"Boss," napalingon naman ni Athena ng may marinig na tumawag sa kanya. Umasim naman ang mukha ni Athena ng makita ang anak ng pinuno ng pulang araw. Pabalik na sila ng Manila ngayon at talagang nakapag pakita pa ang chararat na lalaking ito. "Anong ginagawa mo dito? Alam mo ng ama mo na nag punta ka dito." "Kasama ko s'ya." sabay turo nito sa likuran nagyuko naman ng ulo ang matanda na nakatayo sa tabi ng bulok na owner sa di kalayuan. "Anong kailangan mo?" "Kakapalan ko na ang mukha ko madaam boss, nalaman ko po kasi na mayaman ang mga pamilya n'yo ng asawa mo sa Manila. Ang totoo po n'yan alam po ni ama na hindi ko talaga gusto dito sa bundok manirahan. Gusto ko pong mag trabago sa Manila kahit anong trabaho Madaam Boss, puwede po akong maging bodyguard n'yo." natawa naman si Athena

