Hindi namalayan ni Jera na ilang kilometro na pala ang nalakad niya papalayo. Lunod siya sa malalim na pag-iisip hanggang sa biglang huminto nang kusa ang mga paa niya. Her eyes shut in an instant and for a nano second she grab her chest wondering what just happened. Is she dreaming? Hallucinating? Probably not! Para siyang kandilang unti-unting nauupos nang mapagtanto niya kung ano ang mga nangyari o mas tamang sabihin na muling rumehistro sa kanyang utak ang hitsura ng lalaking nakasagutan niya kanina. The uncanny resemblance of that man and Kai was evident! Hindi siya maaring magkamali!
"K-kai?" kandautal niyang bigkas. Huli na nang mapansin niyang nanlalabo na pala ang paningin niya dahil sa napipintong pag-iyak.
Walang sabi-sabing bigla siyang kumaripas ng takbo pabalik sa kinaroroonan ng lalaki. Ramdam niya ang maliliit na bato na natatapakan niya ngunit hindi niya iyon alintana. Gusto niyang makatiyak na hindi siya nag-iilusyon o namamalikmata lang. Kailangan niya na muling makita ang lalaki. Makausap o kahit mahawakan.
Humahangos siyang nakabalik sa dalampasigan at sinalubong naman siya ng kaibigan. Bakas sa mukha nito ang pagtataka kaya hindi na ito nagpigil para tanungin siya.
"Jera, what's the rush? Ano'ng nangyari sa'yo at para kang nakikipaghabulan sa aso? Kanina pa kita hinahanap akala ko nasa loob ka ng food court, nandito ka lang pala." takang tanong ni Jen nang makita siya. May hawak pa itong fresh buko sa magkabilaang kamay. "Gusto mo? Fresh na fresh 'to," alok nito sa hawak na inumin.
"I saw Kai!" hindi magkandautong sambit niya na hindi man lang pinansin ang inaalok nito. Agresibong pinaikot niya ang mga mata. "Have you seen the guy-"
"Guy? Sino naman? Have you meet someone ng hindi ko napapansin? What are you trying to say? Kai was already dead! Imposible naman na makita mo siya dito, don't scare the hell out of me, Jera. If this is a joke, believe me it's not funny! You know how scared I was when it comes to ghosts or whatsoever!" maarteng sagot ni Jen.
Isa si Jen sa mga naging kaibigan niya pagkatapos ng misyon niya kay Yelena. Sumubok siyang mamuhay ng normal at isa si Jen sa mga nakaclose niya. Mabait si Jen, caring and thoughtful. Masiyahin din ito ngunit may pagka maarte nga lang. Gayunpaman, naging kaibigan niya pa rin ang dahil magaan ang loob niya rito kahit na opposite ang ugali nito sa kanya. Ang alam ni Jen ay namatay ang mag-ama niya sa isang aksidente at isa na siyang biyuda. Hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao at wala rin siyang balak na ipaalam pa rito. Para sa kanya ay sapat nang malaman nito na namatayan siya ng mga mahal sa buhay. Hindi man detalyado ang kwento niya ay hindi na rin naman namilit ang kaibigan. Respeto na rin siguro nito sa kanya ang hindi masyadong pag-uusisa. Minsan nga ay natutukso niyang magtapat dito dahil na rin sa ginawa na nitong open book ang kwento ng buhay nito sa kanya. She knows every single detail about her life. Ganoon si Jen. Makwento ito at hindi reserve na kagaya niya.
"Hindi kita tinatakot, I know what I saw! Believe me, Jen!" giit niya. Iginala niya muli ang paningin partikular na sa pinagpwestuhan niya ngunit wala na roon ang lalaki. Ni wala nga itong iniwang bakas sa bahaging iyon kung saan niya ito nakita.
"Saan?" ani Jen. Lumapit ito sa kanya at marahang tinapik ang balikat niya. "I know how hard it is to cope when you lose someone you love but Jera... you have to help yourself. Walang ibang makakatulong sa'yo kung hindi ikaw rin mismo. Alam ko mahirap, pero kaya nga tayo narito para makalimot hindi ba?" dagdag nito.
Marahas siyang napabuntong hininga. Jen was right. Kaya sila naroon para makalimot. Mariin niyang ipinikit ang mga mata sabay iling. "I'm sorry... maybe I was wrong at tama ka." Sambit niya.
"Hay ano ba 'yan, kanina lang nakakangiti ka na. Ngayon sambakul na naman ang mukha mo. Tara, ligo na lang tayo sa dagat para mawala ang bigat na nararamdaman mo," yakag nito.
Pinilit niyang ngitian ang kaibigan. At this moment wala siyang lakas para magtampisaw sa tubig. "Mauna ka na, biglang sumama ang pakiramdam ko. Magpapahinga na lang muna ako saglit sa cottage. I'll join you kapag okay na pakiramdam ko." Aniya. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kaibigan dahil nagsimula na siyang humakbang papalayo rito.
Naiwan naman si Jen na napapailing na lang sa biglaang pagkasira nang mood ni Jera. Nakakaramdam ito ng lungkot at awa para sa kaibigan ngunit wala rin naman siyang magagawa para tulungan ito. Siguro nga ay walang advice na nababagay para sa taong nawalan ng minamahal. Alam niya kung gaano kahirap mawalan ng minamahal. Napakasakit niyon. Kung pwede nga lang na maki-share siya sa nararamdaman ni Jera ay ginawa na niya mabawasan lang ang bigat na dinadala nito ngunit imposible naman iyon.
"I am so sorry, Jera... Hindi kita matutulungan para mapagaan ang nararamdaman mo..." sambit ng dalaga habang tinatanaw ang papalayong kaibigan.
Samantala, pabagsak na nahiga si Jera sa kama niya. Ilang minuto rin siyang tumitig sa kisame ng cottage na iyon, hanggang sa namalayan na lang niya ang mainit na likido na nanalaytay sa pisngi niya. After all these years, her tears never runs dry. She sobs like a baby when she remember her tragic past. Kung paano nawala ang dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Kung nabubuhay lang si Kai, marahil ay napakasaya niya kasama ang anak nila. Kung naprotektahan niya lang sana ang mag-ama niya, hindi sana siya mag-isa ngayon. She failed her man and her baby. Kung hindi lang sana nawala ang anak niya, makulit na siguro ang batang 'yon ngayon.
"I'm so sorry..." impit niyang sambit habang umiiyak. She couldn't bare the pain anymore. At alam niya na walang pain killer na magpapakalma sa kanya.
Muli niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy sa pagtangis at kagaya ng nakagawian. Nilunod na naman niya ang sarili sa pag-iimagine na buhay pa nga ang mag-ama niya at masaya silang magkasama sa lugar na iyon. In that way, she felt happy. Nakakaramdam siya ng pagiging kumpleto kahit alam niya na sa pagdilat ng mga mata niya ay sasampalin siya ng reyalidad na lahat ng iyon ay hindi totoo.