Kabanata 3 - Sino Kaya Ang Taong Ito?

1452 Words
Habang naguguluhan, nagtanong si Dawn, “Honey, sino si Forrest Smith?” “Tumahimik ka.” Pinanlisikan ni Johnny si Dawn. Pagkatapos ay parang tupa siyang lumapit sa security guard at nagtanong, “Kung ganun, si Mr. Smith ang nag-utos na linisin ang club, tama?” “Oo.” Tumango ang guwardiya. Binulong niya, “Ang pagkakaalam ko ay dahil may sasalubungin na importanteng tao si Mr. Smith na bibisita sa club.” Napasinghap ang lahat ng mga tao. Nanlaki ang mga mata ni Johnny sa gulat. Sino ba si Forrest Smith? Sa mundo sa ibabaw, isa siyang sikat at matagumpay na negosyante, pero sa underworld, isa siyang nakakatakot na gang leader. Wala siyang awa. Para salubungin sila ng personal ng isang taong may ganung klaseng pagkatao, gaano kamangha-mangha ba ang eksistensya ng taong yun. Nagulantang ang mga bisita, tahimik na pinagtatalunan ang pagkatao ng misteryosong bisita. Nagtataka din ako. Pero, hindi ko na masyadong inisip pa ang tungkol dito. Nilabas ko ang aking phone at tinignan ang oras. Malapit na ang itinakdang 20 minuto. Parating na ang aking assistant. "Mr. Smith!" "Sir Forrest!" “Kamusta Mr. Smith!” Bigla, napuno ng magalang na pagbati ang entrance ng club. Lumabas ng club si Forrest, mahinahon siyang nakatingin sa mga tao. “Paumanhin sa inyong lahat. Ililibre ko na lang kayong lahat ng inumin.” “Maliit na bagay lang naman ito, Mr. Smith. Bakit naman kami magagalit sa isang maliit na bagay?” “Ang bait naman ni Mr. Smith. Pumunta pa siya talaga mismo para magpaliwanag.” “Mr. Smith, nauunawaan naman namin. Pakiusap, huwag mo na kaming pansinin.” Naglaho ang galit na ekspresyon ng mga tao, at napalitan ng masayang mga ngiti at matatamis na mga salita. Sinimulan na nilang magpabango kay Forrest. Tumango si Forrest. Naglakad siya papunta sa entrance ng club at tumayo sa may pinto. Mukhang hinihintay niya ang taong iyon na dumating. Mukhang nasasabik na siyang mabati ang mga ito. Isa itong tanda ng paggalang; isang palatandaan ng halaga ng taong ito. Nagkainteres tuloy ang lahat. Hindi sila nagmamadali na umalis at pinili nilang manatili. Gusto nilang makita ang pagkatao ng taong hinihintay ni Forrest ng sarili nilang mga mata. Gumalaw ang mga tao, dahil sa ayaw nilang maharangan ang entrance ng club. Nakita ako nila Johnny at Dawn na nakaupo sa may kanto ng gumalaw sila. “Gael, bakit nandito ka pa?” Sinimangutan ako ni Dawn. Napatingin ako sa kanila at malamig an sinabi, “May hinihintay ako.” “Hinihintay mo ko, tama? Hehe, hindi mo pa din ako makalimutan? Kawawa ka naman.” Bakas ang pandidiri at panunuya sa mukha ni Dawn. “Gusto mo ng payo?” Bulong niya, habang nakangiti pati ang kanyang mga mata habang palapit sa akin. “Sumuko ka na.” Wala akong masabi. “Huwag mong purighin masyado ang sarili mo. Hindi ikaw ang hinihintay ko.” “Oh? May hindi makatanggap. Aw, nasaktan ko ba ang marupok mong dignidad?” Ngisi ni Dawn. “Nakakadiri ka, Gael.” Binigyan ako ng isang mayabang na ngiti si Johnny habang tinititigan niya ako. “Ang malas mo naman at nakasalubong mo nanaman ako muli. Lumuhod ka sa harapan ko at simulan mo nang magmakaawa,” panunuya niya. “Masama ang loob ko ngayon, o gusto mo bang mabugbog uli?” Lumuhod? Tigilan mo nga ako. Kinuyom ko ang aking kamao. Ng kikibo na sana ako, may taong sumigaw. “Tignan niyo! May parating!” Lumingon ako. Sa malapit, isang itim n mamahalin na kotse ang huminto sa harapan ng club. Hindi na mapakali ang naghihintay na Forrest, humakbang siya ng ilang beses papunta sa kotse at magalang na yumuko. Nagulantang ang lahat ng nakakita. “Diyos ko, nagbigay galang si Mr. Smith sa ibang tao.” “Hindi kapani-paniwala!” “Sino ang sakay ng kotse?!” Nagsimulang magbulung-bulungan at magkwentuhan ang mga tao. Nabaling ang atensyon nila Johnny at Dawn sa kung ano ang nangyayari. Sinilip ni Dawn ang itim na kotse. Napasimangot siya at nagtanong, “Anong klaseng importanteng tao ang nakasakay sa isang Mercedes?” “Tanga.” Galit na sinabi ni Johnny, “Iyan ay isang Volcanus, isang specially customized na Mercedes-Maybach na kotse. Itinuturing ito na first class. sa tingin mo ba talaga at isa lang itong pangkaraniwang Mercedes?” “Woah, kung ganun ay nagkakahalaga ito ng isang daang libong dolyar, tama ba?” Kuminam ang mga mata ni Dawn. Kumurba ang mga labi ni Johnny. “Ang isang pangkaraniwan na Maybach ay nagkakahalaga ng isang daang libong dolyar. Ang custom modifications ay mas mahal pa kaysa sa kotse mismo.” Lalong hindi mapakali si Dawn, at halos tumulo na ang laway nito. “Ang paggastos ng ilang libong dolyar para i-customize ang isang mababang klase ng kotse. Ang yaman! Kung makakahanap lang ako ng—” Napasinghap si Dawn, napalunok at napatingin kay Johnny. Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin. Wala naman talagang pakialam si Johnny. Siya, tulad ng iba pa, ay nakatuon ang atensyon sa marangyang itim na kotse. Click! Bumukas ang pintuan ng dalawang BMW 7 Series na dumating kasama ng Volcanus. Walang matipunong binata na nakasuot ng itim na kurbata ang lumabas. Pumunta sila sa may tabi ng luxury car. Sila, ay walang duda, ay mhga bodyguards. Subalit hindi lang sila pangkaraniwang mga bodyguards. Malamig ang kanilang mga ekspresyon, ay may dala silang malamig na aura. Marahil amy bahid na ng dugo ang kanilang mga kamay Napaatras si Forrest, at napangiwi. Kahit pati siya, na isang beterano, ay mukhang nahihirapan na kayanin ang malakas na aura na dala ng grupo ng mga mamamatay tao na ito. Dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng sasakyan. Isang itim na takong ang lumabas, na dahan-dahan na lumapag sa lupa. May napasinghap dahil sa gulat. “Isang babae?” Ang babaeng lumabas mula sa sasakyan ay nakakapigil-hininga. Isang dalaga na nasa edad bente. Nakasuot siya ng isang magandang itim na kurbata, ang kanyang balingkinitan na binti ay nababalot ng silk na stockings, na pumukaw sa mga mata ng lahat. Ang kanyang manipis na bewang ay binagayan ng nga kanyang malaking dibdib at nakakaakit na neckline. Maputi siya; Ang kanyang itsura ay parang isang ipinintang larawan, napakalinis. Ang kanyang nakakaakit na mga mata, na parang karagatan, ay malinaw at kahali-halina. Ang kanyang nakakabighaning mukha ay walang pinapakitang emosyon. Naglalabas siya ng isang malayo, at malamig na aura, na para bang isa siyang reyna na mababa ang tingin sa mundo, matalas at hindi matitinag. Nakakaakit ngunit malamig. Bumilis ang t***k ng mga puso kalalakihan, pero wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na lumapit sa kanya, sa takot na baka magalit nila ang diyosa. “Ang ganda!” “Paano nagkaroon ng ganitong kagandang babae sa mundong ito?!” “Ito… ang taong hinihintay ni Mr. Smith?” Napasigaw ang mga tao sa pagkamangha, nakatitig silang lahat sa entrance ng club, na para bang na para bang nawawala sa sarili. Tumingin ako. Ang babaeng lumabas mula sa kotse ay talagang maganda. Ang kanyang itsura at disposisyon ay perpekto sa pananaw ng mga kalalakihan kung ano ang isang diyosa. Ang malayo, at sagradong aura na nagpapasiklab sa kagustuhan ng mga lalake na angkinin at dungisan siya. Sandali. “Siya kaya ang babaeng kausap ko sa may phone?” Biglang pumasok ang bagay na iyon sa aking isipan habang nakatingin ako ng maigi sa babae. “Ikinalulugod ko kayong makilala, Ms. Glenn. Ako ang Direktor ng Voyage Real Estate. Ikinalulugod kong makilala kayo.” Ang marinig ang pagbati ni Forrest, nakumpira ko ang ang suspetya. Nakita ko siyang yumukod sa harapan ni Violet, ang kanyang mukha ay taimtim. Mukha siyang isang tauhan na binabati ang kanilang pinuno. Hindi na makita ang dignidad ng isang underworld boss mula sa kanya. Tinignan ni Violet si Forrest. Gumalaw ang mala-rosas niyang mga labi. “Hindi ikaw ang taong hinahanap ko,” malamig niyang sinabi. “Humihingi ako ng paumanhin, Ms. Glenn. Pero, mula ata akong walang hiya.” Nilaliman pa ni Forrest ang kanyang pagyuko bago tumayo ng tuwid, at tinitigan ito ito ng may taos-pusong mga mata. “Simula nang dumating kayo dito sa Razor City, halos lahat ng mga maimpluwensyang korporasyon at grupo ay inoobserbahan na ang bawat galaw niyo. Wala naman kaming balak na masama. Gusto lang namin ay ang kooperasyon ng Taylor Group na kinakatawan mo.” “Mayroon akong kaunting kapangyarihan dito sa Razor City,” dagdag pa niya. “Pakiusap at bigyan mo lang ako ng ilang minuto ng inyong oras, ng sa gayon ay maipaalam ko sa inyo ang sitwasyon ng Voyage Real Estate. Walang tao sa loob ng club. Matitiyak ko sa inyo na walang gagambala sa atin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD