"Hey, where do you think you are going?"
Aalis na sana ako pero mabilis akong pinigilan ni Jonah at sapilitang pinaupo sa upuang kaharap niya. Bakit sa dinami dami ng lalaki siya pa? Bakit siya na naman? Naalala ko na naman tuloy ang huling pag kikita namin. Okay na eh, nawala na sana sa sistema ko pero.. Arrgh!
"Uuwi na ako Jonah."
"Why?"
Mag tatangka sana akong tumayo pero..
"Amber!"
Nagulat ako sa pag taas ng boses niya. First time 'to na pinagtaasan niya ako ng boses. Pinag tinginan din kami ng nasa loob ng coffee shop kaya naman napa upo ulit ako.
"Good girl."
Ngumisi siya bago ulit nag salita para itanong kung anong kape ang gusto ko. Nang tumanggi ako at sinabi kong tubig lang ang gusto ko ay umiling iling siya saka natawa.
"We're on a date tapos tubig lang? Seriously?"
"Excuse me? Hindi tayo nag de-date."
"The fact that you are here says it all. You also agreed on our chat so we're on a date. Teka nga.."
Nag taas siya ng isa niyang kilay samantalang yung akin naman ay magka salubong.
"Why are you even here in the first place? Did Tokyo hurt you?"
"Huh? Hindi. Ba't ako sasaktan ni Tokyo?"
"Be honest Amber. I swear, I'm gonna break his neck."
"Hindi nga ako sinaktan ni Tokyo."
What the hell is he thinking? Di ko tuloy napigilang matawa sa pinagsasabi niya kaya naman bigla siyang naguluhan sabay cross arms.
"Are you done laughing? I don't think what I've said is funny."
"Nakakatawa ka eh. San mo naman nakuha ang idea na sasaktan ako ng kaibigan ko?"
"Kaibigan?"
"Oo, kaibigan. Alam mo namang bestfriends kami simula college plang tayo."
"Then why are you two dating? You even live under the same roof? What do you expect me to think?"
"Yun ba? Kapag wala siyang date sa club, ako ang karamay niya. Hindi naman talaga date 'yun."
Anong nginingiti ngiti nito? Kaso agad ding nawala ng napansin niyang tinititigan ko siya kaya tinanong niya ako ulit.
"Hindi naman kayo pero ba't kayo nag li-live-in?"
"Anong live-in? Nakikitira lang ako sakaniya pansamantala. Long story kung bakit ako nakatira sakaniya. You wouldn't want to know."
"Gusto ko malaman. We have the time but first mag oorder muna ako. Don't expect me to order water for you."
Tumayo na siya at nag puntang counter. Napabuntong hininga nalamang ako dahil sa pangyayari ngayong gabi. Natigil ang pag iisip ko ng may lumapit sa'king dalawang babae.
"Miss, kapatid mo ba 'yun?"
Kinikilig pa ang dalawang nagtatanong at halos mapunit na ang mga bibig nila sa lawak ng pagkaka ngiti.
"Hindi ko kapatid 'yun."
"Talaga? Kaano ano ka niya? Maid?"
Sasagot na sana ako pero biglang may nag salita sa tabi ko.
"She's my wife so f**k off!"
Natakot bigla ang dalawang babae kaya umalis kaagad ang mga ito samantalang naiwan naman akong tameme sa sinabi ni Jonah.
"Ba't mo sinabing asawa mo ako?"
"So they can leave us alone. I don't like our date to be ruined."
Nilagay ni Jonah ang isang strawberry frappe sa harap ko at isang blueberry cheesecake bago siya bumalik sa pwesto niya. Di na ako nagsalitang muli at uminom nalamang ng frappe. Mahirap na, baka pag taasan niya na naman ako ng boses kapag may nasabi akong mali para sakaniya. Hindi na rin naman siya nag salita ulit kaya pareho kaming tahimik at nakatuon ang pansin sa iniinom namin habang nakikinig sa music sa loob ng coffee shop.
(Background Music: Everlasting by Albert Posis )
"I can't believe this."
"Ang alin?"
"You. Here with me. Again."
Naging magaan ang hangin sa paligid namin ng masilayan ko ang ngiti niya. This time, his smile is real. Not the smirk one.
"I'm glad I install that dating app. Anyway, why are you in the dating app Amber?"
Syempre hindi ko sasabihing isa sa rason eh para mapalitan na siya sa buhay ko. Kaya naman..
"Napag tripan ko lang. Eh ikaw?"
"You wouldn't want to know."
"Ganun? Sabi mo nga we have the time."
"Haha! Fair point. You really sure you want to know?"
"Try me."
"Haha! I might if you want to."
Ngumisi siya tapos uminom ng americano niya bago nag salita which I regret kung bakit ko pa sinabi ang "try me" sakaniya.
"I want someone to warm me in my bed."
"H-haah?"
"Should I try you then?"
Nabilaukan ako sa sinabi niya. What the F! Si Jonah ba talaga 'to? Kailan pa siya naging ka-lahi ni Tokyo? Lumapit kaagad siya sa'kin para bigyan ng tubig at hagurin ang likod ko.
"You okay now?"
"Ah.. Oo. Salamat."
Hindi pa rin siya bumabalik sa upuan niya at panay pa rin ang hagod sa likod ko kaya naman sinabihan ko siyang pwede na siyang bumalik sa upuan niya. Buti nalang nakinig naman. Pinagmasdan niya muna ako at nang masigurong okay na ako ay saka siya muling nagsalita.
"So.. Ikaw? Pano ka napunta sa condo ni Tokyo?"
Para na rin mawala ang awkwardness ng dahil sa revelation niya ay nagkwento ako. Nakikinig naman siya pero nakikita ko sa mukha niya na parang may iniisip siyang malalim.
"Hindi ko alam na grabe pala ang pag hihirap mo from the past years."
"Okay lang. Para naman sa pamilya ko kaya kakayanin ko."
"I am sorry."
"Para saan?"
"For everything."
Nagkatitigan kami pero ako ang unang bimitaw. Napatawad ko naman na siya pero syempre, tao lang ako. I can forgive but I cannot forget. Kung sakali rin na humingi siya ng second chance eh hindi ko na 'yon maibibigay sakaniya.
"Okay lang. Tapos na 'yun. Past is past nga diba."
"I know. But there's a reason why I left that's.."
"Kailangan ko na palang umuwi Jonah. Salamat sa kape."
Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil baka maiyak lamang ako kaya naman tumayo na ako nag paalam na uuwi dahil malalim na rin ang gabi at malapit ng mag sara ang coffee shop.
"Ihahatid na kita."
"Wag na. Okay lang ako. Uwi ka na rin."
"Uuwi lang ako pag nahatid kita."
Pagkakuha niya ng gamit niya ay nagulat nalamang ako ng hawakan niya ang kamay ko palabas. Binabawi ko sana pero ang higpit ng hawak niya.
"Oy Jonah, bitawan mo ako."
"Nah, baka takasan mo ako."
Hindi naman malayo ang kotse niya sa coffe shop kaya sapilitan niya na naman akong pinasakay. Di talaga siya umaalis sa tabi ko hangga't di nasisiguradong naka seatbelt ako. Pagkatapos niyang masigurong okay na ako saka siya umikot para sumakay na rin.
Tahimik ulit kami pareho sa loob hanggang sa naalala ko yung condom na binili niya noon.
"Jonah."
"Hmm?"
"Kaya ka ba bumili ng condom noon dahil.."
"Yun ba? Ginamit namin siya sa office as balloon. Ikakasal na kasi yung isa sa mga tauhan ko. Pinag tripan lang namin."
"Ah. Okay."
"You seem curious. Do you want to know something?"
Umiling nalamang ako saka tumingin sa labas. Di na rin kami nag usap pa hanggang sa naihatid niya ako sa uwian ko.
"Sige, una na ako. Salamat ulit."
Pababa na sana ako ng bigla niyang hawakan ang bisig ko.
"Wait."
"Bakit?"
Tiningnan niya ako. Matagal. Ako naman nag aantay ng sasabihin niya.
"Nothing."
"Oh. Okay. Good night."
Pababa na ulit sana ako ng bigla niya ulit akong pinigilan. Naiirita na ako ah.
"May kailangan ka ba?"
"Yes. You."
Kinabig niya ako palapit sakaniya at sa bilis ng pangyayari natagpuan ko nalamang ang sarili kong nilulunod na ng halik ni Jonah.
At first I was not able to move. I was shocked. Gusto kong pigilan siya pero ayaw ng katawan kong sumunod bagkus pumikit pa ang mata ko. Unlike before, this kiss is not aggressive. It's sweet and as it goes deeper I tried to return the favor.
"Hmm.."
He moaned. I can feel also that his lips formed a smile. As we continue kissing I can feel his hands travelling from my back to my waist. Not only his hands that travels, his lips starts moving also from my mouth to my ear. I can't help to release a moan when he licks my ear.
"J-jonah.."
Matapos kong sambitin ang pangalan niya ay tumigil ulit siya at lumayo. s**t! Second time around na napahiya na naman ako.
"I'll be honest with you Amber."
"Anong ibig mong sabihin?"
Humarap siya sa'kin. Seryoso ang kaniyang mukha at tiningnan niya ako ng maigi.
"I still love you and I know you still love me too."
Hindi ko maiwasang kumunot ang noo. Anong gusto nitong palabasin?
"Give me a chance. Give us a chance."
"I don't know what you're talking about. Good bye Jonah."
Nagmadali na akong bumaba at pumasok ng building. Hindi ko na rin siya nilingon dahil sa napahiya na nga ako, hindi ko na rin maibibigay ang gusto niya.