Mabilis ang mga lakad ni Jacobo kasama ang iba pa nilang tauhan. Malapit na nilang abutan ang sinusundan nila at sa dami nila ay siguradong walang panama si Jera sa kanila kahit gaano pa ito kagaling umasinta ng baril. Biglang huminto ang target nila sa isang lugar. Nang tingnan ni Jacobo ay isa iyong lumang bahay-kubo sa pusod ng gubat.
Sinenyasan niya ang mga kasama palibutan ang buong kubo, agaran rin namang nagsisunod ang mga ito. Nang makapuwesto na lahat ay marahan silang lumapit rito. Halos sabay-sabay nilang sinipa ang sawaling dingding at sa tagal niyon ay naging marupok na. Wala silang kahirap-hirap na nakapasok sa loob. Mabilis ang mga mata ni Jacobo sa pagtingin sa buong lugar ngunit walang Rio na naroon.
"Sir, may bag!" anang tauhan.
Bago pa man siya makasagot ay dinampot na iyon ng isang kasama at sa pagbukas pa lang nito ng zipper ay bigla na lang sumambulat ang bomba na nakapaloob roon. Mabuti na lamang at sa may kalayuan nakapwesto si Jacobo, kung bahagya pa siyang lumapit ay baka isa siya sa nawarak din ang katawan. Halos mabingi siya sa napakalakas na pagsabog na iyon. Nanghihina man ay iginala niya ang paningin sa buong paligid. Maalikabok. Sa pagtingin niya sa mga kasama ay napailing siya. Ang iba ay wala ng buhay na nakabulagta sa lupa. Ang iba'y nagkagutay-gutay ang kalamnan. Mayroong naputulan ng paa at kamay.
Sa lakas ng pagsabog na iyon ay tumalsik na pala siya nang hindi niya namamalayan.
Pinilit ni Jacobo na makatayo ngunit hindi niya magawa. Kung hindi pa niya napagmasdan ng maiigi ang mga paa ay hindi niya pa malalamang putol na pala ang kanang paa niya dala ng matinding pagkakadurog.
"F*ck! Ahhh!" hiyaw niya. Halos mabaliw-baliw siya nang bigla niyang maramdaman ang pagbalatay ng sakit mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
"Help!" sigaw niya ngunit wala ni isa sa mga tauhan niya ang nagtangkang lumapit sa kanya dahil maging ang mga ito ay sugatan na rin.
Hindi pa man siya nakakabawi sa nangyari sa kanya ay muli niyang naramdaman ang paghataw ng matigas na bagay mula sa kanyang likuran. Napaigik siya bago pa man siya kinain ng kadiliman at bumagsak sa lupa ang walang malay niyang katawan. Mula sa kung saan ay lumabas ang isa pang malaking bulto ng tao at tila wala lang na binuhat nito ang walang malay na matanda at naglakad ito ng mabilis papalayo sa lugar na iyon.
Nang magising si Jacobo ay bumalik na ang pandinig niya. Nauulinigan na niya ang mabining patak ng tubig sa kung saan. Idinilat niya ang mga mata. Muling tumambad sa kanya ang karimlan. Muli siyang pumikit at dumilat hanggang sa masanay ang sarili niya sa kadiliman.
"Anybody here? Help! I am wounded! I'm bleeding!" ani Jacobo. Nagtangka siyang gumapang mula sa pagkakasalampak sa lupa ngunit mabilis rin siyang tumigil nang makaramdam ng pananakit ng mga paa.
"s**t, f*ck! Jeraaaaaa!" malakas niyang hiyaw.
Sigurado si Jacobo na pakana iyon ni Jera. Wala silang ibang kaaway kung hindi ang babaeng iyon. Inipon niya ang lahat ng lakas niya at pinilit ang sarili na makalabas mula sa kweba na kinaroroonan niya. Maaaring sinadya ng mga ito na dalhin siya sa bahaging iyon para doon na siya mamatay. No way! Hindi siya papayag na doon lang magtatapos ang buhay niya!
***
Samantala hindi na rin mapakali si Yelena mula sa hide-out. Narinig niya ang malakas na pagsabog at mula noon ay hindi na niya makontak pa si Jacobo. Labis ang pag-aalala niya para sa anak. Matalino talaga itong si Jera, alam na alam kung saan siya tatakutin. Ang hindi niya malaman ay kung paano pa rin siya nito natunton samantalang sobra naman silang nag-iingat.
Mula sa kung saan ang sunod-sunod na tama ng baril ang nagpatumba sa mga tauhan niya. Lahat ng mga ito ay isa-isang bumulagta sa harapan niya. Mabilis niyang hinawakan ang baril at iniumang sa hindi nakikitang kalaban.
"Jeraaa! Alam kong ikaw 'yan! Lumabas ka! Huwag kang magtago! Lumaban ka ng patas!" hiyaw niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Yelena. Short-tempered ka pa rin." Anang tinig.
Mula sa pintuan ay biglang lumabas ang may katangkarang babae. Balingkinitan ang katawan nito. Nakasuot ng combat shoes, itim na sando at pants. May takip ang mukha nito ngunit kilala ng matanda ang boses ng kaniyang anak-anakan.
"J-jera?" ani Yelena.
Huminto sa paglalakad ang babae. Gamit ang kaliwang kamay nito ay tinanggal nito ang telang nakatabing sa magandang mukha nito. Ang dating mahaba at alon-alon nitong buhok ay wala na. Naka pixie-cut na ang dalaga ngunit hindi iyon naging sapat upang hawiin ang talim ng mga titig nito.
"Long time no see, mother dear!" ani Jera ng nakangisi. Sinenyasan nito si Yelena na ilapag sa center table ang hawak nitong baril. "Drop your gun," utos nito.
"Who are you to boss me around?" ani Yelena.
"That gun was useless, just like Jacobo..." ani Jera. "And as far as I'm concerned, yes, I have the power to boss you around, remember, I have your loving son."
"W-what? How dare you touch my son!" gulat na sambit ng matanda. Kinalabit nito ang gatilyo ng baril ngunit napagtanto nito na wala pala iyong bala. Ang alam niya ay loaded iyon. Hindi niya alam kung sino ang nagtanggal ng bala ng baril. "Damn!"
"I told you, it's useless. Now, sit!" malakas na utos ng dalaga.
Walang nagawa ang matanda kung hindi sumunod sa utos nito. Tahimik na naupo si Yelena sa sofa at ganoon din ang ginawa ni Jera. Naupo ito sa tapat ng matanda. Ipinag-krus pa ng dalaga ang mga binti nito.
They're facing each other. A monster glaring at her own kind.
"What do you want from me Jera?! Bakit mo idinadamay dito ang anak ko? Wala siyang kasalanan sa'yo!"
"Sa pagkakaalam ko, ikaw ang nauna. Bakit mo rin dinamay ang pamilya ko? Bakit mo pinagkait sa anak ko ang mabuhay? Wala rin siyang kasalanan sa'yo!" puno ng poot na bigkas ng dalaga.
"This isn't my plan. Hindi ako ang nagdesisyon na patayin si Kai at ang anak ninyo!" kaila ng matanda.
"I see, you want to play a dumb again? I was thinking to let you off basta't mag sorry ka lang. Pero sa nakikita ko, you don't deserve it. I couldn't even see an ounce of remorse in your eyes. What a pathetic woman!" puno ng galit na sambit ng dalaga.
"Jera, listen to m-"
Pinutol ni Jera ang pagsasalita ng matanda sa pamamagitan ng pagbaril sa tagiliran nito. Hindi pa siya nakuntento dahil binaril niya rin ang magkabilaang tuhod ni Yelena. She felt the gratification of seeing this old hag in pain. She was yearning that for months!