Capitulo 24

1423 Words
Kanina pa ako dito sa garden at pinag mamasdan ang mga bulaklak. Past 12 na ng gabi pero hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko kanina. Nalaman ko na 7 months pregnant si Trinity ng mawala ang anak nila ni Jonah. Nasa meeting si Jonah noon kasama si Gloryvale ng biglang tumawag ang kanilang housekeeper at binalitang isinugod sa ospital si Trinity dahil nag overdose ito. Huli na para masagip ang baby kaya naman halos pag bagsakan ng langit at lupa si Jonah ng dumating siya ng ospital lalo pa't siya sinisisi ng kaniyang in-laws kung bakit nag overdose si Trinity. Pinabugbog din siya sa mga tauhan ng father-in-law niya at kung hindi pa dumating si Gloryvale kasama ang mga bodyguards niya ay malamang natuluyan na si Jonah. And I can't imagine him 6 feet under. Namalayan ko nalamang tumutulo na naman ang mga luha ko pero pinunasan ko agad ito ng makita kong tumatawag si Tokyo para mag video call. Tamang tama, kailangan ko ng makakausap ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nakapag usap ng lalaking ito. "Hello Tokyo, kumusta?" "Hey Amber, wait. Are you crying?" "Hindi. May rhinitis lang." "Okay, akala ko pinaiyak ka na naman ni Jonah." "Hindi nuh. Actually nagkabalikan na kami." "Wow! Really?" Ngumiti ako kay Tokyo at tumango. Siya palang ang pinagsabihan ko nito. Sasabihin ko rin naman sa pamilya ko pero pag tapos na ang lockdown. Isasama ko si Jonah sa probinsya tutal gusto naman siyang makita ng pamilya ko. "I am so happy for the both of you. Hopefully this is it, no more break ups and shit." "Naku sana nga talaga Tokyo." Habang nag uusap kami ni Tokyo ay nahagip ng paningin ko ang isang babae sa likod niya. "Hoy Tokyo Lee." "Yes? What's with the full name?" "Tokyo naman. May pandemya ngayon, may bitbit ka pa rin?" "Oh.. Her?" Nakita kong lumabas si Tokyo sa hotel room niya at dun nag patuloy makipag usap sa'kin. "Hindi ko siya bitbit." "Ano mo siya?" "Nothing. Things are actually complicated for her right now. She's staying with me for the meantime 'cause her life is in danger. We're just waiting for her boyfriend to arrive here in Japan. Filipina siya Amber, syempre kabayan natin siya kaya tinulungan ko." "What do you mean in danger?" "Muntik siyang ma-rape Amber." "Oh my god!" Pinapahanap pa ni Tokyo kung sino ang nagtangkang halayin ang kasama niyang babae ngayon kaya naman hindi muna niya pinauwi ito para na rin sa kaligtasan ng babae. "I don't know how to approach or to be specific, I don't understand her to be honest. She barely talks. Palagi pang tulala pero hindi ko naman siya masisisi though she maintain the cleanliness of the room. Kahit saan din ako pumunta gusto niyang nakabuntot sa'kin. This is the first time I'm having a hard time with a woman." Nakikita ko sa mukha ni Tokyo ang confusion at pagka dismaya kaya naman medyo natawa ako sa itsura niya ngayon. "Nakahanap ka rin ng katapat." "Anong katapat ang pinagsasasabi mo?" "Look at you, you are frustrated right now. Why? Because you can't handle her." "Me? The mighty Tokyo Lee can't handle a woman? We'll see about that Amber." "Wanna bet?" "Sure." Nag paalam na si Tokyo dahil kailangan niya ng matulog. May lakad daw kasi siya mamaya at ikumusta ko nalang daw siya kay Jonah at sa family ko. Ganun din naman ako, sabi ko ikumusta niya ako kila Tito at Tita pati na rin sa kasama niyang babae ngayon. Dahil malalim na rin ang gabi kaya napag pasiyahan ko ng pumasok Pagkapasok ko palang ay agad kong nakita si Jonah. Naka suot lamang siya ng boxers at white shirt kaya bakat ang hubog ng kaniyang katawan. Bakit ang sexy ng taong 'to lalo na ngayon na bagong gising siya? Nag iiba tuloy ang pakiramdam ko. "Oh Amber, thank God I found you." Tinawid niya ang ilang metro ng layo namin at niyakap niya ako ng mahigipit. "Jonah, you seem tense." "I thought you left me. You weren't beside me." "Hindi kita iiwan. Alam mo 'yan." "I'm sorry. I just don't want to lose you." Hinagod ko ang likod niya habang nakayakap pa rin siya sa'kin. Ako rin naman eh, ayoko rin naman mawala pa ulit siya. Si Jonah na talaga ang para sa'kin at nararamdaman ko 'yun. "Jonah." "Yes?" "I love you." Bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan niya ako. Binigyan niya na naman ako ng mala boy next door niyang ngiti saka ako hinalikan. ----------------------------------------- Kinaumagahan ay sabay kaming nag breakfast ni Jonah. Nakasuot siya ngayon ng sky blue long sleeves shirt, black slacks, at balat na sapatos. Napaka gwapo niya. Ang gwapo niya talaga. Ewan ko ba pero simula ng bumalik siya gusto ko siya palaging nakikita pero nawala yung saya ko kasi babalik na siya sa condotel ngayon. "What's wrong babe?" "Wala." "No, something's bothering you. Tell me." Nakakahiya naman kasi sabihing gusto ko siya palaging nakikita. Baka isipin pa nito baliw na baliw ako sakaniya. Huminto sa pag kain si Jonah at lumuhod sa harap ko para matingnan niya ako ng maayos. "Are you feeling sick?" "Hindi naman." "Are you sure? Dalhin kita sa ospital." Speaking of hospital, kailangan ko nga ata mag pacheck up. For the past week kakaiba ang nararamdaman ko. Gusto ko lang makasiguro na wala akong sakit o virus dahil baka makahawa pa ako. "Hatid mo lang ako sa ospital Jonah. Kaya ko naman mag isa." "No. Sasamahan kita. Babe, next time please tell me if you're not feeling well okay?" "O-okay. Pero may trabaho ka diba?" "Yes, but I can leave that to Mikaela. Although she'll be really pissed at me again." Matapos naming kumain ay naligo na ako't nag ayos. Pagkababa ko ay naabutan ko si Jonah na may kausap sa cellphone niya. Siguro si Mikaela dahil ang dami niyang utos. "What? They'll be lifting the ECQ? When? Are they sure about that?" Nang makita ako ni Jonah ay agad siyang lumapit at hinapit ako sa bewang habang nakikipag usap kay Mikaela. "By the way Mikaela, tell my girl here that we're just colleagues." Ni-loudspeaker ni Jonah ang kaniyang phone kaya naman narinig ko agad si Mikaela sa kabilang linya. "Good morning Amber." "Hello Mikaela. Sorry." "Haha! It's fine. If I were on your shoes I would feel the same, mas malala pa nga siguro." After our short conversation ay tinapos na ni Jonah ang pakikipag usap kay Mikaela at umalis na rin kami at nag tungo sa ospital. While on our way nakita ko rin ang pag babago rito sa Metro Manila, hindi mo aakalaing sa isang iglap halos nawalan ang karamihan ng hanap buhay. Wala na nga rin traffic kaya naman mabilis kaming nakarating sa ospital. Bago bumaba ng sasakyan ay binigyan ako ni Jonah ng mask at nag tungo sa doctor na kakilala niya. "Hi Jonah. Long time no see." "Good morning Dra. De Dios." Dahil nga sa social distancing ay wala munang handshake ang nangyari. "And who's this beautiful lady here?" "She's my soon to be wife." Kahit natatakpan ang bibig ni doktora ay halata sa mga mata niya na nakangiti siya. Nagulat man ako sa pakilala sa'kin ni Jonah pero hindi na ako tumutol pa bagkus pati ako napangiti rin. "My my, tumatanda na nga talaga ako. Mag aasawa ka na ngayon Jonah. Anyway, how can I help?" Sinabi ko kay doktora na parang palagi akong pagod at mas gusto ko laging natutulog which is unusual for me. "Hindi rin po ako mahilig sa tubig pero ihi po ako ng ihi." "Masakit ba pag nag uurinate ka? May dugo ba?" "Wala naman po. Saka parang lumaki rin po ang ano ko.." "Ang ano?" Nahihiya ako. Nandito pa naman si Jonah. Inayos pa ang upo ng marinig na may lumaki sa'kin. Narinig ko naman tumawa si doktora. "Jonah, would you mind stepping outside? Nahihiya ata ang fiancee mo." "Huh? Bakit ka mahihiya babe?" "Sorry babe. Pero labas ka muna. Sandali lang naman 'to." "Fine." Inirapan niya na naman ako bago lumabas. Ang cute niya talaga kahit masungit. Kung hindi lang ako nahihiya hindi niya naman kailangan lumabas. Sinabi ko kay Doc. Na parang lumaki ang dibdib ko. Mapagod lang ako ng konti nag didilim din ang paningin ko at higit sa lahat.. "Parang ano po.. Palagi akong horny po.." Yumuko ako ng sinabi ko 'yun. Nakakahiya man pero totoo. Kagabi nga kung hindi lang ako nakapag pigil baka ako na ang nag initiate kay Jonah. Narinig ko na naman ang mahihinang tawa ni doktora. "Miss De Jesus, when was your last menstruation?" "Last month pa po. Di ko lang po maalala yung exact date pero supposed to be po last week dapat meron na ako." "I see. Based from what you have told me, it seems that I might refer you to an expert Miss De Jesus." "Ano pong ibig niyong sabihin?" "Well, there's a big possibility that you are pregnant right now." Ngumiti si Dra. De Dios sa'kin bago siya may tinawagan sa cellphone niya habang ako naman nanatiling tahimik. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni doktora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD