- ANDREII KIYEN'S POV -
Sabay na nag lalakad kami ni Bernard para sana mag tungo na sa susunod na subject matapos tumambay sa likod ng University na nakagawian na naming puntahan.
Nagbibiruan pa kami sa daan ng matahimik ng sa paglalakad nang makasalubong namin si Kervin.
Lalagpasan nalang sana namin ito at mag kunwaring hindi s'ya nakita ng mag salita ito ng saktong dalawang hakbang na ang pagitan namin ng lagpasan namin s'ya.
"What did you do to her?" Sambit n'ya na ikina hinto ko pati narin ni Bernard.
Nangunot ang noo ko bago bumalin sa nakatalikod paring si Kervin
"Pano'ng naging kayo ng gano'n ka bilis, sa loob ng maikling panahon--She didn't even know you." Dugtong pa n'ya nang pumihit narin ito paharap samin.
"Ba't hindi s'ya ang tanungin mo?" Natatawa pang sagot ko.
"I know Lianne well, She's not interested in dating, Why would he date a person like you?" Dito ay kita na ang inis sa tono n'ya dahilan ng pag kangisi ni ko.
"And who does she wants, you?" Natatawang sagot ko. Nakita ko na parang may iba sa mga tingin n'ya ng marinig ang sinabi ko.
Nangisi nalang ako atsaka isinuksok ang kamay ko sa bulsa.
"I know you don't own her heart that completely." Nang marinig ko iyon ay ako naman ang nag bago ng expression. Nawala ang ngisi sa labi ko.
Alam n'ya kaya? Paano n'yang nasabi 'yon?
"...Alam kong hindi pa s'ya tuluyang naaattach sa'yo dahil kailan ka lang naman n'ya nakilala." Dugtong n'ya.
Nangisi muli ako dahil nawala ang kaba sa'kin.
"And so what? Pwede bang tumahimik ka nalang at layuan ang girlfriend ko?" Singhal ko mismong sa mukha n'ya na ikinangisi n'ya lang.
"Why do you become territorial to someone you don't even own completely?" Isinuksok n'ya rin ang kamay sa bulsa.
Naglakad pa ako papalapit pa sa kanya. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga n'ya.
"Magiging akin din s'ya ng buong-buo.Mag antay ka." Ngumisi ako bago naglakad papalayo
Nag lakad na ako hanggang sa malagpasan na s'ya pero.
"You moron." Nahinto ako muli. Alam ko sa oras na'to ay pumihit s'ya paharap sa'kin at bahagyang lumapit.
"... It's amusing how you killed her and ruined my life yet you act all nice in front of others, like you're virtuous, righteous and perfect." Narinig ko ang pasinghal na ngisi n'ya.
Sa oras na iyon ay nakaramdam na ako dagliang inis matapos maramdaman ang kirot nang ipaalala ni Kervin ang bagay na gusto-gustong ko nang makalimutan.
"Hey, don't you hear a dog yapping?" Nakuyom man ang kamao ay nagawa ko paring umaktong hindi tinablan.
"Andreii ..."
Naramdaman ko ang pag tapek sa braso ko ni Bernard pero hindi ko iyon pinansin atsaka muling hinarap si Kervin na ngayon ay nakangisi.
Ganito na ba talaga kalaki ang galit n'ya sa'kin?
Napatunog nalang ni Bernard ang bibig n'ya. Alam rin naman kasi nito na hindi n'ya rin kami kayang awating dalawa pag nag simula na kaming mag kainitan.
Naglakad rin ako ng kaunti papalapit sa kanya.
"Sa susunod, iwasan mong mag salita pag nakatalikod ako...Lalo mo lang pinapatunayang likod ko lang ang kaya mong maabot eh." Ngumisi ako.
"....Sabagay, how can be a garbage like you become perfect? Tch." Panunuyang dugtong ko pa.
Natawa ito na para bang isang malaking biro ang narinig.
"Perfect... like you?" Sumeryoso ito.
"...Well, no thanks. Because honestly, being garbage is better than being a deceiver."
Ngumisi ito.
"...A deceiver like you, who'll do everything just to become a damn perfect."
Hindi ko alam pero sa oras na'yon ay tila nag sara ang bibig ko dahilan para wala akong masabi.
Nakita ko ang muling pag ngisi n'ya kasama ang titig na hindi ko gustong makita mula sa kanya.
"Isn't fun to play the perfect in front of others like you didn't killed someone?" Ngisi ni Kervin na nakapag patikom sa bibig ko.
"Hey, you're crossing the line." Awat ni Bernard dito pero walang ganang binalingan lang s'ya nito ng tingin.
"Why, Bernard? May nasabi ba akong mali, hindi ba't totoo naman." Giit nito bago muling bumalin sa'kin.
"That hoaxer you all calling perfect killed her." Duro nito sa'kin na ngayon ay tila isang pipe.
"...Every single day, I killed you countless times in my mind, Andrei!" Sigaw nito habang dinuduro ako.
- LIANNE PATRICIA -
Nag lalakad na ako para pumunta sa next subject ko. Masaya ako ngayon ng maisip na classmate ko sa subject nayon si Kervin.
Nahinto ako sa pag lalakad ng maaninag si Kervin sa hindi kalayuan.
Ngumiti ako at sanang lalapitan na s'ya ng makita kung sinong kausap n'ya.
Si Andrei kasama si Bernard.
Anong pinag uusapan nila?
Base sa kilos nila ay mahahalatang nag tatalo sila.
Lalo pa ng makita kong galit na iduro ni Kervin si Andreii . Habang si Bernard ay nag aabang lang upang awatin ang dalawa kung sakaling magkasakitan na sila.
Akmang papalitan ko na sila ng may humila sa'kin pabalik.
Bubulyawan ko sana iyon kung hindi ko lang agad nakita ang mukha ng humila sa'kin.
"N-Nalliah." Tawag ko sa pangalan n'ya bago nag balik tingin kila Andreii.
"Wag mong tangkaing pumagitna sa dalawang 'yon." Sa'kin s'ya nakatingin at alam kong ang tinutukoy n'ya ay sina Kervin at Andreii .
Nangunot ang noo kong nakatingin sa mga mata n'ya.
"Ano bang pinag uusapan nila, bakit parang nag tatalo sila?" Tanong ko kahit na alam kong malabong sagutin n'ya ako.
"Basta. 'Wag ka nalang pakialamera." Singhal n'ya. Naawang ang bibig ko ng hilain n'ya ako.
Sa tambayan ng barkada nila ako hinila ni Nalliah.
Dito kasi sa loob ng University ay may tagong kwarto. Hindi lang ito basta kwarto, Malaking kwarto na kapag nakapasok ka ay parang pumasok ka sa isang malaking condo.
Andito na nga ata lahat ng kailangan mo.
Iba talaga ang nagagawa pag may pera ka.
Kakarating lang namin dito nang muling bumukas ang pinto at iniluwal nito si Hyde.
Tulad ng nakasanayan ko na ay mayroon na namang s'yang sariwang pasa at sugat sa mukha.
Patalon na umupo ito sa sofa at saka prenteng itinaas ang paa.
Nginiwian ko s'ya ng nakangalumbaba s'yang humarap sa'kin at ilabas ang nakakainis n'yang ngiti.
Kung may hawak lang akong matigas na bagay ngayon ay siguradong naibato ko na'yon sa mukha n'ya.
Nakangiwi rin si Nalliah na para bang s'ya ang nasasaktan sa mga nakikitang sugat sa kaibigan bago binuksan ang bag n'ya.
"Lumapit ka nga dito. Lalagyan natin ng ointment 'yang mga sugat mo." Alok ni Nalliah ng makuha ang gamot sa bag
Malawak na ngumisi si Hyde atsaka mabilis na tumayo.
"You're the best! How did you know I got beaten up?" Sambit n'ya nang makaupo sa harap ng kaibigan na ngiwi naman.
"Is there a day that you didn't?" Sagot naman ni Nalliah.
Pinanood ko si Nalliah na pahiran ng ointment ang mga pasa at sugat sa mukha ni Hyde.
Bakas sa kanila ang pagiging sobrang malapit sa isa't isa.
Nailing pero na ngiti rin ako ng maisip na may posibilidad na mahulog ang isa sa kanilang dalawa.
Mamaya ay pumasok na si Desiree sa pinto.
"Hi guyysss!" Masayang bati n'ya bago umupo sa tabi ko.
"Kainis yung prof ko sa calculus. Hays kahit kelan hindi talaga mawawala 'yong mga prof na wawasak ng buhay mo." Ngiwing kwento n'ya.
"Oh, Hyde. Got beaten up again?" Balin n'ya kay Hyde.
"Well, Paborito kasi ako ng mga pasa at sugat kaya ganon." Pag bibiro pa nito bago tumayo.
"Saan ka na naman pupunta?" Malakas na sigaw ni Nalliah ng tumakbo ito papalapit sa pinto.
"I'm busy man, I have a lot of girls to meet. "
Preskong isinuot nito ang shade n'ya bago ipinitik ang mga daliri paturo sa kaibigan habang naka ngisi.
"Ewan ko sa'yo." Nairap nalang si Nalliah.
Nabalin sa'kin ang paningin ni Hyde ibinaba n'ya saglit ang suot na shade para tignan ako sa mismong mata bago nangisi.
"Bye, Lianne." Nangiwi ako sa ginawa n'ya.
Ngayon ay dalawa na sila ni Kervin ang tumatawag sa'kin mula sa first name ko.
"Hays. Si Hyde talaga." Napapa-iling na sambit ni Desiree.
"Bakit ba lagi nalang may bangas mukha nu'n ni Hyde? Talaga bang pati frat ay pinapasok n'ya na, wala atang araw na hindi ko nakitang walang pasa sa mukha n'ya." hindi ko na napigilang maitanong iyon.
Nakita ko ang pag ngisi ni Nalliah. Sumimsim pa muna s'ya sa hawak na shake.
"He hates violence." Tipid at nakangiting sagot n'ya na ikinalaglag ng panga ko.
"H-Hates violence?! Iyon ba ang ayaw sa violence 'E halos wala ng pag lagyan ng pasa sa mukha niya--hays sinasayang lang niya mukha niya." Hindi ko maitago ang pag kagulat ngunit s'ya ay nanatiling kalmado.
"Dahil sa lolo niya 'yon. Laging ipinapabugbog ni Chairman Jo si Hyde sa secretary n'ya." Sambit ni Desiree.
"Pero sa pamilya n'ya si Chairman Jo lang ang pinakaclose sa kanya. I mean s'ya ang paboritong apo." Dugtong ni Nalliah
Chairman Jo? Iyon ang lolo nila Andrei.
Si Chairman Joauqin Canillas.
"H-Hah? Eh bakit n'ya ipinapabugbog si Hyde kung paborito n'ya 'to?" Hindi ko na talaga mapigilan ang pag tatanong.
"Para turuan s'yang lumaban pero lagi lang nag e-end up sa pangbubugbog sa kanya." Kita ko ang pagkalungkot na sa mata ni Nalliah.
"Bakit hindi s'ya lumalaban?"
Hindi ko talaga maintindihan.
"Ayaw n'ya. Gaya ng sabi ko, ayaw n'ya sa kaharasan...Ayaw n'yang maging gaya ng daddy n'ya." Sagot ni Nalliah bago nag buntong hininga.
"... Mr Anvier Canillas can't treat Hyde as his own son...Sa dalawang magkapatid ay si Andrei lang ang kinikilalang anak ni Mr Anvier."
Kawawa naman pala talaga si Hyde.
"Emotionally pain is more deeply than having a bruises and wounds. He would problaby choose to get hurt physically than being denied by his own father." Dugtong pa nito.
"B-Buti hindi nag kakaroon ng gap ang dalawang magkapatid na'yon dahil nga sa pamilya nila." Sambit ko pa.
"Hindi naman. Sobrang close nga ng dalawang 'yon. How I wish na mayron din akong kapatid at gaya ng samahan nila ang magiging relasyon namin." Saad naman ni Desiree na bakas ang pagkainggit.
"Yeah, they're so close but that doesn't mean na pareho na ang ugali ng dalawang 'yon." Sambit naman ni Nalliah dahilan para mabalin ako sa kanya.
Nangunot ang noo ko.
Tumingin ito sa'kin.
"....Ang totoo'y mag kabaliktad pa nga sila ni Andrei. Sa kanilang dalawa ay talagang si Hyde ang totoong mabait at si Andrei naman ang hindi. Kabaliktaran sa kung ano ang nakikita ng iba sa kanila."
"H-Huh? H-Hindi ko maintindihan." Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa. Si Nalliah ay patuloy paring nakangisi habang si Desiree ay dagliang tumahimik.
"Si Andrei, He seems to be nice to everyone, but he's only kind to the girl he likes in actual life." Sagot ni Nalliah na lalo pang nagpagulo sa isipan ko.
".... And si Hyde? There's always a bad rumors about him, but actually he's not bad.. He look bad and jerk but actually, he's gentle, he's kind. Yeah! he's handsome and cool that's why people misunderstand him as a jerk, but that's not true." Dugtong n'ya.
"Huh? Edi ba nga, napaka babaero ng lalaking 'yon?" Nagtatakang tanong ko dahil pakiramdam ko ay pinapalabas nila na ang totoong masama rito ay hindi si Hyde kundi si Andrei.
"Hyde has a reason why he end up being like that. Pero hindi naman talaga n'ya intensyon na maging womanizer sa harap ng maraming tao." Sagot naman ni Desiree
"Maybe because he is longing for a love from someone. Siguro kasi pakiramdam n'ya walang nag mamahal sa kanya, dahil nga buong buhay n'ya ipinaramdam sa kanya ng ama n'ya na isa lang s'yang bastardo sa pamilya nila." Paliwanag ni Nalliah na sa iba ang tingin.
"...Kaya din siguro kami naging gano'n kalapit... Pareho namin alam ang pakiramdam ng maging isang bastardo sa pamilya. Alam namin ang pakiramdam na pakisama sa isang pamilyang una palang hindi naman talaga kami nandon." Dugtong pa nito.
Doon ako nakaramdam ng awa para kay Hyde.
Hindi ko alam ang mga bahay na ito.
Naalala kong naikwento pala nina Desiree na gaya ni Hyde ay anak rin pala sa labas si Nalliah.
"Kaya kung minsan kinukulit ka n'ya, 'Wag kang mainis.... Minsan lang maging gano'n si Hyde. Hindi n'ya ugaling ipagsiksikan ang sarili sa iba." Doon ito tumingin na sa'kin at ngumiti.
"Yeah! Kaya pag kinulit ka n'ya, Ibigsabihin nu'n special ka para sa kanya." Nabalin ako kay Desiree ng sabihin iyon.
Natahimik ako matapos marinig iyon.
Kaya ba ganon s'ya?
Hindi ko akalaing ganito pala ang totoong Hyde sa likod ng lalaking nakasanayan ko nang makitang nakangiti kahit pa marami s'yang sugat at pasa.