Kabanata 17: If only.

1051 Words
LIANNE PATRICIA'S POV Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Isang oras na napaaga ang pagpasok ko kaya nag lakad-lakad pa muna ako sa buong University. Napabuntong hininga ako ng maalala iyong nangyari kahapon. Naguguluhan parin ako. Mismi sa sarili ko ay nag tataka ako. Unang beses akong nakaramdam ng galit kay Kervin kahapon. Papasok na sana ako sa palikong daan ng mabilis na mahinto ng makita si Nalliah kaharap ang isang lalaking may hawak na box na ang palagay ko'y nag lalaman ng cake. "P-Para sa'yo 'to N-Nalliah." Bakas ang pagka kaba sa lalaking 'yon. "Hindi ako kumakain ng cake." Walang ganang sagot nito. Naawang ang bibig ko sa inasal n'ya. Alam ko kung gaano n'ya kagusto ang mga desserts lalo na ang cake. "G-Gano'n. Kailan pa?"Bakas ang pagkakaba sa lalaking nakaharap kay Nalliah "Ngayon lang, Simula makita ko 'yang nakakasuka mong mukha!" Inis na singhal nito sa kaharap. Grabe s'ya. Ba't ba galit na galit s'ya? Gwapo naman iyong lalaking nasa harap n'ya at mukhang anak mayaman din. Hindi nakapag salita ang binata. Pinatunog ni Nalliah ang bibig n'ya bago tinalikuran ito at sana aalis na. "Nalliah mahal kita!" Kumuha ito ng lakas ng loob para masabi iyon. Nakita ko kung paano napuno ng inis ang mukha ni Nalliah ng marinig iyon. Nangisi ito bago muling humarap sa binatang mabilis na pinalibutan ng kaba. "Mahal? Are you even aware of what you were saying, maybe no kasi bobo ka!" Singhal nito bago hinablot iyong box at buksan iyon. Naawang ang bibig ko ng makita kung paano itinapon nya ang hawak sa mismong mukha ng binata. "I think mas need mo 'yan. Tsk, gaya n'yang sinasabi mo... wala ka ring kwenta." Sambit nito bago nag lakad na paalis. Grabe talaga s'ya. Nakapa maldita. Ilang segundo ko pang pinanood kung paano matulala ang kaawa-awang binatang 'yon bago sana tumalikod na para umalis ng makita ang mukha ni Desiree na napapailing. Kanina pa ba s'ya jan? °°° "Hays. Masanay kana kay Nalliah... Ganyan talaga s'ya kadragona pag may lalaking umaamin sa kanya." Bungad ni Desiree ng makarating na kami sa tambayan nila. Inabutan n'ya ako ng milktea. Sa pag sasalita n'ya ay bakas na sanay na nga itong makita ang ganito. “Ba't ba kasi gano'n s'ya? Manhater ba s'ya?” Tanong ko. “Hindi naman, siguro ayaw n'ya lang talagang may nag sasabi sa kanya na mahal s'ya ng mga ito.” Sagot n'ya. “Pero bakit? Ayaw n'ya bang mainlove?” Hindi ko na talaga maitago ang pag ka curious. Maganda si Nalliah, lahat ng lalaki pwedeng mag kagusto sa kanya. Kaya lang ang ugali n'ya. Masyado s'yang maldita. "Ang alam ko ay minsan ng nagkagusto iyan si Nalliah sa isang lalaking mas matanda sa kanya..first love n'ya yon." Mabilis na utinuon ko ang paningin ko kay Desiree at inantay ang sunod n'yang sasabihin. "... Yung bestfriend ni Revil Aungtrias na si Jerville Tejada... Kaso naging complicated 'yon kasi matagal narin palang may gusto iyong half sister ni Nalliah na si Neia Vasquez doon kay Jerville... ewan ko nga eh.... Ang gulo kasi ng love triangle nila noon dahil wala naman sa kanilang pinili si Jerville dahil ang gusto nito ay yung girlfriend ni Revil na si Claire.." Paliwanag nito matapos sumimsim sa hawak na inumin. Naawang ang bibig ko dahil sa pag kagulo. Kilala ko si Neia Vasquez, Half sister ni Nalliah minsan ko naring nakita iyon at masasabi kong iba ang ugali n'ya sa nakakabatang kapatid. Pero yung ibang mga pangalang nabanggit ay hindi ko mga kilala. "Ang gulo no?" Mabilis na tumango ako sa kanya kaya natawa s'ya. "Basta... mahirap ikwento kasi wala rin naman ako doon... Ang alam ko lang ay iyon ang dahilan ni Nalliah kaya s'ya nag palipat dito sa University at simula noon nag bago narin s'ya." Ngumuso ito. "Pano'ng nag bago?" Pagtataka ko. "Actually. Hindi ganyan si Nalliah, dati sobrang kulit at masiyahin n'yan. Sobrang sweet rin sa lahat ng mas nakakatanda sa kanya lalo na sa half sister and brother n'ya." Inilapag nito ang hawak na inumin sa lamesa "..... Ang gulo nga eh. Kasi ang alam ko ginawa n'ya lahat para makalimutan na ni Jerville yung love n'ya para sa girlfriend ni Revil and nag success 'yon pero in the end...Kay Neia pala magiging malapit ni Jerville. Well, siguro naguluhan rin s'ya lalo na magkapatid 'yong may gusto sa kanya." "Bakit hindi s'ya yung pinili nung Jerville? Ibigsabihin iyong ate n'ya na si Neia ang gusto na nu'n?" "Ang alam ko, Si Nalliah yung mahal ni Jerville pero hindi s'ya yung pinili neto. Kaya ayon, sobrang nasaktan ang bunso ng Mercader Group." Ang sakit nga no'n. Ngayon naiintindihan ko na si Nalliah kung bakit ganyan nalang s'ya kagalit sa mga lalaking nag sasabing mahal s'ya. ------------------------------------------ [ A/N: Please read Heartless & Cold-Hearted Gang Leaders for you to know what's Desiree talking about.] ------------------------------------------ Matamlay na nilakad ko ang corridor. Kakatapos lang ng subject kong calculus at napagalitan ako ni sir dahil nahuli na nga ako sa klase n'ya ay nahuli pa ako nitong hindi nakatingin sa kanya habang nag tuturo. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko parin ang naikwento sa'kin ni Desiree iyon pala ang dahilan kung bakit nag kakagano'n s'ya Lunch break na ngayon at papunta na sana ako ng cafeteria ng mahinto ng makitang makakasalubong ko si Hyde. Mabilis na tumalikod ako para sana iwasan s'ya pero mukhang mabilis rin s'ya. "Oops! Sa'n ka pupunta, baby." Hawak n'ya sa bag ko dahilan para hindi ako makaalis. Mabilis na inalis ko ang pag kakahawak n'ya. "Ano ba! 'Wag mo nga akong matawag-tawag na baby." Inis na singhal ko bago inayos ang sarili. "Okay fine, baby." Asar pa nito bago nangisi. "Samahan mo naman ako oh. I need you." Nag paawa pa ito at gusto kong masuka sa pag papaawa n'ya. "A-Ano? Ayoko nga!" Singhal ko ulit bago sana lalagpasan na s'ya ng hawakan n'ya ang kamay ko. Inis na binalingan ko s'ya ng tingin pero nawala rin ng makita ko ang dagliang pag bago ng expression ng mukha n'ya. "Please." Seryoso nitong saad. Napabungong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa, Isa pa may utang ako sa kanya. Dahil sakin kaya nya nakuwa ang pasa sa mukha nya. “Osige na.” Iretableng sagot ko na ikinangisi n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD