawag ko pa sa kanya.
"Oh hon, dahan-dahan lang baka naman mabulunan si pogi." Natatwang sabat ni mama.
Nag katitigan kami ni Andrei. Mabilis na nakaramdam ako ng kaba sa may laman na titig na'yon ni Andrei
"Actually sir, I'm ...her boyfriend."
Nanlaki ang mata ko at alam kong gulat din sila sa nasabi ni Andrei.
Potspa!!
"Ano!! " Sabay na sabi nila mama.
"Boyfriend ka ni Ate, Akala ko ba si kuya Kervin gusto n'ya?" Sabat ni Andrew
"Andrew... " Suway ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit tila binalot kami ng katahimikan.
Kapwa lang kami nag tititigan.
Patay na talaga ako netooo!
Nang matapos kami ay agad na hinila ko na palabas si Andrei.
"Ang galing mo umarti noh. May future ka sa pag aartista. " inis na sabi ko ng bitawan ko s'ya ng makalabas na kami.
"Well, actually ang dali nga lang eh." Pag mamalaki pa nito.
"Baliw ka talaga! " Sa inis ay nahampas ko s'ya na agad naman n'ya ininda.
"Aray! Ba't kaba nananakit?--"
"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko s'ya atsaka pumasok sa loob.
"Wala ba'kong goodbye kiss." Rinig ko pang panghabol na asar n'ya.
Mabilis na sinara ko ang gate. Maya-maya rin naman ay narinig ko na ang engine ng kotse n'ya saka pinaandar iyon paalis.
- THIRD PERSON'S POV -
"Hey! Asan ka, Chairman Jo called me says you're already here...Pupuntahan kita, where are you?" Bungad ng binatang si Andrei ng sa wakas ay sagutin n'ya na ang tawag.
Makailang beses rin itong nag tangkang tumawag dito.
"Ang sweet naman ng half brother ko kaso lang... Ayaw pa kitang makita." Nainis ito ng marinig ang pagtawa sa kabilang linya.
"H-Hoy! Sinasabi ko sa'yo umuwi ka sa bahay ah. Pag hindi--"
"Aish! Kaya ayoko na sanang umuwi eh. Daig mo pa si mom... Hindi pa nga tayo nagkikita binubulyawan mo na'ko "
"Asan ka ba kasi pupuntahan kita."
"There's no need ako nalang ang pupunta sa'yo but not now --"
"No! Teka-- hello? Hello--bwisit!" Inis na ibinato nito ang phone n'ya sa lamesa na nasa harap n'ya.
Sakto ang pag bukas ng pinto at iniluwal nito ang kaibigan na si Bernard.
"What's with that frown face bro. Aren't you happy to see me?" Natatawang bungad nito atsaka umupo sa couch.
"...Anong oras na ah. Hindi ka ba papasok?" Dugtong pa nito.
Hindi s'ya nito sinagot at nahawak nalang sa noo dahil sa inis.
"Anong problema?" Muling tanong ng binata na ngayon ay seryoso na.
Saglit na natahimik si Andrei bago napa buga ng hangin.
"Si Hyde... Andito na s'ya."
Mabilis na napaayos ng upo si Bernard
"A-Ano! Si Hyde?!" gulat na reaksyon n'ya
"Oo, hindi pa nga kami nag kikita pinapasakit n'ya na agad ulo ko."
"Akala ko ba mag tatagal na s'ya sa korea, na doon na s'ya mag papatuloy ng pag aaral?"
"Yon din ang akala ko. Ang gago, umuwi."
"Patay." Walang ibang naisagot ang binatang si Bernard kundi ang salitang 'yon
Tumayo na si Andrei.
"Mauna kana sa University. May susunduin lang ako." Sambit nito atsaka tumalikod na para umakyat.
- LIANNE PATRICIA -
Maaga akong nagising para maabutan si papa bago 'to pumasok.
Simula kasi kagabi ay hindi pa ako nito kinakausap.
Mabuti na lang talaga at nakausap ko na s'ya ng matino ngayon.
Humingi ako ng tawad dahil sa nasabi ni Andrei. Alam kong hindi ko narin naman mababawi ang nasabi n'ya kaya pinanindigan ko narin.
Mabuti nalang at naintindihan naman nila ako ni mama. Matanda naman na daw ako para sa pakikipag relasyon.
Nabigla lang daw talaga sila na may ibang boyfriend na'ko gayo'ng ang alam nila ay si Kervin ang gusto ko.
Gusto kong sabihin na hanggang ngayon naman ay si Kervin parin ang gusto ko pero wala na akong magagawa.
Sinabihan pa nila ako na sa susunod daw ay alukin ko daw ulit na dito kumain si Andrei para daw mas makilala nila 'to.
Nainis ako ng maisip na ngayon palang ay gusto na nila si Andrei para sa'kin.
Napabuntong hininga ako ng makalabas sa maliit naming gate.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Andrei na naka sandal sa kotse n'ya at mukhang kanina pa ako inaantay. Mabilis na nag lakad ako palapit sa kanya.
"Ba't ka andito?" Inis na bungad ko.
"Ano pa, edi susunduin ang girlfriend ko."
Gusto kong matawa s'ya sagot n'ya.
"Damang-dama mo talaga pagiging boyfriend ko noh?" Sarcastic na sagot ko.
"Kunware ka pa, 'E alam ko namang gustong-gusto mo ring maging girlfriend ko." Ngisi n'ya.
Masasapak ko na talaga 'to!
Mag sasalita pa sana ako ng hilain n'ya nako papasok sa kotse n'ya.
"Andami mo pang arte, male-late na tayo." Sabi n'ya.
Nag makarating na kami sa University ay agad na nag park si Andrei.
Baba na sana ako ng kotse ng bumaba na si Andrei ng makita kong andaming tao at sa kanya lahat ito nakatuon.
Sheyt! Bababa pa ba ako?
Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Baka magalit sakin ang mga babaeng nag kakagusto sa kanya at sugurin ako.
Sa kakaisip ng kung ano-ano ay hindi ko namalayang andito na pala si Andrei sa gawi ko at pag buksan ako ng pinto.
"Ano wala kapang balak pumasok? Gusto mo jan ka nalang mag aral, Late na tayo oh. " Iretableng tumingin pa ito sa relo n'ya.
Wala na'kong nagawa kundi ang hawakan ang kamay n'ya inilahad n'ya sa harap ko para alalayan ako palabas.
At nang tuluyan na nga akong makalabas ay doon ko nakita ang mga gulat na mukha ng mga taong nakatingin samin.
Hindi ko man naririnig ang mga bulungan nila ay alam kong hindi nila nagustuhang kasama ako ni Andrei.
Napakarat ako sa pang ibabang labi ko ng makarinig ako ng salitang 'malandi' pakiramdam ko ay may tumusok sa likod ko dahilan para bumaba ang pagkatao ko.
Daglian akong nakaramdam ng inis ng makitang nakahawak pa pala s'ya sa kamay ko.
Tinanggal ko ang pag kakahawak n'ya sa'kin atsaka aalis na sana.
Nagitla ako ng muling hawakan n'ya ang kamay ko dahilan para mapabalik ako sa pwesto ko kanina saka n'ya ako inakbayan.
"And where do you think you're going, Dito ka sa'kin." Malambing na sambit n'ya.
Bubuka pa sana ang bibig ko para kontrahin s'ya ng unahan n'ya ako.
"Hey! Sa lahat ng taong andito... Gusto kong malaman n'yo na, This Girl? She's my Girlfriend" Sigaw nito sa buong ground.
Nakita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig. Doon narin lumakas ang mga bulungab ng iba. Ang iba ay natuwa pero mas maraming hindi maganda ang naging komento.
Jusko! Lupa pwede mo na akong kainin.
Nang makarating na kami sa floor ng room namin ay marahas na inalis ko ang pagkakhawak n'ya.
"Bakit, Love?"
"L-Love? Nababaliw kana!" Inis na singhal ko.
"Do I really have to tell you that I am not getting crazy?"
"Sige! Gusto mo maging tayo, Sige sayo na'ko. Ikaw din naman ang susuko sa katangahang ginagawa mo." Singhal ko pero nangiti lang s'ya.
"Well, welcome to a relationship, bitch." Preskong sagot nito na ikina inis ko.
Tinalikuran ko s'ya atsaka nagtungo sa restroom.
Pag pasok ko dun ay agad na humarap ako sa reflection ko sa salamin.
"Patricia masamang panaginip lang 'to magigising ka din. Oo! 'Wag kang mag alala." Pinag sasampal ko sarili ko kahit pa alam ko naman talagang totoo ito.
"Anong 'wag mag alala, Patty?" Nakita ko mula sa reflection ng salamin si Desiree na mukhang naguguluhan.
"D-Desiree, Kanina ka pa?" Kabadong tanong ko.
"Not actually, but I heard what you just said." Tapad na sagot n'ya. Hindi ko na s'ya sinagot at pinanood na lapitan ako.
"...Anong ibig mong sabihin do'n?"
"Ah-Eh...Wala."
Hindi ko magawang tignan s'ya sa mismong mata n'ya.
"Weh. Dahil ba sa kayo na ni Andrei, Kasi sa mga babaeng nag kakagusto sa kanya? Lahat 'yon siguradong galit sayo. Pero Ayyiiiee! sila na, sabi na eh. May something na mabubuo sa inyo ni Andrei." Mahinang siniko n'ya pa ako.
"H-Hah, Pa'no mo alam?"
Hindi ko naman kasi s'ya napansin kanina doon sa school ground
"Ano kaba. Ando'n kaya ako, narinig ko announcement ni Andrei, Actually ando'n din kanina si Kervin kaso umalis na rin s'ya dahil may gagawin pa daw kasi s'ya eh. Ang sweet talaga ni Andrei sa Girlfriend n'ya."
Agad na nanlaki ang mata ko.
Si Kervin, narinig n'ya iyon?
Mabilis na tumalikod ako ng maisip na kailangan kong kausapin si Kervin.
Narinig ko pa ang naging pag tawag ni Desiree pero hindi ko na s'ya pinansin pa.
Hingal na nakarating ako sa room. Bumuga pa muna ako ng hangin para kumuha ng lakas ng loob pra kausapin si Kervin ng makitang tahimik lang itong nakaupo sa upuan n'ya.
Mabagal akong nag lakad palapit sa kinauupuan n'ya. Nakaramdam aki ng hiya dahil sa mga ilang matang nakatingin sa'kin.
"K-Kervin?" Tawag ko sa kanya ng makarating na ako sa harap ng upuan namin.
Ngumuti ito pero bakit parang pilit lang ang mga iyon?
Ilalapag ko nalang sana iyong bag ko para makaupo na ay.
"Jan ka talaga uupo? Baka mag selos ako." Malakas na sabi ni Andrei mula sa likod.
Nakita ko itong nakanguso. Narinig ko rin ang ilang tuksuhan ng mga classmate namin na
"Sige, Lianne. dun kana umupo, tabihan mo na boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Kervin.
Nakaramdam ako ng kirot ng maisip na parang pinagtulakan ako ni Kervin kay Andrei.
Wala na akong nagawa kundi ang lumipat ng upuan sa tabi ni Andrei. Umayos naman s'ya ng upo at pinatong yung kamay n'ya sa sandalan ng upuan ko kaya parang naka akbay s'ya sa'kin.
Nakakainis s'ya.
Hindi ko s'ya pinansin buong subject namin dahil sa inis sa kanya. Paminsan minsan din ay napapalingon ako kay Kervin na tahimik lang na nakikinig sa prof.
Nang mag lunch break ay inalok ako nina Desiree na sumabay na muna sa kanila. Lagi naman gano'n ang sitwasyon t'wing lunch break dahilan para hindi ko na makasama si Kervin. Lalo pa ngayon na ipinag sigawan na ni Andrei na girlfriend n'ya ko.
Naiinis talaga ako sa kanya pero wala akong magawa. Mabuti na nga lang at sina Desiree at Nalliah lang ang kasama ko dahil ipinatawag s'ya ng Daddy n'ya sa secretary n'ya, Hindi ko s'ya makakasama.
"Oh, babe. What happen, Ba't ganyan itsura mo?" bungad ni Desiree nang naka upo na si Bernard.
Hindi s'ya pumasok ng ilang subject at mukhang kakarating lang n'ya dito sa University.
Nag buntong hinga muna ito bago umayos ng upo
"Si Hyde, he's back."
"Ha? Si Hyde?!" gulat na pag uulit ni Desiree
Bakit parang ang oa naman ng reaksyon nila?
Ilang beses ko naring naririnig ang pangalan ni Hyde sa mga kwentuhan nila pero sino ba talaga s'ya?
Nanlaki ang mata ko ng maalalang narinig ko rin ang pangalang iyon sa naging pag uusap ni Andrei at ng dad n'ya.
"Nag kita na kami last night." Sabat naman ni Nalliah ng uminom ng tubig.
"S-Sino si Hyde?" Hindi ko na napigilang maitanong iyon. Kahit pa may ilang detalye na akong nalaman tungkol sa kanya.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya ng sabay silang tatlong tumingin sa'kin.
"Kalandian mo si kuys Andrei diba? Ba't hindi mo kilala si Hyde?" Sarcastic na sagot ni Nalliah.
Ba't pakiramdam ko ayaw n'ya sa'kin?
"Nalliah..." hinawakan s'ya ni Desiree sa braso dahilan ng pag kairap n'ya.
"...Patty kasi... Hyde is Andrei's brother." Paliwanag sa'kin ni Desiree.
Hindi ko na nagawang magulat dahil nalaman ko na ang bagay na'yon kahapon.
"Ah gano'n. Eh sino palang mas matanda sa kanila, Si Andrei?" Sunod na tanong ko.
Muli na naman akong binalot ng hiya ng sabay-sabay na naman silang bumalin sa'kin at akapin kami ng katahimikan bago ko narinig ang sarcastic na tawa ni Nalliah habang umiiling.
Napainom nalang ako ng juice
"Ah eh kasi patty...M-Mag ka edad lang silang dalawa."
Sa bigla ay kamuntikan ko pang mabuga ang ininom ko sa sinabi ni Bernard. Agad na kinuha ko iyong inabot ni Desiree na tissue.
"A-Ano, Paanong--" Nahinto ako sa sariling sinasabi. Alam ko na kasi ang sagot.
Nakita kong tumango si Bernard.
"Kung ano man ang naisip mo, oo gano'n na nga."
Tama pala ako, Si Hyde na tinutukoy nila ay anak ni Mr. Anvier sa ibang babae. May kapatid si Andrei sa labas.
"Pero kahit gano'n... Buong mag kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Sobrang close ng dalawang 'yon." Sabat naman ni Bernard
"...Actually, Hyde is Nalliah's bestfriend. Right, Nalliah?" Bumalin ito kay Nalliah na kaka subo lang ng pizza.
Ngumiti ito saka tumango. Nangiti rin ako dahil sa ang cute n'ya sa oras na'yon.
"Pero sobrang mag kaiba ugali nila as in sobrang opposite talaga, si Hyde kasi jusko! sobrang playboy nu'n laging sumasakit ulo ni Andrei dahil sa kanya buti nga kasi pina uwi s'ya ng lolo n'ya sa Korea para doon na muna mag aral pero...Eto nag babalik s'ya. " Napairap ito pagkatapos ng pag buntong hininga.
Base sa mga mukha nila talagang sakit sa ulo iyong si Hyde
"Mabait naman 'yon si Hyde as a 'friend'... Just don't let your heart be stolen by a demon like him. Literal na mawawasak ka." Sabat ni Nalliah bago ito natawa.
"Ano kaba, Nalliah. Her heart's already stolen by Andrei na noh. Right, Patty?" Kinikilig na duro n'ya sa'kin
Gusto kong kontrahin ang sinasabi n'ya kaya lang naalala kong hindi pala nila alam ang nasa likod kung bakit natitiis kong samahan ang kaibigan nila.
Hindi si Andrei ang gusto ko kung hindi si Kervin pero wala akong magawa.
"Basta mag ingat ka kay Hyde. He's a seducer." Paalala sa'kin ni Bernard bago isinubo ang straw at sumipsip sa juice.
"He'll going to do anything just to seduce the girl." Dagdag ni Desiree.
"And he's already here." Rinig kong mahinang sambit ni Nalliah habang naka ngisi.
Mabilis na napalingon ako sa bandang likod ko ng makarinig na isang sigaw mula sa isang babae kaharap ang isang lalaking nakatalikod mula samin kaya hindi mo makita ang mukha n'ya.
Nahawak ako sa bibig dahil sa bigla nang isang malakas na sampal ang lumatay sa pingi ng lalaki iyon. Hindi ko man nakita ang mukha n'ya ay alam kong mabilis na namula iyon dahil sa lakas.
"You jerk! How dare you do this to me?! You said you love me, you said I'm the only one!"
Hinimas nu'ng lalaki ang pisngi n'ya na tila hindi ininda ang sakit.
Parang sanay na s'yang nasasampal.
"Ouch?" Kunwaring nasaktan na sabi n'ya
"...But darling, I was born to spread lies." Maamo pa nitong dagdag bago natawa.
"You f**k! Akala ko mahal mo'ko?!" Halos maiyak na sigaw ng babae.
Hindi ko man nakikita ay alam kong sumeryoso ang mukha nung lalaki ng saglit na tumahimik ito.
"Akala ko rin..." saad n'ya na animoy sinisimpantya iyong babae bago muling bumalin rito.
"...False alarm lang pala." Ngisi nito.
"You!!!"
"O-Oh! One is enough." Pigil n'ya ng akmang sasampalin na naman s'ya nito.
Humalakhak ito bago iniwang naka awang ang bibig ng dalaga.
Nang humarap na ito samin ay ngumiti ito saka kumaway sa gawi ko.
Tila nag slowmo ang lahat ng tuluyan ko na ngang makita ang mukha n'ya.
S'ya?
"Guys!! Musta, miss me?" Masayang bati n'ya kila Bernard ng tuluyan na itong makalapit sa table namin.
"Ikaw?!" Malakas na sigaw ko ng duruin s'ya dahilan ng pagkagulat n'ya.
"What?" Mabilis na nanlaki ang mata n'ya ng ituro ko s'ya. Nakita ko kung pano tila may naubong detalye sa utak n'ya bago hinawakan ang pisngi na tila panangga.
"...H-Hey, kung isa ka sa mga babaeng nakasama ko some where, please lasing ako nu'n... Ikaw unang lumandi at 'wag mo'kong sampalin dahil mapula pa 'tong pisnge ko." Paliwanag n'ya na ikinangunot ko.
Pinag sasabi neto?
"Mag kakilala kayo?" Takang tanong ni Bernard
"Sure ako, Isa si Patricia sa mga nagoyo n'yan ni Hyde." Natatawang sabat ni Nalliah. Alam ko namang biro n'ya lang iyon.
"I didn't even know her, seryoso." Masyadong defensive na sagot n'ya na nanlalaki pa ang mata.
"Eh lahat naman ng nilalandi mong babae hindi mo kilala." Sabat ni Desiree.
Pinanood ko kung pa'no tila napa isip pa ito bago ako iduro.
"Ow! I remembered na... You're that girl in the convenience store right? What a small world...I'm sorry ulit about what had happened ah. Nag mamadali lang kasi talaga ako." Natawa pa ito dahilan ng pag kainis ko.
Masama ang naging pag titig ko sa kanya bago ko putulin 'yon.
Agad na kinuha ko ang bag ko para kunin ang isang bagay na pag mamay-ari n'ya.
"Oo ako 'yon... At ako rin yung babaeng kamuntikan mo nang mabundol at basta nalang iniwan sa kalye! Sa'yo na 'yang pera mo!" Sigaw ko sa mismong mukha n'ya.
Nakita ko kung paano nag bago ang expression ng mukha n'ya bago ko ibato sa kanya ang isang libo n'ya.
"...Hindi ko kailangan ng pera mo!" Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko bago mag lakad paalis.
Hindi ko maitago ang galit ko...ang lalaking 'yon.
Pinaalala nya sakin ang aksidenteng nangyari sakin dalawang taon na ang nakakalipas.
Yung panahong unang beses akong na hit and run... akala ko nang mga oras na 'yon ay mamatay ako.
Nahinto ako sa corridor at naupo sa bench doon ng makaramdam ng hapdi sa tuhod ko.
Tinupi ko pataas ang p.e pants ko at mangiwi ng makitang muli na namang nagdugo ang tuhod ko.
Siguro ay sa pagtakbo ko ito.
Agad na kinuha ko ang baon kong first-aid kit atsaka nilinisan at pinalitan ang balot ng sugat ko.
"Hey, what happen to this."
Mabilis kong iniwas ang tuhod ko ng akmang hahawakan ni Andrei na biglang sulpot at lumuhod sa harap ko.
"Wag mo'kong hahawakan." Hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko dahil sa inis.
"I am asking you. Who did this?" Kita ko ang pag aalala sa mukha n'ya pero wala akong naramdaman kundi mainis.
"At anong gagawin mo pag sinabi ko, Why are you suddenly pretending to be good? It doesn't suit you." Inis na bulalas ko.
Saglit na nayuko s'ya para putulin ang pag kakatitig ko sa kanya ng masama.
Nagpakawala pa ito ng hangin ng tumingin sa ibang bahagi nitong corridor bago bumalin na muli sa'kin.
"Hays. Ikaw talaga--" mabilis na hinawi ko palayo sa'kin ang kamay n'yang akmang hahawakan ang pisngi ko.
Kita ko sa mata n'yang hindi n'ya nagustuhan ng ginawa ko.
"Mag kapatid talaga kayo no? Ikaw rapist, s'ya walang modo at konsensya-- ay hindi, pareho pala kayong walang konsensya." Tumayo ako atsaka nag lakad papalayo sa kanya.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng muling maramdaman ang hapdi sa tuhod ko.
Ang totoo'y hindi ko rin nagustuhang nasabi iyon sa kanya. Nadala lang ako ng galit pero alam ko rin naman hindi kona kayang bawiin ang lahat ng nasabi ko.